Forbidden Love ~
Chapter IX - Candle light
================================
10:37 pm - (Sa loob ng Apartment)
"Keiji: Oh my Holy Cow! Multo!!!
"Keiji: Shinji! Takbo !
"Shinji: Wait..
"Shinji: Tingnan mong mabuti...
"Keiji: Waahh tumakbo na tayo.
Hindi na mapakali itong si Keiji sa takot, Samantalang itong si Shinji ay kinikilatis mabuti kung multo nga ba ang nakikita nila. habang papalapit siya ng papalapit ay hindi niya makita ang mukha nito dahil sobrang dilim ng palagid. Nang tinutok niya ang Flashlight sa mukha ng babae ay bigla silang ginulat nito.
"Aya: Raaawwrrr!!!!
"Keiji: Waaaaahhh!! Ma!! Pa!!!!
"Shinji: Oh Shit! (Nagulat)
"Aya: Hahahahahaahaha
"Keiji: Ha?
"Shinji: Pssshh! bakit ka sumunod dito ha?
"Aya: Shut up! E gusto ko e.
"Keiji: Oh yea... Oh yea.. its you my Love.
"Aya: (Sinapak) yahh!
"Keiji: Awwtttssss X_X
"Shinji: Anong ginagawa mo dito? mahahalata na tayo ng mga tao.
"Aya: Wala akong pakielam..
"Shinji: Tingnan mo nga yang ginawa mo.. sinira mo ng buo ung bintana gamit ang kadena.
"Aya: E ano naman? Asan ang multo?!
"Shinji: Huwag ka ngang maingay sinisira mo ung ginagawa namin e.
"Keiji: (Napakamot sa Ulo) Aray...
Si aya lang pala ang babaeng nag pakita sa kanila, Hindi na maipinta ang mukha nitong si Shinji dahil naiinis siya at sumunod pa dun si Aya. "Ginto na naging bato pa" Isip-isip ni Shinji na ito na yung pagkakataon pero mukhang mauudlot pa ang pagiimbestiga nila dahil dito kay aya. Dire-diretcho sa pag akyat itong si aya bitbit ang kanyang kandila, Hinanap hanap kung asan ang mga bakas ng pinag ganapan ng tortyur. Nang makita niya ito ay agad na tiningnang mabuti.
"Aya: Mantsa ng dugo lang ito.
"Shinji: Oo nga, at dito naganap ang karumal dumal na pagpatay sa bata.
"Keiji: Ang sakit ng ulo ko..
"Aya: Dagdagan ko pa gusto mo?
"Keiji: Ahhh ehh teka checheck ko lang ung EMF meter.
"Shinji: Nga pala Keiji. hindi mo ba napansin yang meter kanina nung nasa baba tayo?
"Shinji: Diba dito lang gumalaw at tumaas ng sandali yan?
"Keiji: Oo, pero hindi ko na napansin dahil kay Aya.
"Aya: Anong EMF? At bakit parang ako sinisisi mo?
--- EMF meter ---
Ito ay tinatawag na ElectroMagnetic Field, maraming bagay itong nadedetect pero dahil mahilig sa gadget itong si Keiji, Nakuha niyang ayusin at ienhance pa ito. Pwede niyang baguhin ang bawat function nito tulad nalang kapag gusto niyang makadetect ng mga metal na bagay, pipindutin niya lamang ang button for Metal. sa ngayon ay ginagamit niya ito para makadetect kung meron bang enerhiya ng isang kakaibang nilalang sa paligid, na kapag tumaas ng tumaas ang frequency ito ay tutunog at iilaw sa button na Ghost. Kanina lamang ay pumipitik ang frequency nito ang ibigsabihin ay may malapit na enerhiya kaya ito tumataas. si aya nga kaya ang enerhiya na nadetect ng EMF habang tumataas ito kanina ng hindi ito napansin ni Keiji?
"Aya: may dala akong cellphone e.
"Keiji: Uhmm.. may dala din kami, saka hindi ko naman pinindot for metal.
"Keiji: Kaya panigurado ay may malapit na kanina dito kaya tumataas ang frequency nito.
"Shinji: Hmmm kanina bago tayo bumaba nakaramdam ako ng malamig na hangin.
"Aya: Ano itutuloy pa ba natin ito? mukhang wala namang kwenta e.
"Shinji: Teka lang, Pakiramdam ko talaga ay meron dito pero bakit hindi ko makuhanan ng ebidensya o maprove na meron talaga.
"Aya: Naku... sa isip mo lang yan.
Napagisipan na ng tatlo na umalis sa bahay na abandunado ng mga karahasan.habang sila ay isa-isang lalabas, Nauna muna itong si aya at lumusot sa may bintana na basag. Pagkatapos makalabas ay tumayo at inantay itong sila Keiji at Shinji. Sumunod namang lumabas itong si Shinji ng bintana, at ng humakbang na palusot itong si Keiji ay biglang tumaas ang frequency ng EMF meter. Hindi ito namamalayan ni Keiji dahil bago pa lamang siya makaalis sa sirang salamin ng bintana ay biglang tumunog ito.
--- Tuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuttttttt~~~ ---
"Keiji: Aray.!!
"Shinji: Keiji!!
"Aya: Waaahhhh!!
Sa pag kakagulat nitong si Keiji sa malakas na tunog ng EMF ay nasugatan siya ng mga matutulis na sirang salamin ng bintana, Dito habang tinititigan ni Aya sa balikat na may sugat ay bigla siyang napatili ng makita niya na may mukha ng bata sa likuran ng balikat ni Keiji. Agad hinatak ni Shinji itong si Keiji paalis ng bintana.
"Aya: Tara na.. (Kinakabahan)
"Shinji: Bakit Aya? Bakit ka sumigaw?
"Keiji: Urrghh...
Nagbukasan ang mga ilaw sa katabing bahay, Dito nagtatakbo ang tatlo dahil nagising ang mga tao sa paligid na natutulog na at dahil sa malakas na sigaw nitong si Aya. Totoo nga kaya ang nakita ni Aya at ang pagtunog ng EMF?
Itutuloy...............
Quotes for Chapter IX
"Better to light a candle than curse the darkness."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...
