Maxinne's Pov:
Kasalukuyan akong nakaupo sa hapag kainan habang naghahanda ng pagkain si mommy sa lamesa. Busy ako sa pagtitipa sa cellphone ko ng biglang may mabilis na dumaan sa harap ko, agad agad ko itong nilingon pero wala naman.
"Ma. si daddy poba andito na?" tanong ko kay mommy na kasalukuyang asa kitchen.
"Nag overtime sya anak, maya maya pa iyon, bakit mo natanong anak?" sagot naman ni mommy.
"Parang may dumaan po kasing nakaitim dito" sagot ko naman.
"Guni guni molang siguro anak, oh ayan kain na tayo" sagot nya at naupo nadin.
Dalawang beses konang nakikita ang lalaking yun, guni guni konga lang bayun?
Pagkatapos kumain ay tumungo nako sa kwarto ko, nakita koyung sulat nung tatlong lalaki nakapatong dun sa maliit na lamesa, naalala koyung lalaking nakaitim, sinabi nila sa sulat na balak ako nitong kunin? Mali! mali tong naiisip ko, imposibleng yung lalaking nakaitim na dalawang beses ko ng nakikita ay ang lalaking nandito sa kwento nilang hindi koba alam kung paano paniniwalaan.
*KINABUKASAN*
"Max ayos kalang ba? Kanina kapa kasing walang imik dyan" bungad na tanong ni Shane sa tabi ko. Dalawa kasi silang friends ko, si Maya at Shane.
"Oo ayos lang naman ako, may iniisip lang" mahinang sagot ko.
"Ano naman yun?" nagtatakang tanong ni Maya.
"Kahapon kasi, dito sa school tapos sa bahay may lalaking nakaitim akong nakita, pero hindi naman ako sigurado kasi mabilis lang lagi ito sa paningin ko tapos nawawala na" paliwanag ko sa kanila ng biglang may sumabat sa usapan namin.
"Nakita mo sya?" gulat na tanong nung Tyler mula sa likod namin, agad agad ko naman silang hinarap.
"Kayo na naman? diba sabi ko senyo lubayan nyonako" sagot ko naman sa kanila.
"Hindi ka namin lulubayan lalo na ngayong nalaman naming nagpapakita ang lalaking gustong kumuha sayo" sagot naman nung Tyler.
"Pero hindi konga kayo kailangan diba!" sagot ko naman at nagmamadaling maglakad, sumundo naman agad sakin si Shane at Maya.
"Ang weird talaga lagi ng tatlong yun, basta about sa mga kababalaghan na ganyan" sabi ni Shane sa tabi ko, napahinto naman ako at tinignan sya ng nagtataka.
"Kababalaghan?" nagtataka kong tanong
"Oo dito sa St.Mateo sila lang tatlo ang may club na genre is horror, Let's Find Ghost ang club name nila, walang sumasali sa club nila kasi wala namang naniniwala sa multo kahit ako naman eh" natatawa nyang paliwanag.
"Anong walang sumasali ka dyan, diba sabi nila apat sila sa grupo kasi nga may isang babaeng sumali, yung Aimee bayun?" sabat naman ni Maya.
"Aimee? Ang Aimee bang ito ay nakita nyona?" seryoso kong tanong sa kanila
"Hindi pa eh, pero alam mo iba iba pa sila ngayon kesa noon, kasi mawiwirdohan ka talaga sa tatlong yan, kasi minsan mahuhuli monalang may kinakausap pero wala naman, yung parang may kinakausap silang sila lang nakakakita, pero ngayon hindi na, muka na silang mga normal, ahh basta ewan ko, basta weird ang tatlong yan" naiiritang paliwanag ni Shane.
"Teka nga Max, bakit bigla ka atang naging interesado sa tatlong yun? tsaka bakit gusto mong lubayan ka nila? kinukulit kaba nila?" sunod sunod na tanong naman ni Maya.
"Ah wala wala, tara na" sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
Tyler's Pov:
"Anong gagawin natin ngayon? may third eye din si Aimee nakakakita din sya ng mga multo, Nakikita ni Aimee ang lalaking nakaitim na gustong kumuha sa kanya nung multo sya, hindi malabong may binabalak padin ito kay Aimee, kailangan natin syang protektahan" paliwanag ko kay Milo at Lance.
"Pero paano nga natin gagawin yun, kung bawat paglapit natin sa kanya eh itataboy nya tayo" sagot naman ni Lance.
"Hindi ko alam! Basta kailangan hindi mawala ang paningin natin sa kanya, kung kinakailangan natin syang sundan ng palihim ay gagawin natin para hindi sya mapahamak" sagot ko.
"Hindi ganon kadali ang iniisip mo Tyler, hindi sa lahat ng oras ay makakabuntot tayo sa kanya" sabat naman ni Lance.
"Eh anong gagawin ko! Hintayin nalang na may mangyaring masama sa kanya?" naguguluhan kong sagot sa kanila.
"Kailangan muna nating kumbinsihin si Aimee na maniwala sa atin, at pag nagawa natin yun, malaya na natin syang mababalaan sa mga pwedeng mangyari" sagot ni Lance.
"Nung multo sya andami nyang problemang dinadala, hanggang ngayon ba namang buhay na sya hindi padin sya tinatantanan ng kapahamakan" mahinang sagot ko at napaupo nalang.
_______
VOTE THANKS
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
KorkuMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...