#Let'sFindAimee

815 51 0
                                    

Tyler's Pov:

"Hindi kona alam ang gagawin ko! San natin sya hahanapin ngayon!" kinakabahan kong sigaw kina Lance at Milo na agad agad akong pinuntahan dito sa bahay ng nalaman nila ang nangyari.

"Tyler kanina kapang hindi mapakali dyan, kumalma ka muna!" pagpigil naman sakin ni Milo

"Kumalma? sa tingin nyo ba makakakalma pako ngayong nawawala na si Aimee!" galit kong sigaw sa kanya. Napatayo naman si Lance sa pagkakaupo at sumabat.

"Simula palang naman alam na nating mangyayari to diba! Simula palang alam na nating dadating sa puntong mawawala si Aimee! Patay na sya, at naliligaw lamang ang kanyang kaluluwa, oo masakit! masakit na wala na sya! Pero kailangan nating tanggapin yun dahil wala na tayong magagawa!" sabat naman ni Lance na isinampal sa akin ang mga katagang WALA NA KAMING MAGAGAWA, napaupo ako at duon ay binubos ko ang labis na sakit na dinadamdam, never kong pinakita kay Aimee na mahina ako, hindi ako nagpapakitang umiiyak sa kanya dahil bilang lalaki ayokong magmukang mahina, pero sa pagkakataong ito hindi kona kaya, hindi kona kayang itago pa ang sakit na ito.

"Mag aala una na, kanina kapang ganyan Tyler, magpahinga ka muna at bukas tsaka natin iisipin kung ano bang dapat nating gawin kung may magagawa pa nga ba tayo" mahina namang sabat ni Milo, habang nasa ganoong posisyon ako ng pag iyak ay naalala ko ang lalaking nakaitim kanina.

"Yung lalaking nakaitim na gustong kumuha kay Aimee kanina, may sinabi sya bago mawala si Aimee na hindi ko maintindihan" bulong ko na sapat na para marinig nila.

"Ano yun?" sabay nilang tanong.

"Sinabi nyang kailangan nya si Aimee at hindi pwedeng magising pa ito" sagot ko naman.

"Magising?" nagtatakang tanong ni Milo.

"Sana ay tama ang hinala ko" seryosong sagot naman ni Lance at tumingin kay Milo.

"Na buhay si Aimee?" tanong naman ni Milo sa kanya na ikinabigla ko.

"Buhay? anong ibig nyong sabihin?" naguguluhan ko namang tanong sa kanilang dalawa.

"Habang nasa tagaytay kami, hindi kami tumigil magresearch kung paano ba maaalala ni Aimee kung sino ba talaga sya, tapos nun andami kong narealize, andami kong naisip na tumutugma naman sa lahat" sagot ni Lance.

"Anong narealize? anong tumutugma, hindi kita maintindihan" gulong gulo kong sagot sa kanga

"May mga katangian si Aimee na wala sa ibang ghost, may nagagawa sya na hindi nagagawa ng iba, nag iisa lamang si Aimee na kilala nating ganon, kahit anong oras at kahit san nya gusto pumunta ay nakakalabas at nakakapunta sya, malaya syang gawin ang gusto nyo hindi tulad ng sa iba. Halos lahat ng ghost na nakasalamuha na natin ay alam ang pagkamatay nila at ang iba ay layuning mabigyan ng hustiya ang ginawa sa kanila, hindi tulad kay Aimee na walang alam na kahit ano tungkol sa sarili nya, naisip kolang na baka kaya hindi nya alam ang pagkamatay nya at kaya wala syang maalala ay dahil buhay pa naman talaga sya" mahabang paliwanag ni Lance sa akin, muli akong napahawak sa muka dahil sa gulo sa utak ko sanhi ng mga pinagsasabi nya

"Sinasabi mobang kaya ngayon ay nawala na sya ay dahil nabuhay na sya?" nagtataka kong tanong.

"Mali Tyler, marahil ay nawala si Aimee dahil nagising na ito" sabat naman ni Milo, kaya binalingan ko sya ng tingin.

"Sinabi mong sinabi ng lalaking nakaitim na hindi pwedeng magising pa si Aimee dahil kailangan nya ito, hindi kaya alam ng lalaking multong yun lahat lahat tungkol kay Aimee? hindi kaya sya ang susi sa mga tanong natin na hindi natin mabigyan ng sagot?" sabat naman ni Lance, sa pagkakataong ito ay nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa mga sinasabi nila.

"Paano natin ngayon makakausap ang multong yun, eh hindi naman natin alam kung nasan sya, isa pa, si Aimee lang ang hinahanap nya, at ngayong wala na ito, imposibleng magpakita pa sya sa atin" sagot ko naman, nasa ganoong posisyon kami ng pag iisip ng biglang lumitaw sa harap namin yung lalaking nakaitim, sabay sabay kaming napasampa sa kama ko dahil sa gulat.

"Kailangan ko si Aimee hindi dahil gusto kong kunin ang kaluluwa nya, kailangan ko si Aimee dahil ng kapangyarihan nyang tanging sya lamang ang mayroon sa lahat ng multo! Kailangan kong kunin at mapasa akin ang kapangyarihang iyon dahil yun lamang ang hinahangad ko ang magawa ang mga nagagawa nya, at ngayong wala na ang kaluluwa niya, wala nading dahilan para manatili pa ako dito, kailangan kong maghanap muli ng multong may ganitong kakayahan bago sumapit ang araw ng aking katapusan" mahabang paliwanag nito.

"Eh nasaan ngayon si Aimee?" tanong naman ni Milo.

"Wala naman talaga ang Aimee na nakilala nyo dahil hindi siya totoo, isipin nyo na lamang na isa lamang syang magandang panaginip na ngayon ay nagwakas na" sabi pa nito at tuluyang naglaho, isang luha na naman ang pumatak sa mga mata ko dahil sa sinabi nito.

Aimee parang awa mona, hindi kona kaya, bumalik kana....

_____

VOTE PLSS THANKK YOU!

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon