Forbidden Love ~
Chapter III - I miss you Oniichan(Older Brother)
10:17 pm - (sa Kwarto ni Miku)
--- Tok ~~ Tok ~ Tok ~~~ ---
(Katok sa Pinto ng Kwarto ni Miku)
"Katulong: Maam...
"Katulong: Maam, Ok lang po ba kayo?
"Katulong: Hindi pa po kayo kumakain.
"Miku: (Nagising)..
"Miku: Ok Ok Kakain ako.
======================================================
10:17 pm - (sa isang street)
Naglalakad itong si Ryu pauwi galing sa kanyang trabaho. Mahirap ang trabaho nitong si Ryu dahil siya ang tiga buhat ng bawat kahon na iniimpake sa isang kumpanya at idedeliver niya ito sa mga malalaking mall. Kaya pag uwi niya galing sa trabaho laging masakit ang kanyang katawan, habang siya ay naglalakad sa madilim na lugar may nakita siyang batang pulube na nakahiga malapit sa poste.Nilagpasan niya ito at bigla siyang napalingon sa bata, Nagulat siya ng makita niya na putol ang isang paa nito at may takip ang kanang mata nito habang natutulog. Agad siyang bumalik at tiningnan ng mabuti ang bata, Habang pinagmamasdan niya ito ng mabuti may iba na siyang nararamdaman. Ngayon niya na lamang naramdaman muli ito simula ng mamatay ang kanyang kapatid.
"Ryu: Oi tutoy!!
"Ryu: Tutoy!!!.. ok ka lang ba diyan?
"Ken: ( Nagising..) uhmmm.. sino po kayo?
Laking gulat ni Ryu sa nakita niya dahil bulag pala ang kaliwang mata nito ngunit nagtataka siya bakit may takip ang kanang mata nito samantalang bulag ang kaliwa nito. Nahiwagaan itong si Ryu sa bata lalo sa mga sinabi nito.
"Ken: Kuya.. Huwag kang mag-alala..
"Ryu: Ha? Mag-alala?
"Ken: Kasi lagi mo siyang kasama
"Ryu: Ano bang sinasabi mo diyan? Nagugutom ka ba?
"Ryu: Tara at kumain tayo ng mami malapit sa kanto namin bukas pa yun ng ganitong oras.
"Ken: Kuya nagugutom po ako pero hindi sa pagkain..
"Ryu: Ano bang sinasabi mo tutoy? tara at kumain tayo.
"Ken: (Sob..Sob..)(Naluha)
"Ryu: Oi Oi bat ka umiiyak?
"Ryu: Alam ko gutom ka na..
"Ken: Opo.. Kuya Nagugutom ako...
"Ken: Nagugutom po ako sa pagmamahal.. wala na po kasi akong kasama sa buhay.
Dito ay biglang lumakas muli ang dating pakiramdam niya at ngayon niya lang ito naramdaman ulit, ang pag kaawa sa isang tao. biglang napaluha itong si Ryu at bigla niyang namiss ang matagal niya nang patay na kapatid. bigla niyang niyakap ang bata at pinasan sa likod, at nagpunta sa kainan na bukas pa kahit malalim na ang gabi. Habang naglalakad ang dalawa nagkwento itong si Ryu.
"Ryu: Alam mo ba.. may namimiss ako na alagaan at gusto ko ulit siya makasama, Sana lang talaga may pangalawang buhay ang tao tapos maaalala nila ang bawat nakaraan nila, para kahit iba na ang itsura o ugali man nila atlis makakasama mo pa rin sila.(naluha)
"Ken: Bakit po?
"Ryu: Uhmmm wala lang.. sa bahay ka nalang tumira tutal si lola lang naman ang kasama ko sa bahay.
"Ken: talaga po?
"Ryu: Oo naman... walang problema sa akin, nga pala bulag ka ba talaga?
"Ken: Opo bulag po ang isa kong mata.
"Ryu: Ha?? alin?
"Ken: Eto pong kaliwa kong mata ang bulag. pero eto pong kanan ay hindi
"Ryu: Bakit may takip yang kanan mo?
"Ken:(Tinangal at pinakita)
- Nagulat itong si Ryu sa mga nakita, dahil ngayon palang siya nakakita ng ganitong mata sa buong talambuhay niya. Agad niyang binaba panandalian ang bata at tinanong niya ito tungkol sa mata nito sa kanan. Namangha at kasabay nito natakot itong si Ryu dahil ang mata ni Ken ay naghalo halo na may kulay na purple,violet,indigo at blue. Hindi talaga makapaniwala itong si Ryu sa mga nakikita niya dahil hindi niya akalain na may mga ganito pala talagang uri ng mga tao sa mundong ginagalawan niya.Muli ay tinakpan ito ni Ken at nagpatuloy sila sa paglalakad at nagkwentuhan.
=================================================
11:02 pm - (Kainan ng Mami[Noodles])
"Ryu: Sige lang kumain ka lang ng kumain.
"Ryu: Nga pala ano'ng Pangalan mo?
"Ken: Ahhh, sa totoo lang po hindi ko din po alam pero Ken ang tawag ng mga tao sa akin.
"Ryu: Ok Ken, Kamusta ba? Masarap ba?
"Ken: (Num..Num.. Yum..) Ang sharaaapp pppho.
"Ryu: Baka naman mabulunan ka , huwag ka magsasalita ng may laman ang bibig mo.
"Ken: Sorry po Kuya(Ngumiti)
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nahulog talaga ang loob ni Ryu sa batang si Ken dahil nakikita niya ang kapatid niya rito lalo ng ngumiti ito.
Natapos Kumain ang dalawa at papauwi na sila, Nang makarating sa bahay ay agad na sinabi ni Ryu ang tungkol sa sitwasyon ni Ken at agad namang pumayag ang lola ni Ryu sa pagtira ni Ken sa bahay nila.Maya maya lamang ay napansin ni Ryu na nakatayo lang itong si Ken sa may labas nila at tila ayaw pa din pumasok ng bahay.Tinanong ito ni Ryu kung anong problema at bakit ayaw niya pang pumasok ng bahay nila.
"Ken: Kuya.. Parang ayoko po tumuloy sa inyo.(tinangal ang takip sa mata)
"Ryu: Bakit? Magulo ba?Madumi? Masikip o pangit ng bahay namin?
"Ken: Hindi po. Pero siguro aantayin ko na lamang po sila muna umalis?
"Ryu: Ha? Anong sila? Hindi kita maintindihan Ken.
Itutuloy......
Quotes for Chapter III
"Missing someone is your heart's way of reminding you, that you love them."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...