Forbidden Love ~
Chapter XVII - Successful Answer
"Miku: Uhhmmm gusto ko po kasing sumali sa club ..
"Miku: Uhmm teka , teka, mahilig po kasi akong magbasa at manood ng mga horror kaya naging interesado po ako.
"Shinji:(Magsasabi na ng Out) O.......
"Miku: Pero... hindi po talaga yun ang dahilan ng pagsali ko po.
"Shinji: hmm.... Ano?
"Miku: Instinct po?
"Shinji: Huh? Anong Instinct?
"Miku: (Kinakabahan) Teka po kinakabahan po ako...
"Shinji: Psshh ano ka ba naman.. Bilisan mo na..
"Miku: Ahhhh!!! Alam ko na hehe
"Shinji: Pag yan walang kwenta palalabasin na kita.
Dito nakaisip ng isasagot itong si Miku, Ano nga kaya ang magandang naisip niya at bigla bigla na lamang niya itong na isip, Instinct na kaya niya ito?
"Miku: Kuya.. Pwede po ba mag tanong?
"Shinji: O?
"Miku: May mga magulang ka po ba?
"Shinji: Obligasyon ko bang sabihin sayo?
--- Nagsimula ng magkwento si Miku ---
"Miku: Simula pagkabata ko po, Hindi na ako naaasikaso ng mga magulang ko po, palage nalang pong katulong puro katulong. samantalang si Kuya, Minsan nabibigyan ako ng atensyon pero lagi naman din siyang busy sa pag-aaral. wala na silang inatupag puro pan sarili nilang interes hindi man lang nila ako maisip o maalala.
"Shinji:.....
"Miku: Hanggang ngayon, Lumaki ako inaasam asam ko pa din ang pagmamahal ng isang magulang na sana ay may magpoprotekta sa akin at aalagaan ako bilang isang nakababatang kapatid at anak... (Sob...Sob..)
"Miku: Kuya Shinji! Isali nyo na po ako!
"Shinji: (Nagulat)...
"Miku: Isa lang po ung rason kaya gusto ko pong sumali..
"Miku: Ang Magturingan po tayo na iisang pamilya sa Club na ito..
"Miku: Dahil matagal ko na pong gustong maranasan yun.
"Shinji: (Nagulat)....
Nagulat si Shinji sa mga sagot ni Miku habang umiiyak ito, Tila nakuha niya nga ata ang gusto niyang marinig na sagot. Dahil karamihan ng mga bawat sumasali ay ginagawang katatawanan ang Club niya na para lang makakita ng mga spirit. Dito niya naisip na may iba pa rin talagang tao na iba mag isip kaysa sa nakararami. Dito sa isip ni Shinji ay tangap na si Miku bilang isa sa mga member. Pero may isa pa siyang importante na itatanong na kahit hindi masagot ng maayos ni Miku ay ayos lang sa kanya. Medyo naging emosyonal at nadala na rin itong si Shinji kay Miku kaya naawa na siya.
"Shinji: Uhmmm.. sige tama na yan Miku.
"Miku: (Sobb... Sob..)
"Shinji: May isa pa akong tanong sayo..
"Shinji: Importante din ito, dahil hindi basta basta ang makaharap ng mga spirit.
"Miku: .......
"Shinji: Kung may nakita kang Matanda na putol ang paa at nagbebenta ng mga prutas bibili ka ba?
================================================
"Keiji: Hmmmmmm ang tagal naman nila..
"Ryu: Hayyy na ko..
"Aya: Ano na kaya ang nangyayari?
"Aya: (Nasa isip) Baka puro instinct ang sinagot niya ha.. lagot ako.
"Keiji: Nga pala, Alam nyo ba kung bakit ako lang ung natangap dati?
"Ryu: Bakit?
"Aya: Hindi ko Kailangan ng tips mo.
"Ryu: Pabayaan mo na siya, Sige sabihin mo?!
"Keiji: Ang totoong teknik kasi diyan, Dapat hindi mo masasabi kay Shinji ang salita na gusto lang makakita or maka experience ng multo. Diyan siya inis na inis dahil ginagawang laro ng iba ito.
"Ryu: So?
"Aya: Hmp... e para san pa yung paranormal Club na yan?
"Keiji: Ako kasi, Isa lang naman ang sinagot ko sa kanya. ang sabi ko, Wala akong hilig sa mga paranormal dahil matatakutin ako, Pero dahil may mga devices at magaling ako sa Computer at iba pa. Sabi ko kailangan mo ako para sa mga research na yan.
"Keiji: Ayun.. kinuha niya ko, Kaya hanggang ngayon.. tumutulong ako sa kanya.
"Ryu: Napaka babaw..
"Aya: Oo nga..
==================================================
"Miku: (Nagpunas) Uhmmm ano po.. tutulungan po at bibili para makatulong.
"Shinji: Ok, Sige.. Wag ka ng lumabas at maupo ka sa dulo.
"Miku: Ha? Tangap na po ako?
"Shinji: Yup..
"Miku: Yehey!!!!!!!!!!!!!!!!! Domo Arigatou Gozaimasu!!(Thank you Very Much) Kuya Shinji.
"Shinji: ........
--- Binukas ang Pinto ---
"Keiji: O anong nangyari?
"Miku: Kuya Keiji! Tangap na ko.
"Aya: Ha? Himala.
"Keiji: Himala nga..
"Ryu: Tabi diyan ako na susunod...
"Keiji: ok.. (ayos dalawa lang kami ni aya ang matitira sa labas)
"Aya: (Ano kaya iniisip ng mokong na ito.)
Natapos na ang pagsubok kay Miku at nagtagumpay siya na makapasa sa test nitong si Shinji, Ngayon ay isa na siyang tunay at certified na miyembro ng Paranormal Mystery Club. Ano nga kaya ang tamang sagot sa tanong nitong si Shinji?patungkol sa matandang nagbebenta? Ano naman kaya ang mangyayari kay Ryu? Dadaanin niya kaya sa karahasan para matangap siya?
Itutuloy....................
Quotes for Chapter XVII
"The strongest factor for success is self-esteem; Believing you can do it, believing you deserve it, believing you will get it."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormaleGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...