Forbidden Love ~
Chapter XXXXII - Wrong Direction?
===================================
10:32pm - (Sa loob ng Ospital)
Kausap pa rin ni Shinji itong nag-ngangalang Naomi, Sino nga kaya ang babaeng ito at bakit siya hindi makalabas sa salamin?
hindi alam ni Shinji at miski na rin si Naomi kung paano siya makakalabas sa salamin, Pero may mga pinag-uusapan ang dalawang ito.
"Naomi: Kaya mo bang hawakan ang mga kamay ko?
"Shiji: Teka bakit ko naman hahawakan ang mga kamay mo?
"Naomi: Subukan mo lang kung pwede mo akong hatakin.
"Shinji: Sige susubukan ko.
Lumapit itong si Shinji, at sinubukan niyang hawakan itong si Naomi pero nabigo siya dahil talagang may nakaharang na salamin. Pinilit niyang buksan ang cabinet pero nakalock ito, Humanap siya ng mga pwedeng ipantangal sa padlock pero sobrang mausok at malabo ang paligid. Wala ng maisip ang dalawa kaya nagpatuloy na lamang sa pagkakakwentuhan ang dalawa.
"Naomi: Shinji? Bakit ka napunta dito?
"Shinji: Huh? Ikaw muna, Paano ka napunta diyan?
"Naomi: Wala akong maalala e, Basta ang pagkakaalam ko ay may humahabol sa akin e.
"Shinji: Ganun ba? So ibig-sabihin ay ikinulong ka nila diyan?
"Shinji: Ay teka nga pala.. may kasama nga pala ako na nag-aantay sa labas.
"Naomi: Huh?
"Shinji: wait susubukan ko siyang tawagan..
Kinuha ni Shinji ang Cellphone niya , Pero nagtataka siya at nakapatay ito. Nang mabuksan niya na ang Cellphone niya, antay siya ng antay na magkaroon ng signal ngunit hindi talaga lumabas ang signal sa cellphone niya.
Tinanong niya itong si Naomi kung ayos lang ba na balikan na lamang niya ito, Sa kadahilanang hihingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya, Pero hindi pumayag itong si Naomi dahil sobrang natatakot na ito, May nabangit pa siya kay Shinji na marami siyang nakikita na naglalakad na mga lalaki at kadalasan ay nakapang tulog na suot.
"Naomi: Please, Wag mo ko iwan dito, natatakot ako.
"Shinji: E paano kita mailalabas diyan?
"Naomi: Please Shinji, Maawa ka naman sakin.
"Shinji: Hayyss Paano nga kita mailalabas kung hindi ako tatawag ng tulong?
"Naomi: (Lumuha) e kasi... nakakatakot yung isang lalaki eh,
"Shinji: Bakit? Sinong lalaki?
Nabangit ni Naomi ang lalaking may hawak na kadena, Madalas kasi ay pinupuntahan siya nito at pilit na binubuksan ang pinto ng Cabinet. Hindi naman agad naniwala itong si Shinji dahil alam niya na wala ng tao sa Lumang Ospital. Pero tila yata ay nag bago ang paniniwala niya ng may marinig siyang tunog na nang-gagaling sa labas, Pakiramdam niya ay may hinahatak na mabigat na gamit.
=======================================
10:32pm - (Sa 2nd floor ng Ospital)
Pinasan ni Ryu itong si Shinji, Nagtataka siya at bakit parang ang gaan nitong si Shinji. Agad niyang sinabihan itong si Keiji para mag lead sa dadaanan nila tutal na sa kanya ang flash light, Samantalang itong si Aya ay iniwan na ang hawak hawak na kandila sa may banyo.
Pagkalabas nila ng Banyo ay para bang nag-iba ang aura ng lugar, pakiramdam nila ay uminit ang buong Ospital. Hindi nila napansin sa pag-alis ay napakarami palang kaluluwang nakatayo habang nasisinagan ng kandila, Karamihan dito ay sunog ang mga mukha pati na rin ang katawan. Ano kaya ang misteryo ng Ospital bakit napag-iwanan na ito ng panahon?
"Keiji: Diba dito tayo dumaan kanina?
"Ryu: Oo, Bakit?
"Keiji: Parang nag-iba e
"Miku: Oo nga kuya Ryu wala naman kanina yang papel na nakadikit sa pader.
"Aya: Keiji Pahiram ng Flashlight
"Keiji: O eto.
"Aya: Hmmmm.... Wa...la.... ng.... L..a..b..a...s...a...n..
"Aya: "Wala ng Labasan?" Huh?
"Keiji: Anong wala ng labasan Aya?
"Aya: Hindi ko alam.
Napaisip itong si Ryu sa salitang yon, Una sa lahat ay wala naman ang papel na yon nung dumaan sila. Nagtataka tuloy siya kung paano napunta yun doon. Nagsimula ng matakot itong si Miku, Pero hindi talaga magpapadaig itong si Ryu sa takot. Sinimulan nila ulit maglakad. Pero nakakahalata na ang magkakaibigan na para bang may nakikipaglaro sa kanila, Napansin kasi nila na parang bumalik lamang sila sa Comfort room na kanina ay nandoon na sila galing.
"Keiji: Diba galing na tayo kanina dito?
"Ryu: (Pagod) Teka isasandal ko muna si Shinji.
"Ryu: Pagod na ako at magpahinga muna tayo sandali.
"Aya: Teka, Bakit nawawala ang kandila na iniwan ko sa CR na ito?
"Keiji: May iniwan ka ba?
"Miku: (Takot na takot) Waaahhhh...
"Keiji,Aya, & Ryu: Bakit????!!!!
=========================================
"Shinji: Uy, San ka pupunta?
"Naomi: (Pabulong) Magtago ka Shinji....
"Naomi: (Pabulong) Bilisan mo magtago ka...
"Shinji: Huh? Bakit, Teka sandali uy! Naomi!
"Shinji: Saan napunta yun?
Pilit na kinakalog ni Shinji ang cabinet, Nagtataka siya at parang biglang nawala itong si Naomi sa salamin. At isa pang pinagtataka niya bakit pinagtatago siya nito, Bigla niyang napansin na may nagbubukas ng pinto ng kwarto.
Itutuloy......
Quotes for Chapter XXXXII
"We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...