#AimeeIsMaxinne

821 49 0
                                    

Maxinne's Pov:

Hanggang ngayon naguguluhan padin ako sa dalawang lalaking yun, hindi ko naman talaga sila kilala eh, ang weweird nila, multo? naniniwala ba talaga sila sa ganun? ayokong isiping nababaliw na sila tulad ng sinabi ni mommy, pero kasi basta ang gulo lang nila. Basta masaya ako dahil binisita nako ng mga kaibigan ko dito at mga kaklase na hinihintay ang paggising ko, yun nalang muna ang iisipin ko.

Wala ngayon si mommy may inaasikaso lang, siguro naman sa isang araw ay makakalabas nako dito, at manunumbalik na yung lakas ko.

____

Tyler's Pov:

Habang naglalakad sa hallway ng hospital ay may narinig kami at sa ilang beses na pagkakataon nakarinig na naman ako ng pangalang MAXINNE na usap usapan sa school.

"Doc balita ko nagising na yung pasyente nyong galing sa coma ah" sabi nung nurse sa kanya, pagpapatuloy kona sana yung paglalakad kaso pinigilan ako ni Lance.

"Ah yung Maxinne, oo buti nga at nagising na sya" sagot naman nung doctor.

"Bakit?" tanong ko kay Lance.

"Si Aimee yung pinag uusapan nya" sagot ni Lance ng makababa nayung doctor at nurse.

"Aimee?" nagtataka kong tanong.

"Ang totoong pangalan ni Aimee ay Maxinne" sagot naman nya, napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Teka nga lang? diba yung Maxinne na usap usapan sa school mo Tyler ay galing din sa pagkakacoma? Tapos si Aimee na Maxinne pala ang pangalan ay nacoma din? Hindi kaya iisa sila?" sabat naman ni Milo

"Oo Milo iisa nga sila! ang uniform ni Aimee ay uniform ng girls sa school nayun nung multo palamang siya. Sabi sa school last time na narinig natin, nabundol si Maxinne ng isang sasakyan galing school, ibig sabihin nakauniporme si Aimee nung nabundol sya at nauwi sa coma, kaya dun nagising ang kaluluwa ni Aimee at nakauniform sya ng nagising duon. Kaya ang multo na pinangalanan nating Aimee ay Maxinne ang tunay na pangalan" mahaba ding paliwanag ni Lance.

"Ibig sabibin noon palang schoolmate na natin si Aimee" bulong ko naman.

Maxinne's Pov:

Dahan dahan akong tumayo sa pagkakahiga para masanay kona ulit ang paa kong tumayo, medyo nahihirapan talaga akong gumalaw, dahan dahan kong itinuntong yung paa ko sa sahig at dahan dahang tumayo, laking tuwa ko ng magawa ko ito, hahakbang na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sanhi para magulat ako at mawalan ng balanse, pero bago pako matumba ay nasalo ako ng isang lalaking hindi kilala. Nagkatinginan kami habang nasa ganoong posisyon, bago nyako inalalayan paupo sa kama ko.

"Sino ka?" tanong ko ng muling nagbukas ang pinto at pumasok yung dalawa kaninang lalaking nanggaling na dito.

"Kayo na naman? Sino ba talaga kayo? Anong kailangan nyo sakin?!" sunod sunod kong tanong sa kanila.

"Hindi ka naming pipiliting alalahanin ang mga pinagsamahan natin, pero sana tanggapin mo kami sa buhay mo, sana hayaan mo kaming dalawin ka, alagaan ka at ipaalala sayo ang mga nakalimutan mo" paliwang naman nung lalaking sumalo sakin.

"Ano bang sinasabi nyong hindi ko maalala? Hindi ako nagka amnesia at wala akong nalilimutan, at kayong tatlo hindi ko talaga kayo kilala at hindi ko talaga kayo naaalala kaya pasensya na, lubayan nyonako" sagot ko naman.

"Andami na nating pinagsamahan, andami na nating nalakbay, andami na nating napuntahan, andami na nating natulungan, andami na nating adventures na ginawa sama sama, andami na nating memories na nabuo sa loob ng limang buwan na habang natutulog ang katawan mo dito ay kasama namin ang kaluluwa mo, hindi mo alam kung gaano kasakit samin, lalo na sakin nung nawala ka, Aimee halos hindi nako makatulog kakaisip sayo, halos hindi nako makakain dahil hindi nako sanay na wala ka sa tabi ko. Ikaw na kahit san ako magpunta at anong gawin ko ay kasama ko." paliwanag nya at sunod sunod na luha ang pumatak sa mga mata nya na agad nyang pinunasan, hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"Sa tingin nyo, pano ko magagawang maniwala sa mga sinasabi nyo tungkol dyan sa mga kaluluwa at multo nayan" naguguluhan kong sagot.

"Dahil yun yung totoo Aimee, oo mahirap paniwalaan, oo hindi mo maalala dahil nung nagising kana nabura lahat lahat ng mga pinagdaanan mo bilang multo" sabat naman nung isang lalaki na galing dito kanina.

"Isa pa yang Aimee nayan, ilang beses kobang sasabihin sa inyo! Maxinee ang pangalan ko!" medyo naiinis kong sagot sa kanila.

Kasabay nun ay biglang bukas ng pinto at pumasok ang gulat na si Mommy.

"Kayo na naman? at nagsama pa talaga kayoo! Pwede ba utang na loob umalis kayo dito, wag nyong guluhin ang anak ko!" sigaw agad ni mommy at nilapitan ako.

"Ako si Tyler, tapos si Lance at Milo, sana maalala mo kami" pagpapakilala nung Tyler? at tinuro yung dalawa, tapos ay lumabas na sya at lumabas nadin yung dalawa.

Bigla namang may kung anong parang pumitik sa loob ng utak ko matapos nyang ipakilala ang sarili at mga kaibigan.

"Aray" mahina kong angal at napahawak sa ulo na medyo sumakit bigla.

"Anak ayos kalang ba? anong masakit sayo? Anong ginawa sayo ng mga yun?" sunod sunod na tanong ni mommy, umiling iling nalang ako.

"Wala Ma. medyo sumakit lang yung ulo ko pero wala lang po ito" sagot ko.

Tyler's Pov:

"Mukang malabo na nya tayong maalala" mahinang tugon ko habang pababa kami ng hagdan.

"Nabura na nga talaga yung mga naipon nyang memories nung multo pa sya" sagot naman ni Milo.

"Kung wala siyang maalala tungkol sa pagiging multo nya, eh di magsimula nalang ulit tayo sa simula" sagot naman ni Lance.

"Sa tingin mo naman gugustuhin nya pa tayong makilala matapos ang lahat ng nangyari?" tanong ko naman.

"Walang imposible Tyler, yung iniisip nga nating imposibleng mabuhay si Aimee nangyari diba" sagot naman ni Lance at tinapik ako sa balikat.

____

VOTE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon