Tyler's Pov:
Unti unti kong minulat ang mata ko at nasilayan ang puro bungo at kalansay sa paligid ko, agad agad akong napatayo at napamasid sa paligid na animoy napabayaan na punong puno ng lumot.
Asan ako? tanong ko sa sarili ko, pilit kong inalala ang nangyari kung bakit ako napunta rito, bumalik sa akin ang ginawa kong pagsilip sa pool ng bigla nalang akong tangayin ng tubig pailalim, pagtapos nun wala nakong maalala, maya maya pa ay nakarinig nako ng kakaibang tunog, napaatras ako ng bahagya ng may naapakan akong bungo ng tao, agad agad naman akong tumakbo papalayo ruon ng bigla akong natakid, tatayo na sana ako galing sa pagkakabagsak ng bumungad sa akin ang isang lalaki na maputla at puting puting kulubot ang balat.
"Si-sino ka?" nauutal kong tanong sa lalaki.
Nagulat ako ng bigla akong sinakal at iniangat pataas.
"Bi-bitawan moko" hirap na sabi ko
"Paano mo nagagawang iangat ako? Tao kaba?" sunod kopang tanong ng bigla ako nitong binitawan, napahawak ako sa leeg sa sakit na natamo.
Hindi umimik ang lalaki at naglaho nalamang ito bigla. Sinubukan kong maghanap ng daan palabas kung asan man ako pero wala ni katiting na butas akong makita, ni liwanag ay nawala nung nawala sya.
Aimee's Pov
"Ano? Pano! hihintayin nalang ba nating biglang lumutang ang bangkay ni Tyler dyan!" medyo naiinis kong sabi sa kanila.
"Eh ikaw naman tong may kasalanan kaya sya nawawala diba tapos ngayon ikaw pa yung parang galit dyan!" naiinis namang sagot ni Milo.
"Pano naging ako, eh wala naman ako dito kanina" naiinis koding sagot
"Kung hindi ka sana umalis, eh di sana kanina pa tayong wala dito sa resort, eh ikaw tong hinihintay ni Tyler na bumalik eh, kaya kami inabot ng alasais dito" sagot nya.
"Tumigil nga kayong dalawa, walang may gusto sa nangyari, Milo, wag mong isisi kay Aimee ang nangyari" sabat naman samin ni Lance.
"Ang isang paraan lang para matapos nato ay madrain ang tubig na ito sa pool, pag nagawa natin yun mawawala na ang kapatid ko at mananahimik na ang katawan nya" mahinang sabi nung babae dahilan para mapatingin kaming tatlo sa kanya na pugto ang mata at nakatulala lamang sa pool, agad agad namang lumapit si Lance sa kanya.
"Bakit hindi mo agad sinabi? Eh ano pang hinihintay natin, idrain na natin yung tubig" sagot agad ni Lance, umiling iling yung babae at muling naluha bago sumagot.
"Hindi nyo naiintindihan, hindi ganon kadali yun, hindi natin magagawa yun dahil nakabantay lang sya dyan, mapapahamak lamang kayo pag sinubukan nyo" sagot naman nya.
"Pero hindi masamang magbakasali" sagot naman ni Lance.
"Ang bakasaling yan ang papatay sa inyo, wala na yung kaibigan nyo sigurado ako dun! kaya kung ayaw nyong sumunod sa kanya umalis na lamang kayo!" medyo napalakas na yung boses nung babae.
"Hindi, hindii Hindiii! hindi pa patay si Tyler, Lancee pls tulungan natin sya" naiiyak kong pakiusap sa kanya, pero wala ni isang luha ang pumapatak sa mata ko dahil multo na nga ako
"Wag kang mag alala Aimee, hindi tayo aalis dito hangga't hindi natin nababawi si Tyler" sagot naman sakin ni Lance
"Aimee?" biglang nagtatakang tanong nung babae, pero sa halip na sagutin pa sya ay tinanong na sya ni Lance
"Idrain na natin bilis san ba?" tanong ni Lance sa kanya, agad agad namang tumakbo yung babae kaya sumunod kami, itinuro nya kung asan yung pinaka drain center, agad agad itong pinihit ni Lance pagtapos ay tumakbo kami pabalik sa pool.
"Bat ganun parang hindi nababawasan yung tubig" komento ko. Maya maya pa may biglang liwanag sa may main drain dun sa ilalim ng pool
"Sinabi ko naman sa inyo hindi nyo madradrain ang tubig dyan, dahil lagi syang nakaalerto" sabi nung babae sa likod namin.
"Kung ganon kukunin koyung atensyon nya, at ikaw Milo buksan mo yung main drain sa ilalim" sabi ni Lance samin.
"Ako na yung bahala sa main drain, multo nako kaya di ako mauubusan ng hininga" sagot ko naman, tumango nalang si Lance at tumalon na sa tubig, agad agad din naman akong lumusong sa tubig, ng nasa ilalim nako ng tubig, nakaramdam agad ako ng panghihina, anong nangyayari sakin, bakit ganito? bakit nahihirapan ako, bat parang nagkakapulso ako pag andito ako sa tubig, agad agad akong umahon at bumalik yung lakas ko..
"Hindi ko magawang magtagal sa tubig, parang bigla akong nagkakaroon ng hininga pag andun ako, nahihirapan ako" naguguluhan kong sagot, agad agad namang tumalon si Milo duon. Maya maya pa ay iniangat ng tubig si Lance habang kinokontrol ito nung lalaking multo.
"Talagang gusto nyong mamatay ano!" sigaw nung multo.
"Agad agad akong nagtransfer sa harap nung lalaking multo at itinulak sya dahilan para mawala ang kontrol nya sa tubig at bumagsak muli si Lance sa pool.
"At sino ka namang multo ka! at nangingialam ka dito!" galit na sabi nya sa akin, napansin kong papunta nadin si Lance sa main drain ng pool kaya mas ginalingan ko ang pagkuha sa atensyon ng multo.
"Pwede ba tumigil kana! bakit moba to ginagawa!" sabi ko sa kanya.
"Wala kanadun!" malakas na sagot nya at itinulak ako ng malakas. Lalapit pa sana sya sakin pero bigla syang kumukurap, kumukurap yung buong katawan nya, nawawala sya tas bumabalik, alternate lang na ganon ang nangyayari sa kanya.
"Mga walanghiya kayoo! anong ginawa nyo! Bakitt nyo inaalis ang tubig!!" galit na sigaw nito at susugod pa sana kina Lance pero tila nanghihina na sya kasabay ng dahan dahang pagbaba ng tubig sa pool.
"Tama na toh kapatid, sana'y maging masaya kana at manahimik kana, hinding hindi kita malilimutan" sabi pa nung ate nya at muling naiyak
"Atee bakit hinayaan mong gawin nila toh, hinayaan mong patayin nila ako" sagot naman nung lalaking multo.
"Dahil patay kana talaga, hindi na natin maibabalik payunn" sagot nung ate nya at lalong naiyak, kasabay nun ay pagkalaho na nya ng tuluyan at pagkaubos ng tubig sa pool na hindi ko alam kung bakit ambilis nitong naubos.
"Wahhhhhhhg!!" sigaw ni Tyler at biglang lumabas sa loob ng main drain at plaktang bumagsak sa pool na wala ng tubig.
"Arayy" reklamo nya, agad agad naman kaming tumakbo sa kanya.
"Tyler, ayos kalang ba? san yung masakit?" nag aalala kong tanong sa kanya.
"Ayos lang ako Aimee, teka anong nangyari dito?" tanong nya, nagtinginan lang kaming tatlo nina Milo at Lance at nagtawanan, niyakap ko naman ng mahigpit si Tyler sa labis na kasiyahan.
____
"Bakit gabing gabi na kayo umuwi kanina pakong nag aalala sa inyo" bungad samin nung Lolo ni Lance pagkadating namin dito sa bahay nya. Pero syempre hindi nyako nakikita.
"Mahabang kwento Lo, sige po matulog napo kayo, at magpapahinga na din po kami" sagot naman ni Lance.
"Oh sya sige, maiwan kona kayo" sagot ng Lolo nya at umakyat na.
"Maiwan ko na kayo, magpahinga na kayo" pagpapaalam ko sa kanila
"Teka!" sabay sabay nilang pigil sakin.
"San ka pupunta?" tanong ni Tyler.
"Sa bahay nyo sa manila, dun nalang ako magpapahinga para mabantayan konadin diba" sagot ko.
"Hayaan monayun, dito kanalang" sagot naman ni Lance.
"Aimee sorry kanina kung naaway kita at nasabihan ng kung ano ano, wala naman talagang may kasalanan sa nangyari ih" mahinang sabat naman ni Milo, tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Ano kaba ayos lang naiintindihan ko, sigeee na babyee na goodnight" sagot kobat tuluyan ng umalis.
Hanggang kailan kaya ganito, bakit pakiramdam ko kasalanan ko kaya may mga nakakasalamuha silang multo at aswang, ayokong mapahamak sila.
_____
DONT FORGET TO VOTE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HororMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...