Milo's Pov:
"Kamusta na kaya sina Tyler dun, hindi manlang nasagot sa mga tawag natin, may tampo padin siguro, ito namang si Aimee sabi bibisita dito paminsan minsan, pero hindi na nya ginawa" naiinis kong sabi sa katabi kong si Lance. Andito kami ngayon sa school.
"Baka naman napunta si Aimee sa bahay kaso lagi tayong wala kasi nga laging may pasok" sagot naman nya habang tutok ang tingin sa cellphone nya.
"Eh bakit hindi sya sa gabi bumisita para siguradong andun tayo" sagot ko naman.
"Alam mo Milo, wag monalang munang isipin yan, alam mo namang mag-isa nalang si Tyler dun, kaya siguro hindi maiwan ni Aimee" sagot naman nya, tumango tango nalang ako.
"Teka kanina kapang busy sa pagkakalikot dyan sa cellphone mo ah, ano bang ginagawa mo" sabi kopa at pilit tinitignan kung anong meron.
"Kahit kasi malayo tayo kay Tyler at Aimee, gusto kopadin tulungan si Aimee" seryoso nyang sagot.
"Tulong?" nagtataka kong tanong.
"Oo diba kailangan nya tayo para maalala nya kung sino sya, at sino pamilya nya" sagot nya.
"Oo nga noh, eh pano ka makakatulong gamit yang cellphone mo?" nagtataka kopadin tanong. This time inalis na nya ang tingin sa cellphone nya at tumingin sakin.
"Hindi kaba nagtataka, lahat ng mga ghost na naentertain natin naka stay lang kung saang lugar sila namatay? ni hindi sila naalis dun dahil hindi nila magawa" paliwanag nya pero hindi kopadin sya maintindihan, kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya, sasagot palang sana ako pero nagsalita na ulit sya.
"Ghost din si Aimee, pero may katangian sya na wala sa sinumang ghost, umaga, tanghali o gabi, andyan si Aimee, kahit saan pumunta pwedeng pwede, kayang kaya nya pang mag transfer kung saan saang lugar kung gugustuhin nya, samantalang ang mga ghost na nakasalamuha na natin ay hindi nagagawa ang mga bagay na nagagawa ni Aimee, tuwing gabi lang sila nagpaparamdam at kung saang lugar sila namatay ay dun lamang sila namamalagi" mahabang paliwanag nya, napaisip naman ako sa mga sinabi nya, tama naman sya.
"Kung ganon, anong pinupunto mo?" nagtataka kong tanong.
"Unang una, wala siyang maalala na kahit na ano tungkol sa sarili nya, at kahit pagkamatay nya hindi nya alam, sabi nya lang basta sya nagising dun sa tabi ng kalsada" seryoso pa nyang sagot.
"Teka Lance ha, naguguluhan nako sayo, ano ba talagang gusto mong iparating?" seryoso koding tanong sa kanya.
"Ang sinasabi ko, maaaring si Aimee ay hindi pa patay, malaki ang chansa na buhay pa sya" sagot nya na ikinabigla ko.....
Aimee's Pov:
"Mamaya tanghali na, may klase kana san kaba talaga pupunta?" tanong ko kay Tyler habang naglalakad lakad kami dito sa bayan.
Sya naman naglilinga linga lang pero hindi sumasagot.
"Uyy Tyler may hinahanap kaba? magsabi kalang baka matulungan pa kita" naiinis ko pang sabi sa kanya.
"Yung tindahan ni Mang Kanor nawala na dito eh" sagot naman nya.
"Eh nawala naman na pala eh ano pang hinahanap mo?" tanong ko.
"Baka kasi lumipat lang sya ng pwesto" sagot naman nya.
Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya ng bigla syang tumigil sa paglalakad.
"Ukay-Ukay, 20pesos all items" sabi nya habang nakatingin sa katapat naming ukay ukay daw.
"Tara pasok tayo" sabi pa nya at agad agad pumasok duon.
"Tignan mo Aimee oh, parang mga bago pa pero 20 pesos lang" nakangiti pa nyang sabi habang tinitignan yung mga t-shirt.
Napatingin naman ako sa paligid na may nakatingin na naman kay Tyler.
"Tyler diba sabi ko sayo pag asa public place tayo, wag kang titingin sakin at kung pwede bumulong kanalang" sabi ko sa kanya.
"Ahh oo nga pala, sorry" natatawa nyang sagot, after ng mahaba haba nyang pag iikot dito ay may hawak na syang iisa isang t-shirt.
"Sa tagal mo yan lang bibilhin mo?" naiinis kong tanong sa kanya. Tumawa naman sya bago sumagot.
"Oo tara bayaran kona" sabi nya tapos ay ayun nga binayaran na nya. Ng binabalot nayung t-shirt ay napatingin ako dun, bigla namang may kung anong parang pumitik sa ulo ko.
Napahawak ako dun at napapikit.
"Ayos kalang ba?" nag aalalang tanong ni Tyler.
"Ah oo ayos lang ako" sagot ko at umiling iling. Lumabas na kami at naglakad lakad na pabalik, kasi malapit lang naman yung school nya dito.
____
Mabilis lang natapos yung klase na at eto na nga hapon na naglalakad na kami pauwi.
"Kamusta na kaya si Milo at Lance dun" biglang malungkot nyang sabi, tumingin naman ako sa kanya na kitang kita padin ang lungkot sa mga mata.
"For sure ok lang sila dun, ikaw naman kasi bakit ayaw mong sagutin mga tawag nila" sagot ko naman sa kaniya.
"Hindi ko sila kayang kausapin, pakiramdam ko pag kinausap ko sila masasaktan lang ulit ako" malungkot padin nyang sagot.
"Eh bakit sa ginagawa moba ngayon hindi ka nasasaktan? mas pinahihirapan moyung sarili mo, kaibigan mo sila, kailangan ka nila at kailangan mo sila, lalo molang silang mamimiss kung kahit pakikipag usap sa telepono ay hindi mo magawa" paliwanag kopa sa kanya, pero sa halip na sumagot ay umuna na sya sakin sa paglalakad, huminto muna ako at pinagmasdan sya habang naglalakad palayo sakin.
Susunod na sana ako sa kanya ng bigla na namang magpakita sa harap ko yung lalaking nakaitim pero mabilis lang ito at nawala na agad, napaatras ako ng bahagya at namuo na naman ang takot sa buong katawan ko..
"Sino kaba? bakit ka nagpapakita sakin?" tanong ko kahit hindi ko sya nakikita
"Kailangan kita"
"Kailangan kita"
"Kailangan kita"
Tatlong beses nyanyung sinabi pero hindi sya nagpakita sakin, sa takot ay dali dali nakong nagtransfer sa bahay nina Tyler.
Kailangan nyako? pero bakit? anong kailangan nya sakin? sino ba talaga sya? multo din sya pero bakit ganun, ano ba talagang nangyayari. Umiling iling ako at tinapik tapik yung muka, kasabay nun ang pagpasok ni Tyler sa bahay.
"Oh anak andyan kana pala" bungad sa kanya nung mommy nya. Tumingin lang si Tyler sakin ng mabilis bago tumingin sa mommy nya at ngumiti.
"Magbihis kana Anak, at magmeryenda ka muna" sabi pa ng mommy nya.
______
voteee mga bibi thank youu
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HorrorMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...