Forbidden Love ~
Chapter XXXXVI - Criminal Act
==========================
Nagtungo itong si Shinji sa may Rooftop ng School kung saan dito siya nakakapag-isip ng maayos, Naisip niya na tigilan na ang pakikitungo niya kay Naomi, at kalimutan na lamang ang mga bawat nangyari.
"Shinji: Hayss..
"Shinji: Oo nga...
"Shinji: Teka,.. bakit hindi ko maalala?
"Shinji: Pero pakiramdam ko nakasama ko na siya e.
Nagtungo muli itong si Shinji sa may Canteen dahil sa pakiramdam niya ay nakasama na niya itong si Naomi, Ngunit ng makarating siya ay wala na ang dalawa. Sinubukan niyang hanapin sa buong eskwelahan ang dalawa pero hindi niya ito nakita.
Kaya sa labas ng skul niya sinimulang maghanap.
Laking pasalamat niya at Nakita niyang muli si Naomi, Balak niya sana itong kausapin. Pero napansin niya na may Apat itong kasamang lalaki at isa na dito si Jin, Biglang nagkaroon ng pag-aalinlangan itong si Shinji dahil sa porma pa lamang nitong si Jin ay mukhang mayaman at mayabang na sa unang tingin.
Sinubukan niya na lamang sundan kung saan tutungo ang mga ito, Pero hindi na maganda ang pakiramdam niya sa mga pwedeng mangyari. Nagtataka siya na kahit masaya itong si Naomi habang kasama ang apat ay duda pa rin siya sa mga pwedeng gawin ng mga ito. Hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang apartment.
"Shinji: Huh? Pumasok sila.
"Shinji: Paano kaya ako makakasunod baka makita nila ako.
Naghanap ng mapwepwestuhan itong si Shinji para makasilip sa may bintana, Napaisip siya na para bang pamilyar ang lugar na ito. Para bang nakapunta na siya dito ngunit hindi niya matandaan ang bawat pangyayari. Nang nagkaroon siya ng pagkakataon para sumilip, Agad niyang tiningnan kung ano na ang nagaganap sa loob ng apartment sa 2nd flr. Hindi makapaniwala itong si Shinji sa mga nakita niya.
"Shinji: Ohh.. Hindi...
"Shinji: Bakit nakagapos at nakatakip ang bibig ni Naomi?
"Shinji: Bakit may matanda at batang lalaki sa loob?
"Shinji: (Nagtataka) kakaiba talaga ang nararamdaman ko.
Hindi maintindihan ni Shinji ang nararamdaman niya, parang pamilyar talaga siya sa lugar pati na rin sa mga tao sa loob ng apartment. Hindi kaya may koneksyon ang mga ito sa mga nakaraang nagaganap sa kanya?
Napansin niya na may kausap itong si Jin sa phone ngunit hindi naman niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Gusto na niyang tumawag ng police, Pero nagtataka siya at wala siyang phone na dala. Biglang nalaglag itong si Shinji ng gulatin siya nitong si Ken.
"Ken: Kuya Shin!
"Shinji: Whoooooaaaa...
"Paaakk!"
"Shinji: Ouch!..
"Ken: Gomenasai (Sorry)
"Ken: Ayos ka lang?
"Shinji: Ayos lang naman parang wala lang e. ikaw pala yan Ken.
"Ken: Kamusta?
"Shinji: Ahh teka.. may nangangailangan kasi ng tulong e.
"Ken: Alam ko.. kaya nga ako nandito e.
"Shinji: Huh? Anong ibig mong sabihin?
"Ken: Kuya Shin tandaan mo, Huwag kang malilinlang ng mga nakikita mo, Dahil kadalasan ang mga nakikita natin ay sadyang nakaraan lamang na hindi natin nakakalimutan.
"Shinji: Hindi kita maintindihan e.
"Ken: At kadalasan ang mga nakaraan ang nagiging sagot sa ating isip, Na sa kasalukuyan ay nagiging komplikadong tanong.
"Shinji: Hay nako Ken, Ano-ano nanaman ang sinasabi mo tulungan mo nalang ako dito.
"Shinji: Nasaan nga pala si Ryu? Kamusta na siya?
"Shinji: Ken? ... Huh?
Nagtaka itong si Shinji dahil wala na pala siyang kausap, Saan napunta itong si Ken at bakit bigla na lamang itong nawala? Maya maya ay biglang may napansin itong si Shinji na tumatakbo at papalabas ng apartment. Agad niyang pinuntahan kung saan nang-gagaling ang gulo at ingay, Bigla na lamang siyang nagulat at nabangga.
"Naomi: Ouch! (hingal na hingal)
"Shinji: Naomi?
"Naomi: .....
"Shinji: Wait.. Naomi san ka pupunta?
Nagmamadali itong si Naomi sa pagtakbo, Balak pa lamang sundan ni Shinji itong si Naomi ay may kasunod na itong tumatakbo ang matandang babae, Nagtataka siya at parang hindi siya pinansin nito. Kaya agad siyang nagtago dahil baka ang kasunod nito ay ang mga kriminal. Kitang kita ni Shinji ng dalawang mata niya ang lumabas ay walang iba kundi si Jin, Nakasalamin ito at nagsindi ng sigarilyo.
"Shinji: Teka, Pamilyar talaga ang bawat bagay..
"Shinji: Bakit hindi ko maalala?
"Shinji: Urrgghhh Kainis!
Nawindang bigla itong si Shinji ng marinig niya ang sigaw ng bata, Gusto niya man itong puntahan at tingnan kung anong nangyayari ngunit nakatambay pa sa labas itong si Jin at may kausap nanaman sa phone. Pero sa pagkakataon na ito ay narinig niya ang pag-uusap sa kabilang linya.
"Jin: Ow yes,
"Jin: Uhmm.. Oo sige.
"Jin: E kayo basta huwag niyong papatayin ok?
"Jin: Sige ipapadala ko nalang sa Acc. mo.
"Jin: Bye!
Patuloy sa pag-sigaw ang bata sa 2nd floor, Hindi na nakatiis itong si Shinji at gusto niya ng malaman kung ano bang kaganapan ang nangyayari sa itaas. Tumakbo ito ng mabilis at pumikit ng panandalian, Nagtaka siya at bakit tumingin lamang itong si Jin at hindi siya pinansin nito.
Pero hindi maganda ang nasaksihan niya sa 2nd flr. Tila tumigil ang bawat tunog sa paligid, tumigil din ang oras at pakiramdam nitong si Shinji sa mga nakita niya. Isang batang tinotorture, Puro dugo ang paligid ng kwarto. Dilat na dilat ang mga mata ng bata at wala ng boses para sumigaw pa, para sa darating na tulong. Napaluhod itong si Shinji sa kinatatayuan niya, Nakatingin lamang ang mga kriminal at pagkatapos ay pinagpatuloy pa rin ang karumal dumal na pang-aabuso sa bata.
Itutuloy..........
Quotes for Chapter XXXXVI
"Don't torture yourself over the past. Use it as a teacher. Whatever happened to you in the past, has only prepared you for now."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...
