Chapter XXXXIII - Darkness within

21 0 0
                                        

Forbidden Love ~

Chapter XXXXIII - Darkness within

=======================

Pinagmasdan ni Shinji ang pinto, at may pilit na nagbubukas nito. Nanlaki ang mga mata nitong si Shinji sa nakita niya para bang pamilyar siya sa nakikita niya. ang lalaking puting puti ang mukha at lubog na lubog ang mga mata, Napansin niya na may hawak itong kadena habang naglalakad. Sobrang nakaramdam ng takot itong si Shinji at hindi makagalaw, takot na takot siya na baka makagawa siya ng konting ingay at makita siya nito.

Maya maya ay lumingon ito sa pinepwestuhan niya sa may ilalim ng kama, Naglakad ito hawak ang malalaking kadena. Sa itsura ng mukha nitong si Shinji ay para bang aatakihin na sa puso habang papalapit ng papalapit ang lalaki sa pwesto niya. Nang makarating ito sa kama ay bigla na lamang itong huminto.

"Shinji: (Sh*t! Tulungan nyo ko..)

"Shinji: (Please lang Huwag ka ng titingin sa ilalim)

--- Lumangitngit ang Kama ---

Nagulat itong si Shinji dahil biglang umupo sa kama ang lalaki, Hindi pa rin nawawala ang kaba niya dahil iniisip niya na baka gulatin na lamang siya nito sa pag tingin sa ibaba ng kama. Maya maya ay tumayo muli ang lalaki at nagsasalitang mag-isa, Hindi maintindihan ni Shinji ang bawat sinasabi nito at bigla na lamang itong sumigaw at pinaghahampas ang cabinet.

"Shinji: (Sh*t Naomi! Wag diyan...)

"Shinji: (Anong gagawin ko?)

"Naomi: (Shinji Huwag kang aalis diyan, Mawawala rin ito mamaya)

"Naomi: (Please, Sana tumigil ka ng lalaki ka)

"Lalaki: Yaaahhhh!!! Arrrgghhh!! Roooar!!

Hindi na makatiis itong si Shinji, Nag-iisip siya ng paraan paano niya maililihis ang ginagawa ng lalaki. Huminto ng panandalian ang lalaki sa paghampas sa Cabinet. Dito ay biglang nawala ang pag-aalala nitong si Shinji, Pero hindi siya makapaniwala sa mga nakita ng dalawang mata niya, Dahil nalaglag ang padlock ng Cabinet.

"Shinji: (Patay si Naomi!!)

"Naomi: (Pakiusap Shinji Huwag kang magpapakita)

"Naomi: (Hindi niya mabubuksan at masisira ang Cabinet na ito)

Wala ng pakielam itong si Shinji, tila yata ay magpapakabayani na siya para iligtas itong si Naomi.

"Shinji: Hoy! Ikaw! Itigil mo na yan!

"Lalaki: .........

"Naomi: (O Hinde!)

Napagtanto ni Shinji, Bakit may padlock pa rin sa Cabinet? Nalinlang lang pala siya nito dahil ang padlock na nalaglag ay kasama sa hawak na kadena. Napalunok na lamang bigla itong si Shinji at parang isang trap na ang nangyari sa kanya, kundi ang harapin ang lalaking ito na hindi maintindihan ang nangyari sa mukha na para bang natanggalan ng eyeball at lubog na lubog ang mga mata.

==============================================

"Ryu: Miku? Bakit?

"Miku: Kuya Ryu, Natatakot po ako. Umalis na po tayo

"Aya: Hay naku Miku, Wag ka ng sisigaw ulit ng ganun nagugulat ako e.

"Keiji: Ano bang nakita mo?

"Miku: ..........

"Keiji: Ui Miku!

"Ryu: Sandali nalang at aalis na rin tayo agad ok?Miku?

Ngumiti itong si Ryu kay Miku, at pilit niyang kinocomfort itong si Miku para hindi matakot. Pero sobrang natakot talaga itong si Miku sa nakita niya. Ayaw niyang sabihin sa mga kasama niya na nakita niya ang tatlong babaeng nakaputi na duguan at hawak ang kandila na dala ni Aya, Tumawid ito at tumagos sa isang kwarto.

Ilang sandali ay tumayo na muli itong si Ryu at inangkas muli sa likod itong si Shinji, May napapansin itong si Ryu habang nasa likod niya itong si Shinji.

"Ryu: Shin?

"Keiji: Huh? Ano Ryu?

"Aya: Bakit may Problema?

"Miku: (Nakahawak sa damit ni Ryu).....Kuya....

"Ryu: Wala tara na..

Napapansin ni Ryu na para bang umuungol ng mahina itong si Shinji, Kaya nagtataka siya kung ano ang nangyayari dito. Kailangan na talaga nila makalabas para mas madaling magkaroon ng pangunang lunas kung ano ba talaga ang nangyari kay Shinji. Balak ni Ryu na dalhin itong si Shinji kay Ken, Dahil alam niya na si Ken lamang ang makakatulong sa kanila sa mga ganitong Problema.

==============================================

"Naomi: Shinji!!! Tumakbo ka na!!! Tama na!!

"Shinji: Urrgghhh!! Ano bang gusto mo ha?!!!

"Lalaki: .......

"Shinji: Wala naman siyang ginagawa sayo bakit mo Kailangan manakot ha?!!

"Lalaki: ......

"Naomi: Shin please, Tumakbo ka na at iwan mo na lang ako dito.

Nagpupumilit itong si Shinji na tulungan itong si Naomi kahit wala na siyang kalaban laban sa lalaki, Pero may napapansin siya na para bang ang manhid ng pakiramdam niya. Hindi kaya sa sobrang takot ay hindi na siya nakakaramdam ng sakit? Patuloy na nasaksihan ni Naomi ang bawat hampas ng kadena kay Shinji, Pero hindi siya nagpatalo sa mga ginagawa ng lalaki at pilit niya itong binungo papunta sa isang pader, Hindi na makatiis itong si Naomi at napasigaw na ng todo habang umiiyak..

"Naomi: Tama na!!!! Ayoko na!!!!!

--- Bumukas ang Cabinet ---

"Shinji: Huh?

Nagulat si Shinji at si Naomi sa nangyari dahil kusang bumukas ang cabinet, Kasunod nito ay sinigawan muli ni Naomi si Shinji dahil hahampasin nanaman siya ng lalaking kakaiba ang mga mata. Pero nakailag itong si Shinji at agad niyang hinawakan ang kamay ni Naomi.

"Naomi: Huh?

"Shinji: Higpitan mo! At tatakbo tayo...

Natulala itong si Naomi sa sinabi ni Shinji, Para bang tumigil ang oras at mundo niya habang nakatingin siya sa mukha ni Shinji. Napansin niya kasi sa Mukha ni Shinji ang pagiging overprotective na lalaki, Parang biglang nabuo agad ang tiwala nitong si Naomi kay Shinji.

Itutuloy......

Quotes for Chapter XXXXIII

"Those who fear the Darkness have no idea what the light can do." - Katasai Rakshasa

Forbidden LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon