"Matagal mo na bang ginagawa to?" tanong ni Tyler sa tabi ko habang inaayos ang mga gamit na ipapamigay ko dito sa bahay ampunan, andito nadin kasi kami.
"Hmm oo 3yrs. narin, napamahal nadin kasi ako sa mga bata dito, buwan buwan din may nadadagdag, kalimitan nga mga baby" paliwanag ko naman sa kanila kasabay nun pagdating ni Lance at Milo daya yung iba pang kahon na naglalaman naman ng pagkain at iba pang gamit.
"Yan, salamat ah" pagpapasalamat ko sa kanilang dalawa.
"Bakit kaya ganon? Bakit may mga magulang na kinakayang iwan nalang yung mga anak nila?" malungkot na tanong ni Tyler.
"Kaya nga eh, ewan koba" sagot ko at dumating na yung pinakanamamahal sa ampunan.
"Nako Maxinne andyan kana pala, masaya kaming buong ampunan na magaling at maayos kana ulit, at may kasama kana ngayon ha, hindi kana nag iisa" nakangiting bati sakin ni Tita Joy at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Kaya nga po eh, salamat po, tsaka nga po pala, si Tyler po, Lance tapos si Milo, simula po ngayon, twing dadalaw ako dito eh kasama kona sila" nakangiting paliwanag ko.
"Mabuti naman kung ganon, so pano? tara na sa loob?" sagot nya, tumango nalang ako ng nakangiti sa kanya, dinala na namin yung mga kahon at sumunod kay Tita Joy.
"Ah Max ako na dyan" tugon ni Tyler sa tabi ko.
"Kaya konato, isa pa may dala kanadin kaya" sagot ko naman.
"Kaya ko naman eh" pagmamalaki nya.
"Wag na nga, malapit naman na din eh" natatawa kong sagot.
Habang naglalakad dun, may isang babae akong nakita buhat buhat nito yung napakacute na batang bago palang sa paningin ko.
"Ah Tita bago din pobayung baby nayun dito? Ano pong pangalan nya?" nakangiti kong tanong.
"Ah oo actually kahapon palang sya, iniwan dyan sa labas ng gate, walang iniwan na pangalan, kaya tinatawag nalang namin syang si Baby Miracle" sagot naman nya.
"Kawawa naman pala sya" malungkot kong tugon habang nakatuon ang tingin sa baby.
"Andami ng batang lumalaking walang magulang, tignan nyo yung paligid oh, andaming bata na ang nagsilbi ng magulang at bahay ay ang mga tao dito, buti nalang at may mga ganitong organization" sagot naman ni Tyler sa tabi ko.
"Ate Maxinne andito kanapo ulit, ano pong dala nyo ngayon?" masayang tanong sakin ni Lara, isa sa mga batang nakasundo kona dito at naging kaclose.
"Madami dami ako ngayong dala, antagal koding nawala eh, tara nadun, samahan mo na kami" nakangiting sagot ko naman sa kanya, ng makarating sa pinaka center ng ampunan ay isinaayos na namin yung mga laruan at food.
"Childrens! Ate Maxinne is finally back! Halika na kayo at may mga pasulubong ulit sya para sa inyo, pumila ng maayos at wag magtutulakan ha" paliwanag ni Sister Monic.
At nag umpisa na ngang mag ingay dito, lahat sila ay masasaya , lahat ng ginagawa nila kanina, pagsusulat, pagkukulay at paglalaro ay iniwan muna nila. Muli akong napangiti ng makita ang masasaya nilang mukha.
After ng mahaba habang pamimigay ay nagsimula na silang tumahimik habang kumakain. Maya maya pa ay nakarinig ako ng parang pagtatalo sa may gilid, lumapit ako ng konti para madinig ang pinag uusapan nila.
"Hindi kodin po alam, kanina lang ay nandun sya sa stroller, nawala lang saglit ang tingin ko ay bigla nalamang syang nawala" takot na paliwanag nung babaeng may hawak kanina sa bagong dating na baby.
"Paano naman nangyari yun? Baka naman may kumuha at nilalaro lamang dyan" sagot ni Sister Monic.
"Hindi kopo alam" sagot nung babae.
"Oh sya tara hanapin na natin" sagot ni Sister Monic at nagmamadaling umalis.
"Nawawala si Baby Miracle, tara tumulong tayo sa paghahanap baka nga andyan lamang sya at may kumuha para laruin" sabi ko kina Tyler at nagmamadali ng lumabas.
Habang nag iikot sa buong ampunan ay hindi namin nakita manlang ni anino nung baby, nagpatawag nadin ng pulis dahil nga seryosong case na ito. Nakaratiny na kami sa bodega sa paghahanap ng biglang.
"Ano yun?" tanong ni Milo, dahan dahan kaming humarap sa likod kung saan may narinig kaming ingay, pero wala naman kaming naabutan ditong kahit na anong mali.
ITUTULOYYYY ...
_______
VOTEEEEEEEE
BINABASA MO ANG
Let's Find Ghost (COMPLETED)
HororMahilig ka rin ba sa adventure? sa mga thrill na bagay? tulad ng paghahanap ng ghost? Naniniwala kaba dito? kung hilig mo din ito, sama sama nating alamin at basahin ang excitement story ng barkada goals na ito, mga kabataan na may gustong patunayan...