Chapter XX - Realize

45 0 0
                                        

Forbidden Love ~

Chapter XX - Realize

--- 4 years ago --- (Continuation)

=================================

6:39 pm - (Sa kalsada)

Naglalakad itong si Ryu ng wala sa sarili habang tinatahak ang malakas na ulan, ng bigla niyang maalala itong si Akiho, ang nagiisang mahalaga sa buhay niya. agad niya itong pinuntahan para umuwi na sila sa bahay. hinanap hanap niya ito kung saang lugar niya iniwan ngunit hindi niya makita. dito nag simulang mag-alala na itong si Ryu, Mga ilang hakbang lang di kalayuan ay may nakita siya. dito ay parang tumigil ang buong mundo niya sa sobrang sakit at gulat ng nakita niya.

"Ryu: Akiho? Akiho!!!!!!

"Akiho: ku...ya......

"Ryu: Anong nangyari?

"Akiho: Kuyaa.... masaa...kkiiit...

"Ryu: Dadalin kita sa Ospital !! Anong masakit??

"Ryu: Anong nangyari?

"Akiho: Kuya....

"Ryu: ano bang nangyayari?!!!! Bakit ganito??!! Bakit ang daming dugo??! Akiho!!!

"Akiho: I.. lo..ve.. kuya...ma..ma...and pa..pa...i lo...ve..yo..u..

Hindi malaman ni Ryu ang gagawin niya dahil mismo sa harapan niya namatay ang kapatid niya pati na rin ang mama niya. Yumuko ito sa gitna ng kalsada, At marami na ang nakapansin sa kanya habang basang basa ito. lumipas ang ilang araw at nagising ito. Nagkasakit siya ng limang araw dulot ng stress, trauma at halo-halong sakit na nararamdaman. hindi niya man lang nasilayan ang mama niya at kapatid niya bago ilibing. kaya simula nun ay parang naging bato na itong si Ryu sa lahat ng bagay, Kahit hayop wala siyang awa, at kahit sino pa ang makaaway niya wala siyang pakielam.

=====================================

4:10 pm - (Sa loob ng Klasrum)

"Miku:  (Umiiyak...)

"Keiji: (Sob..Sob..) hindi ko alam.. na ganun pala..

"Ryu: ..... Shinji....

"Shinji: Bakit?

"Ryu: Gusto kong hanapin at makausap ang mama at kapatid ko.

"Ryu: Kahit masabi ko man lang na namimiss ko sila at gusto ko silang mayakap.

"Shinji: Ryu... ngayon.. alam ko na ang lahat.

"Shinji: Kahit na ganyan ka, Naiintindihan kita...

"Shinji: Tinatangap na kita bilang isang kapatid ko sa Club na ito

"Ryu: (Nagulat) anong ibig mong sabihin?

"Shinji: Ramdam na ramdam ko mga pinag daanan mo, gusto ko magtulungan tayo bilang isang pamilya dito.

"Shinji: Para magawa natin ang mga gusto natin.

"Shinji: yung mga pagkukulang at pagkakamali na nagawa natin ay kahit papaano ay maitama.

"Shinji: Na sana... pati ang mga sagot sa katanungan natin ay mabigyan ng linaw..

"Miku: (Sob...Sob...) Kuya Shinji.. Kuya Ryu...

"Ryu: Bakit Miku?

"Miku: Naiiyak po ako ng sobra.

"Ryu: ........

"Aya: Teka tama na muna ang drama.. baka nakakalimutan mo ako Shinji?

"Shinji: Hindi pa ako tapos....

"Aya: Hmp!

Ano pa kaya ang sasabihin ni Shinji? Pero panigurado sa isip niya ay pasado na itong si Ryu. Kaya ngayon 4 na silang miyembro ng Club. Ano naman kaya ang mangyayari kay Aya at Shinji? Matatangap nga kaya itong si Aya?

"Shinji: Ryu, May huli akong tanong sayo...

"Shinji: Paano kung magpakita sayo ang mama at kapatid mo?

"Ryu: Isa lang ang gusto ko, Ang makausap sila..

"Shinji: ito na ang huling tanong ko.

"Shinji: Paano kung nabuo na tayo at may magandang turingan bilang pamilya, at dumating ang panahon na gusto ka na nilang kunin? ano ang gagawin mo?

"Miku:......

"Keiji: (Kakaiba talaga mag-isip itong si Shinji)

"Ryu: Sa totoo lang, Hindi ko pa alam. Dahil wala pa ako sa pangyayaring iyon.

"Ryu: Pero ito lang ang mapapangako ko, Kung sakali man na dumating yun. Baka mas piliin ko ang makasama kayo , kung magiging maganda talaga ang samahan natin.

"Ryu: Siguro, Sa ngayon wala akong pagmamahal na nakuha simula noong namatay sila. Pero ngayon may dahilan na ako para magpatuloy.

Nakarealize itong si Ryu na maging diretso na ulit ang buhay niya kasama ang bago niyang mga kaibigan na ang turingan ay pamilya. Hindi kaya si Miku ang pupuna bilang kapatid niyang nawala? Mas titibay kaya sila sa mga kakaharapin nilang mga problema?....

"Aya: Shinji!!!!!!!!!!!!! Gusto ko makakita ng Multo!!!!!!!!!!!!

"Keiji: (Hayyss yari..)

"Ryu:.......

"Miku:.......

Itutuloy.................

Quotes for Chapter XX

"In life you'll realize that there is a purpose for every person you meet. Some are there to test you, some will use you, some will teach you, and some will bring out the best in you."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon