Forbidden Love ~
Chapter XXXIX - Comfort Room
==========================
Bigla na lamang nanahimik itong si Shinji sa mga nalaman niya sa unang research ni Keiji, Natahimik ito at mas lalong na excite, Kaya agad niyang sinabi kay Keiji na mag-ayos na at gusto na niyang pumasok sa Ospital pero wala pa rin si Aya kaya nag-usap at nagkasundo muna ang dalawa.
9:00pm - (Sa labas ng Lumang Ospital)
"Shinji: O paano?ako nalang wala si Aya e.
"Keiji: Okay okay...
"Keiji: Teka Shinji,..
"Keiji: (Baka malagot ako kay Aya nito kapag nalaman na pinabayaan ko si Shinji)
"Shinji: O Bakit?
"Keiji: Sige teka,. Mag-aantay ako dito hanggang dumating si Aya at pagkatapos ay susundan ka namin ok?
"Keiji: Basta magtetext ako.. ok?
"Shinji: Whatever, Mga duwag at hindi tumutupad sa usapan.
"Shinji: O Sige bahala ka na diyan.
Bwisit na lumakad mag-isa itong si Shinji papasok sa Ospital, Pakiramdam ni Keiji ay napaka walang kwenta niya. Akala niya ay magbabago ang isip ni Shinji pero parang mas lalong na curious ito sa mga gusto niyang malaman.
Pumasok na itong si Shinji at ang tanging hawak niya lamang ay Flashlight, Dinala niya nga kaya ang device ni Keiji?
"Shinji: Hindi maganda ang pakiramdam ko sa Ospital na to.
"Shinji: Pero wala akong pakielam..
Nagpatuloy ito sa paglalakad ng mapansin niya ang hagdanan ay agad siyang umakyat. Habang umaakyat itong si Shinji ay bigla siyang may napansin na lalaking nakaupo at nakasandal sa pader,
"Shinji: (Nagulat) Whoa...
Tinutok niya agad ang flashlight, pero biglang nawala ito. tila guni-guni nya lamang ang nararanasan niya, Hindi kaya kinakabahan din siya dahil mag-isa siya?
Huminga ng malalim itong si Shinji at pumikit, Nang naipikit niya ang mga mata niya ay biglang nagulat siya sa mga nangyari.
--- Flash Back ---
May mga nakita siyang Nurse at mga pasyente, karamihan ay mga baliw.
Agad niyang idinilat ang kanyang mga mata at pawis na pawis sa mga nakita.
"Shinji: Sh*t!!! Ano yun?
"Shinji: Bakit ganoon ang mga mata nila na nakatingin sa akin.
"Shinji: (Kinakabahan) Parang ayoko ng tumuloy...
Takot na takot na itong si Shinji, Hindi niya alam kung ano yung nagawa niya at parang nakita niya ang nakaraan ng Ospital. Sa sobrang takot ni Shinji ay hinanap niya ang banyo sa 2nd floor.
--- Umihip ang hangin ---
Bigla na lamang siyang kinilabutan habang naglalakad sa hallway papuntang CR, parang pakiramdam niya ay ang daming nagmamasid sa kanya habang naglalakad siya sa gitna ng dilim. Kaya nagmadali na ito sa paglalakad, Sobrang luma na ng Ospital kaya hindi niya makita ang CR.
Pero ng Makarating siya ay binasa niya ang Sign, "MEN"
"Shinji: Ok pang lalaki to...
Agad na pumasok si Shinji, Pero mayroon ata siyang hindi napansin tila bura na ang letter na "WO" sa pambabae pala siya nakapasok. Nagtaka siya at parang kakaiba nga ang CR, kaya naisipan niya na lamang na sa cubicle siya mag CR.
Papalapit pa lamang siya ay may naririnig na siyang mahinang lagabog sa loob, Dito ay kumabog nanaman sa kaba itong si Shinji. Napahinto siya sa pagkakatayo at itinutok ang Flashlight sa pinto ng Cubicle,
"Shinji: (Napalunok) Sh*t sa Cubicle nang gagaling ang tunog..
Maya-maya ay unti unting tumunog ang langitngit ng pinto at unti unti na itong bumukas. May tapang nga kaya itong si Shinji para tingnan?
=====================================
9:15pm - (Sa Convenience store)
"Miku: Ok po Kuya Ryu.
"Ryu: So paano? Tara na..
"Miku: Sige po tara na at gabi na po e.
"Aya: Hello Miku! Uy! Ryu!
"Miku: Hi Aya!!
"Ryu: Yo!
"Aya: Hmp! Ikaw talaga Ryu.. Lagot ako nito kay Shinji!
=====================================
9:15pm - (Sa tapat ng Lumang Ospital)
"Keiji: Haysss Ano na kaya nangyari kay Shinji...
"Keiji: Ang tagal ni Aya hindi naman sumasagot sa tawag ko..
Ano na nga kaya ang nangyari kay Shinji? At bakit nakipagkita itong si Aya kay Miku at Ryu, Mas importante nga kaya ang pakikipagkita ni Aya sa kanila kesa kay Shinji?
Samantala.........
Kinakabahan na itong si Shinji sa mga pwedeng mangyari, Dahil kitang kita niya na unti-unting bumubukas ang pinto sa cubicle, at parang may napapansin siyang maputing kamay sa ilalim ng pinto kaya unti unti itong bumubukas. dalawa lang ang naiisip niya...
"Shinji: (Tatakbo o Tatakbo ako?)
"Shinji: (Nanginginig) Ito na yung pagkakataon na makakita...
"Shinji: (Kailangan kong hindi matakot)
Itutuloy....
Quotes for Chapter XXXIX
"If you live in fear of the future because of what happened in your past, you'll end up losing what you have in the present."
![](https://img.wattpad.com/cover/24388146-288-k458045.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...