Forbidden Love ~
Chapter XXXX - I saw it!
============================
Patuloy ang pagtakbo sa isip ni Shinji ang mga salitang "Tingnan mo! Tingnan mo! Tingnan mo!" hindi kaya ay may nagchachannel nanaman sa katawan nitong si Shinji. Gulong gulo na siya sa kanyang gagawin ng biglang may sumitsit sa dulo ng CR, Dito ay biglang nagulat itong si Shinji at itinutok ang flashlight sa dulo ng CR.
"Shinji: Sino yan?!!
"Shinji: Hello!
Nanginginig na sinabi ni Shinji, Habang nakatutok ang flashlight ay biglang lumamig sa kaliwa niya kaya unti unti niyang itiningin ang mga mata niya at hindi siya gumagalaw.
Bigla na lamang siyang pinagpawisan ng malapot ng mapansin niya ang isang lalaki sa gilid niya at puting puti ang mukha nito at lubog na lubog na ang mga mata. Biglang napaatras itong si Shinji at itinapat ang Flashlight ngunit wala siyang nakita.
"Shinji: Wew.. Sh*t may nakita talaga ako, Ano yun?
"Shinji: (Hindi Pwede...)
pinukpok niya ng Flashlight ang ulo at sinasabi na...
"Shinji: Hindi! wala akong nakita guni-guni lamang yon.
Hinampas ang mukha at tila gustong magising sa mga nangyayari sa kanya, Muli ay tumunog nanaman ang lagabog sa loob ng cubicle. tuloy tuloy ang lagabog na para bang may humahampas sa pinto ng cubicle. Tinutok niya muli ang Flashlight at napansin nanaman niya ang kamay sa ilalim na unti unting binubuksan ang pinto.
Napagtanto na ito ni Shinji na hindi ito guni-guni at ito na talaga ang pagkakataon para makakita siya, Kailangan niyang labanan ang kanyang takot kaya nagsimula na siyang maglakad unti-unti papunta sa cubicle.
Habang siya ay papalapit ng papalapit ay unti-unti din nawawala ang kamay, pero patuloy ang tunog ng para bang may humahampas sa pinto. Unti unting binuksan ni Shinji ang pinto para malaman kung ano ang mayroon sa loob.
"Shinji: Hayss.. Sabi na at guni-guni ko lamang yon e.
Inilapag niya lamang ang Flashlight sa may ibaba kaya sobrang dilim ng paligid, Habang siya ay umiihi napansin niya na para bang may bumanga sa balikat niya, agad niyang kinuha ang flashlight pero wala naman siyang nakita. Nagpatuloy siya ulit sa pag-ihi.
"Shinji: Ahhhh... Wew.. Grabe tong lugar na ito.
Pagkatapos niyang umihi ay kinuha niya ang flashlight at inilapag ito sa may lababo, "Lababo" Ang tapat ng cubicle na pinagihian niya. Pagkalapag niya ay binuksan niya ang gripo, May tubig na lumabas pero hindi ganoon kalakas at ambaho ng tubig dahil puro kalawang na ito.
"Shinji: Ambaho na pala ng tubig dito amp!
"Shinji: Ha? Ano yun?
Tinitigan niya ang salamin at nakikita niya lamang ay ang cubicle kung saan siya umihi. Lumapit siya at pinagmasdan mabuti sa salamin ang Cubicle hanggang sa lumitaw na ang mga hindi niya dapat makita. Biglang napasigaw itong si Shinji.
"Shinji: Sh*t!!! Waaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!
========================================
--- Waahh Sigaw ---
"Keiji: Huh? Si Shinji yon ah..
"Keiji: Sh*t ano na kaya nangyari sa kanya anong gagawin ko.. hayss.
"Keiji: Ano ba naman kasi itong misyon na to e.
"Keiji: (Tinawagan) Bilis ... Bilis... Sagutin mo!
Naka ilang tawag na itong si Keiji, Pero hindi sinasagot ni Shinji ang mga tawag ni Keiji. Kaya nag-alala na itong si Keiji kay Shinji at balak niya na rin sana pasukin ang Ospital pero natatakot siya kaya tinawagan niya na lamang itong si Aya.
"Aya: Hello!
"Keiji: Aya! Si Shinji!
"Aya: Ha? Bakit? Anong Nangyari?
"Keiji: Basta bilisan mo pumunta dito.
"Aya: Ok Ok sige papunta na ko.
Lumipas ang 15 minuto.......
--- Tumatakbo ---
Dumating na itong si Aya pero may mga kasama siya.
"Miku: Hi Kuya Keiji!
"Keiji: Ui! Bat andito kayo?
"Ryu: Bakit? Masama?
"Aya: Asan si Shinji?
"Keiji: Pumasok siyang mag-isa e, narinig ko siya sumigaw.
"Aya: Sira ulo ka bat mo hinayaan na mag-isa siya!!
"Keiji: E....(Sinapok) Ouch!!!
"Aya: Hmp! Wala ka talagang kwenta!
"Keiji: Tara na, Kanina niya pa hindi sinasagot ang phone.
"Aya: Bwisit ka Keiji!!!!!!
"Ryu: Bilisan na natin baka ano nanaman ang nangyari dun.
Nakaupo lamang itong si Shinji at nakasandal sa isang pader sa labas ng Comfort Room, Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niya, At nanginginig ito sa takot at hindi na makagalaw ng bigla siyang may narinig na boses ng isang babae
"Babae: Halika.....
"Shinji: Huh??
"Babae: Halika.....Tulu...ngan.... mo...ko...
"Shinji: Sino ka? Tama na!!!!!!
"Shinji: Tama na!!!!!!!! Ayoko na!!!!!!!
--- Umugong ang sigaw ---
"Ryu: Si Shinji ba yon? nasa 2nd floor.
"Keiji: Tara bilisan natin.
"Aya: Shinji!!!!
"Miku: Natatakot ako Kuya Ryu....
Itutuloy............
Quotes for Chapter XXXX
"Just because no one saw it, Doesn't mean it didn't happen.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...
