#LetsFindVampire

1.1K 55 4
                                    

Aimee's Pov:

"Kayo naba yung Let's Find Ghost Club?" nag aalangang bati samin nung babae na nagpadala samin ng message, may page na kasi ang club namin.

"Kami na nga po, ako po si Lance, tapos si Tyler, Milo then Aimee" pagpapakilala samin ni Lance.

"Aimee?" nagtataka pa nyang tanong.

"Ahh wala poyun" sagot ni Lance at napakamot pa sa ulo

"Sige pasok kayo" sagot nung babae na i think nasa 30+ age na.

Pumasok naman na kami at lumibot ang tingin sa buong kabahayan.

"Twing sasapit ang alas dose ng gabi, bigla na syang magpaparamdam, halos hindi nako nito pinatutulog, bigla nalang may ingay sa labas akong maririnig at sa twing sisilip ako sa bintana lalaking vampira ang nakikita ko, ilan na din ang nabiktima nito at napatay, pero ni isa ay walang naniniwala sa aking vampira ang may kagagawan nun, na kahit sarali kong asawa ay sinasabing nababaliw nako" panimula nya ng biglang may lalaking bumaba sa hagdan.

"May bisita ka pala? Sino sila?" bungad nung lalaki dun sa babae and i think ito yung asawa nya.

"At ang mas nakakatakot pa, dito sya mismo sa gate namin nag sstay hanggang sa sumapit ang umaga, dahil takot sya sa araw" sabi pa nung babae.

"Lara hanggang ngayon ba naman vampira padin? Hindi kana nahiya sa mga batang toh, pwede ba tigilan mo na ang pag iilusyon mo dyan" galit na singit nung mister nya.

"Ayaw mong maniwala sakin, kaya nagbabakasali akong sila, sila ay may magawa" sagot naman nung babae.

"Nakikita mo ba ang mga yan? Ambabata pa nila sa tingin mo anong magagawa ng mga yan, tsaka pls kung ayaw mong isipin nilang baliw ka, tigilan monato" sagot nung mister nya

"At kayo, salamat pero makakaalis na kayo" sabi pa nung mister nya samin.

"Hindi! Hindi sila aalis dito, kung ayaw mong maniwala hindi kita pipilitin!" galit na sagot nung babae, umiling iling lang yung mister nya at umakyat na sa taas.

"Kung ganoon po. Ano pong maitutulong namin sa inyo?" seryosong tanong ni Lance.

"Sabi nyo sa bio ng page nyo, nakikita at nakakausap nyo ang kahit anong elemento, mapa aswang, multo o kung ano man, kaya ang gusto ko sana malaman ay kung bakit kailangan dito sya sa bahay namin magstay at kung bakit kailangan nyang pumatay" mahabang sagot nung babae

"Paano po kayo nakakasiguro na sya talaga yung pumapatay?" tanong naman ni Tyler.

"Dahil isang beses ko na syang nahuli, lagpas ng alas dose ng gabi nun, ng makarinig ako ng sigaw sa labas, pagkita ko, sinisipsip na nung vampira ang dugo nung lalaki sa may leeg, and i think magnanakaw yung lalaki dahil sa suot nito, pagtapos nyang mapatay yung lalaki. Binuhat nya ito at lumipad sya kung saan, tapos kinabukasan nabalitaan nalang na may nakitang patay na lalaki sa talahiban, at sigurado akong yun yung lalaking pinatay ng vampira, nagmark yung pangil ng vampira sa leeg nya pero ayaw padin nilang maniwala sakin, nababaliw nadaw ako" mahabang paliwanag nung babae.

"Makakaasa po kayong maaayos namin ito" sagot ni Lance.

"Maraming salamat, sige magluluto lang ako" sagot nya at umalis na, naupo naman silang tatlo sa couch at ako nanatiling nakatayo.

"Guys, pumapatay ng tao yung vampira, what if mapahamak kayo, wag nalang kaya natin kunin ang case nato" panimula ko sa kanila.

"Wag kang mag alala Aimee, magiging maayos lang ang lahat diba guys?" pagmamalaki ni Milo.

Maya maya pa ay tinawag na sila nung babae kasi di naman ako nakikita eh, so ayun tahimik lang silang kumakain habang pinapanuod ko sila.

"Aimee gusto mo?" tanong sakin ni Milo.

"Baliw ka talaga, multo ako diba" natatawa kong sagot sa kanya.

"Sino ba yang Aimee nayan? Bat kanina kopang naririnig ang pangalan nya?" tanong nung babae sa kanila

"Maniwala man po kayo o sa hindi, may ghost friend kami" sagot ni Milo.

"Kukuha kanalang ng tutulong sa kabaliwan mo, mga baliw din pala" sabat nung mister ng babae.

"Pwede ba tumahimik ka nga" saway sa kanya nung babae, tumayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit dun sa mister nung babae.

"Guys sabihin nyo katabi nyako" sabi ko kina Tyler.

"Actually Sir katabi nyo sya ngayon" sagot ni Milo. Tumawa naman yung lalaki, this time nilapit ko ang labi sa tenga nya at hinipan ito, nagulat naman yung lalaki at napatayo.

"Ano Sir. naniniwala naba kayo?" natatawang sagot ni Milo, nagtatakbo naman sa taas yung lalaki..

"Alam nyo ilang beses konang nakita yung vampira at hindi nako magtataka kung may ghost friend talaga kayo, dahil sa panahon ngayon maraming bagay ang mahirap ipaliwanag pero totoo" paliwanag nung babae. So ayun na nga matapos kumain ay naghanda na sila ng bawang at nilagay sa katawan in case na lapitan sila nung vampira, isa pa sa mga pinagtataka ko ay kung bakit nagagawa kong hawakan ang mga bawang samantalang multo naman na ako.

So ayun andito lang kami sa couch lahat sila ay tutok sa mga gadgets nila, para daw hindi sila antukin, hihintayin pa kasi naming mag alas dose, yung babae naman ay nakatulog na dito din mismo sa couch.

"Kinakabahan talaga ako sa plano nyo eh, huhulihin nyo yung vampira pagkatapos ano ng sunod?" tanong ko sa kanila.

"Papatayin natin, pumapatay sya kaya kailangan nadin nyang mamatay, hindi naman pagmomove on ang kailangan nyang gawin kasi hindi naman sya multo" sagot ni Milo.

"At sa tingin nyo naman ganon nyo lang kadali mapapatay ang vampira nayun?" nag aalangan kong tanong.

"Ayon kay Mrs.Gutierez nag sstay yung vampira dito mismo sa labas ng bahay nila, pero bakit hindi si Mrs.Gutierez ang patayin nito?" sabat ni Tyler.

"Yun na nga eh, sa daming lugar, bakit dito pa kina Mrs.Gutierez, ngayon lang ako nakarinig na vampira tapos sa bahay nakatira? Tsaka isa pa, diba ang mga vampira nagmumukang tao sa umaga?" mahabang sagot ni Lance.

"Hindi lahat Lance, mayroong dalawang uri ng vampira, mayroong nag aanyong tao sa umaga tapos vampira sa gabi, meron din namang vampira na talaga at nagtatago lang sa umaga dahil kahinaan nila ang araw" paliwanag ni Tyler habang nakatingin sa laptop nya.

So dumaan pa ang ilang oras at nakatulog na nga silang lahat, ewan koba hindi ako dinadalaw ng antok ngayon eh. Maya maya pa ay nakarinig nako ng kaluskos na ingay sa labas, sisilip palang sana ako sa bintana ng biglang may bumungad sakin duon

"Whuuahhhhhh!!" sigaw ko.

____

Voteeeee.

Continuation is on the road hahahahaha

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon