Maxinne's Pov:
"Tylerr! Lance! Milo!" sigaw ko habang tatakbong papasok sa gate ng school ng makita sila sa pwesto ng club nila na LET'S FIND GHOST CLUB.
"Oh Aimee andyan ka pala, kamusta?" bungad sakin ni Milo ng nakangiti..
"Bakit kayong tatlo lang dito? eh magsesecond sem na" natatawa kong tanong sa kanila..
"Wala padin namang gustong sumali eh, hindi naman kami namimilit kaya bahala sila" sagot naman ni Lance.
"Pwede bang sumali?" nakangiti kong tanong, nagtinginan naman silang tatlo bago lumawak ang ngiti at tumingin sa akin, nagulat naman ako ng biglang may luhang pumatak sa mata ni Tyler na agad nyang pinunasan..
"Bakit ka umiiyak? ayos kalang ba?" nagtataka kong tanong sa kanya
"Alam mo bang yang linyang yan din ang mismong sinabi mo bilang si Aimee nuon, para sumali sa club naming wala namang naniniwala" sagot ni Tyler, ngumiti naman ako at hinawakan ang dalawa nyang kamay.
"Kung noon sumali si Aimee sa club nyo bilang multo, ngayong sasali na sya bilang tao" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Group huggg!" sigaw ko, at niyakap silang tatlo ng mahigpit.
"Max?" sabay na nagtatakang bungad ni Shane at Maya.
"Oh kayo pala?" natatawa kong bungad sa kanila.
"Bakit nandito ka? tsaka bakit nakahug ka sa kanila?" sunod sunod na tanong ni Shane.
"Sumali ako sa club nila, muka kasing exciting, tara sali nadin kayo" nakangiti kong sagot sa kanilang dalawa, nagtinginan pa sila bago kumunot ang noo.
"Nababaliw kanaba Max? alam mo nabibigla kalang tara na sa room" singit ni Maya.
"Hindi ako nabibigla, sumali na talaga ako sa club nila kasi kaibigan ko sila" nakangiti kong sagot, ng bigla na namang may sumingit.
"Kaibigan?" singit ni Mateo.
"Bahala kana nga dyan" sabi pa ni Shane at Maya at umalis na, binaling ko naman ang tingin kay Mateo na hindi maipinta ang mukha.
"Oo kaibigan ko sila, ang nice kaya nila" nakangiti kong sagot kay Mateo.
"Hindi mo kilala ang tatlong yan, mga baliw sila" sagot naman ni Mateo.
"Kung may baliw man dito, ikaw yun Mateo dahil basta kanalang makapagsalita sa mga taong hindi mo naman lubos pang kilala" matapang kong sagot na ikinabigla nya.
"Unique sila Mateo, nag iisa lamang silang tatlo, alam mo sumali ka sa club nila, or club namin para mas makilala mo sila" sabi kopa .
"Ano?! Sumali ka sa club nilang pangalan palang ay weird na" nagtatakang sagot ni Mateo.
"Oo"
"Sinasabi kona sayo Maxinne wala kang mapapala at matututunan dyan, magsasayang kalang ng oras lalo na at ang mga kasama mo ay mga palpak" sabi pa nya.
"Tapos kana ba magsalita? Kung tapos kana maaari mo ng lisanin ang lugar na ito dahil hindi ka belong dito!" sagot ko naman sa kanya, wala naman syang nagawa at umiling iling lang at umalis na.
"May naalala ulit ako sayo Aimee" sabat naman ni Milo na agad kong binalingan ng tingin.
"Ano naman yun?" kunot noo kong tanong.
"Noon kasing andito tayo sa school nakasagutan din namin yang si Mateo at kabarkada nya, sabi kopa himala kasi hindi lumingon si Mateo sa babaeng kasing ganda mo, yun pala hindi ka nya nakikita nuon, nakakatawa lang isipin yung noon habang nakikita yung ngayon" natatawang paliwanag ni Milo. Ngumiti naman ako sa sinabi nya.
"Sinong mas mabait, yung Aimee na multo o ako si Maxinne na tao?" tanong ko naman sa kanilang tatlo.
"Pareho namang ikaw yun eh" natatawang sagot ni Tyler.
"Sa ngayon para samin mas mabait yung Aimee na multo pero sigurado kaming habang tumatagal ay makikita namin sayo ang katangian ng multo nayun" sagot naman ni Lance.
"Salamat sa pagtitiwala at pag intindi! Go Team!!!" sigaw ko, nagtawanan naman kaming lahat.
Ito na ang simula ng panibagong simula, bilang isang tao hindi isang multo.
_____
VOTE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
TerrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...