*GHOST FINALE*

1K 54 12
                                    

Maxinne's Pov:

*After 1 year*

"Congratulationnnnssss Team!!!!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa tatlo, agad agad naman silang napatingin sakin ng nakangiti.

"Congratulations din Max!" sigaw nilang tatlo, sa nakalipas na isang taon, nasanay na sila na ako talaga si Maxinne.

"Waaa grabe ang bilis ng panahon noh, hindi ako makapaniwalang nabigyan ako ng chance na makasabay sa inyo sa graduation" masayang bungad ko sa kanila. Kasi diba 3rd year college, nacoma ako 5months din ako nawala, buti nalamang at hinayaan nila akong magsummer at ayusin ang mga dapat kong ayusin kaya ngayon etoo, gragraduate na kami ng 4th yr.college, ang saya sayaaaa.

"Deserve mo yan Max" nakangiting sabat ni Tyler bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nya.

Sobrang daming nangyari sa loob ng isang taon, hindi na nga namin mabilang kung ilang cases na ang nasolve namin, may mga taong nagpapasalamat sa amin, public kaya unti unti pakiramdam namin ay nakikilala ang team namin, sobrang saya kona naging bahagi ako ng club na ito, andami kong natutunan, may mga nakakatakot, may mga cases din na mismong mga buhay namin ay pwede na naming ikapahamak pero hinaharap namin ng sama sama. May mga time pa na dis oras ng gabi tumatakas pako sa bahay para lang makasama sa pagsolve ng case. At alam nyobang naaalala kona lahat? OO lahat lahat sa pagkamulto ko, simula sa paggising ko sa tabing kalsada at pagsama sa kanila, lahat din ng mga cases na sinolve namin habang multo ako ay alam na alam kona, naalala ko lahat ng yun  dahil sa walang sawang pagpapaalala ng tatlong ito. Hindi ako nagsisising pinagkatiwalaan ko sila kahit wala pakong ganoong naaalala nuon, nakakalungkot lang isipin na natapos na ang college pero walang dumagdag sa club namin, choice nila yun. Sinayang nila ang pinaka exciting na club sa lahat, kung saan matututo kayong magtulungan, walang iwanan kahit anong mangyari, sama samang haharapin ang takot para makatulong sa iba.

Dumaan pa ang ilang minuto, naupo na kaming lahat sa mga upuan nakalaan sa amin, kaya naman magkakahiwalay kaming apat, syempre lalo na ako kasi ibang kurso ako, ang mga estudyante ay nasa kanang bahagi habang ang mga parents or guardian ay nasa kaliwa, napakalaking stage para sa napakalaking pagdiriwang na ito.

Maya maya pa ay nagsimula na nga ang graduation, isa isa ng nag aakyatan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nilang masayang nakikipagkamay sa matataas ang katayuan sa paaralan, kasabay ng pag abot ng sertipikong nagsasabing nakatapos kana! Kitang kita ang pagkaproud sa mata ng mga magulang, dahil sa wakas ay ang hirap nilay masusuklian na, nakatapos ang anak nila na. Hindi ko namalayang sa kurso na pala nina Tyler ang binabanggit sa stage, hanggang sa umakyat na si Milo kasama ang mommy at daddy nya, how sweettt, ang cutiee talaga ni Milo medyo chubby na ang sarap kurut kurutin, ang pinakamasayahin sa club, tinatawanan ang mga seryosong bagay pero pagdating sa ghost kung makasigaw dinaig pako, bigla nalamang akong natawa habang naaalala ang mga past reactions ni Milo sa past cases na sinolve namin. Ilang studyante pa ang nagsi akyat at tinawag na si Lance, umakyat syang tanging daddy nya lamang yung kasama nya, siguro ay busy ang mommy nya, matangkad, mabait at leader ng club namin, ang pagiging leader na pinaninindigan nya, hindi sya papayag na may mapahamak na isa sa amin, sya ang nagsisilbing tapang ng club, pero hindi napapagkailang masayahin din sya, hindi din sya kj pagdating sa bagay bagay, pagdating sa biruan andyan sya, at pagdating ng seryosong bagay ay seryoso lang talaga.  Dumaan pa ang ilang studyanteng umakyat hanggang sa si Tyler na, paakyat palang sya ay nakatuon na ang tingin ko sa kanya, naalala ko yung pagkamulto ko, sa kanya ko naibigay yung first kiss ko nung time na naglalaho nako, pero bilang isang multo, sa pagdaan ng mga araw na lagi kaming magkakasama ay unti unti, nagkakaroon nadin ako ng feelings sa kanya, si Tyler na takot sa multo pero pagdating sakin nawawala yung takot nya, wala na syang pake sa mga pwedeng mangyari basta safety kona ang pinag uusapan, si Tyler na naging malaking parte ng buhay ko, si Tyler na ilang beses akong pinaglaban at pinagtanggol, si Tyler na mahiyain, si Tyler na ang tingin ng karamihan ay isang palpak lamang na estudyante ay ang taong para sa akin ay da best at walang kagaya, ngayon ay masasabi ko ng mahalaga ka sakin Tyler, mahalaga kayong tatlo para sa akin, at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa inyo, habang buhay kong tatanawing utang na loob ang paulit ulit nyong pagliligtas sa akin, da best kayo at hindi ko kayo ipagpapalit kahit kanino man, naalala ko si Maya at Shane na nilayuan nako mula ng sumali ako sa club nina Tyler, kung totoo silang kaibigan susuportahan dapat nila ako sa mga gusto ko, hindi yung iiwan ako dahil tingin nila kina Tyler ay mga baliw. Unti unti ay tinanggap konadin naman yun, hindi ko sila kawalan, ang malaking kawalan ay kung papakawalan ko ang tatlong ito.

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon