[A/N: Kung sila may Liham Pamamaalam, ako naman may Liham Pagpapaalala HAHAHAHAHA, tawa kayo dali joke yun hihi, tsaka this chapter magfufull flashback tayo sa past memories ng barkada, let's read]
____
Tyler's Pov:
"Sigurado kaba dyan sa ginagawa mo?" pangungulit ni Milo sakin.
"Oo nga, malay mo naman sa pamamagitan nito ay maalala na nya, walang masama sa pagbabakasali, tsaka ngayon pa ba ako susuko, nung multo sya hindi ko sya sinukuan, ngayon pabang tao na sya" sagot ko naman sa kanya at patuloy lamang sa pagsusulat.
____
*KINABUKASAN*
Maxinne's Pov:
Sa wakas makakalabas nadin ako, miss na miss kona kasi yung bahay namin. Habang nag aayos kami ni mommy ng gamit ay may kumatok, binuksan naman agad ni mommy yung pinto.
"Dito poba si Maxinne Medina?" tanong nung nurse.
"Ah opo, yung anak kopoyun" sagot naman ni mommy.
"May nagpapabigay po" sagot nya at may inabot na papel kay mommy, paglapit ni mommy sakin ay inabot nya ito sa akin.
"Kanino galing anak?" tanong nya, bubuksan kona sana yung sulat ng biglang may tumawag kay mommy kaya lumabas sya.
Aimee/Maxinne,
Alam ko pag nalaman mong galing ito samin ay baka itapon monalang ang sulat na ito basta at hindi na pagaaksayahan ng oras para basahin, humihingi kami ng konting oras mo para basahin ang sulat na ito, maraming salamat.
Naglalakad kami nung tatlo, may club kami sa school pangalan nung Let's Find Ghost Club, walang sumasali samin kasi hindi sila naniniwala sa multo, pero dahil pursigido kami ay twing gabi nagbabakasali kaming makakakita, galing kami sa school nun, hanggang sa hindi sinasadyang makasalubong ka namin sa daan na hindi mapakali, humingi ka ng tulong samin, dahil sabi mo basta kanalang nagising sa tabi ng kalsada nayun tapos ay wala ka ng maalala, at ayun nga sinama ka namin sa bahay dahil naawa kami sayo, Dun din sa bahay namin, natuklasan mong multo ka pala at inakala mong patay kana, natakot ka nun kaya itinago mo sa amin, pero natuklasan namin ito ng katabi ka namin sa harap ng salamin pero walang nagrereflect na sarili modun, dun nagsimula yung pagkatakot namin sayo, tinaboy kapa namin nun, yung Aimee mo namang pangalan, nabasa molang yun sa isang magazine tapos nagpakilala ka saming si Aimee, kasi nga wala kang naalalang kahit ano, pero after nun narealize din namin na hindi ka naman masama, kaya hinanap ka namin, hindi naman kami nabigo, ayun humingi kami ng paumanhin sayo, dun nadin nagsimula ang lahat, at dahil wala ka ngang maalala ay tutulungan ka namin, sumali kapa sa Let's Find Ghost Club namin, kung saan andami na nating na entertain na Ghost kagaya mo. Naalala mo ba yung white lady sa school namin? or sabihin nalang nating school natin, kasi dun kadin naman talaga pumapasok. Yun yung unang case natin, hindi konga alam kung matatawa ba ako o kung maiiyak ako eh, yung unang case nating yun ay yung kinuha nung white lady si Milo, tapos tayo syempre tutulungan natin sya, kaya hinanap natin yung white lady tapos naabutang nakalutang si Milo dun, dahil kinokontrol sya nung white lady, tapos nun pati kami ni Lance ay nagamitan nya ng kapangyarihan nya maliban sayo. Kasi nga isa ka nung ghost, ay mali pala that time pala hindi pa namin alam na multo ka, ang tingin pa namin sayo sa case na toh ay isang tao, na kaya pala hindi gumagana yung powers nung white lady sayo ay dahil isa kanading ghost, tapos ayun, tinanong mo yung white lady, tapos kinausap kung bakit nyato ginagawa, and then nalaman nating hindi makamove on yung katawan nya dahil may gusto pa itong mangyari sa sarili nya, sya yung pinangakuan nung boyfriend nyang magpapakasal pero hindi natuloy bagkus iniwan pa nga sya at pinatay, tapos nun ikaw ang nakaisip ng paraan para makapagmove on na sya at manahimik na yung kaluluwa, ito na yung nakakatawa, pinakasal molang naman ako dun sa white lady at si Milo ginawa mong pari, takot na takot ako nun, pero ngayon pag iniisip ko ay natatawa nalamang ako, pagtapos nun nagpaalam na yung white lady sa atin at kinuha na sya ng liwanag, dahil nakuha na nya ang hinihintay nya at gusto nyang makuha. So ayun natapos natin yung unang case, pangalawa naman ay yung vampira, ito yung napaka misteryoso nating case na kahit isa sa atin ay walang naka isip na ganon pala ang nangyari, this time minessage lang nung isang babae yung facebook page natin para humingi ng tulong, marami nadaw kasi syang nakuha pero lahat walang nagagawa sa problema nya, kaya nagbabakasali sya na tayo ay magagawa natin. Ang problema sa case nato ay kung bakit twing sasapit ang alas dose ng gabi ay may vampira na tumatambay sa gate ng mag asawang ito. Naghintay tayo nung sumapit ang alas dose ang kaso lamang ay nakatulog kaming lahat at ikaw lang ang nanatiling gising, ikaw din yung gumising sa samin nung nakita mo na yung vampira hanggang sa nakarinig na tayo ng sigaw ng isang babae sa labas tapos lumabas tayo at naabutang buhat buhat na nung vampira yung babae habang lumilipad, na nakilala nating kapitbahay ng may bahay na humigi satin ng tulong. Kinausap natin yung vampira kung bakit sya pumapatay, hanggang sa nalaman natin na ang mga pinapatay nya ay may mga ginagawang masama sa magulang nya, kung saan ang magulang nya pala ay ang mag asawa na tinulungan natin, mahirap pa nuong paniwalaan pero narealize din ng babae na tinulungan natin na ang vampira ngang laging nakatambay sa gate nila ay ang anak nya, isinumpa daw sila ng isang matandang nabundol nila pero hindi manlang nila tinulungan, na kaya pala yung vampira ay laging nakabantay sa gate nila ay dahil pinoprotektahan sila ng anak. At ang susi naman sa case nato para makapag move on na ang anak ng mag asawa na nagibg vamipira ay ang yakap ng kanyang ina, dahil nuon palang ito na ang hangad nya ang kaso lamang ay pag lumalapit sya ay takot sa kanya ang ina dahil sa hindi sya kilala, matapos ang yakap nayun , bumalik sa pagiging bata ang lalaking vampira pero patay na ito at wala ng malay , masakit man ang case nayun para sa atin, kailangan lang nating tanggapin na lahat ay may katapusan.
Itutuloyyyy
VOTE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HorrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...