Forbidden Love ~
Chapter XIV - Yui, Shinji's Bestfriend or Girlfriend?
--- Ding ~~ Dong ~~ --- (Tunog ng Bell)
7:29 am - (Sa School)
"Keiji: Ohayou(Morning)
"Shinji: Yo!
"Keiji: Uhmm Musta? Ano na plano mo?
"Shinji: Wala, dating gawi.
"Keiji: Uhmm nga pala.. about pala dun sa batang 9yr. old
"Shinji: Diba sabi ko sayo huwag ng pagusapan ang case kapag walang kwenta naman?
"Keiji: Teka importante to.
Magkausap ang dalawa pero mukhang matitigil ito dahil dumating na ang guro nila, Habang nagkakaroon ng diskusyon ay biglang napag-usapan ang babae na si Yui, isa sa mga nakaraan nitong si Shinji. si Yui ay dating nag-aaral sa paaralan nila Shinji, Pero kailangang umalis nito at lumipat ng ibang school sa kadahilanan na sa ibang lugar na magtatrabaho ang mga magulang nito. Nabangit lamang ito ng Guro dahil sa mga records na naiwan nito at ang mga nadalang karangalan ng estudyante na ito noong nag-aaral pa lamang siya dito. isa siya sa mga matatalino sa school nila dati. Nakaramdam nanaman ng pagkalungkot itong si Shinji at namimiss nanaman niya si Yui, Bigla na lamang itong umalis sa Room. Walang kaalam - alam itong si Keiji sa buong istorya ng buhay ni Shinji. Ano kaya ang bumabalot sa nakaraan nitong si Yui at Shinji? nasaan na nga kaya itong si Yui? babalik pa ba siya kay Shinji? buhay pa kaya ito? or may ibang minamahal na?
"Teacher: Shinji!!
"Shinji: Cr lang po.. excuse me.
"Keiji: Oi Shinji! May sasabihin pa ko importante to.
"Keiji: Excuse me Sir, Naiihi na ako.
"Teacher: Oi Keiji! Bumalik ka rito.
"Student1: Hindi na ako magtataka bakit umalis si Shinji.
"Student2: Oo nga, Kawawa naman..
"Teacher: Ok tuloy tayo sa topic.
=======================================================
9:40 am - (Sa Canteen)
"Miku: Nakakagutom,..
"Miku: Ate Pabili nga po nito.
"Miku: Salamat.
Habang kumakain itong si Miku mag-isa ay biglang dumating itong si Keiji,Tila hinahanap ata niya si Shinji.
"Keiji: Ui Miku!
"Miku: Kuya Keiji!! Gusto mo?
"Keiji: Ahh ehh hindi busog pa ako.
"Keiji: Nakita mo ba si Shinji?
"Miku: Ha? Hindi pa e, Pumasok ba siya?
"Keiji: Oo naman.. ngayon yung exam e.
"Miku: Ayy oo nga pala, "Instinct , Instinct, Instinct!! Go go go! Miku!"
"Keiji: Ha? Anong nangyare sayo?
"Miku: Hehehehe
"Keiji: O sige maiwan na muna kita at hahanapin ko pa yun.
"Miku: Sige po bye bye.
Patuloy sa paghahanap itong si Keiji, Saan nga kaya nananatili itong si Shinji? Umuwi na kaya ito. Hinanap na lahat ni Keiji ang mga lugar kung saan nagpupunta itong si Shinji, Pero may isa pang lugar na pinupuntahan itong si Shinji na hindi alam ni Keiji. Maya maya lamang sa kakatakbo at kakahanap niya kay Shinji ay nakita niya si Aya. at dito nagsimula nanaman magkaron ng mga puso sa mata ni Keiji.
"Keiji: Hi Aya, my...lo...
"Aya: Ano?! Bakit ba ang kulit mo?
"Keiji: Pasensya ka na ha, kung makulit ako..
"Aya: Lumayo ka nga sakin..
"Keiji: Bakit? Kapag nasali ka sa club, palagi na tayo magkakasama.
"Aya: Wala akong pakielam sayo.
"Keiji: May sasabihin ako, Seryoso to.
"Aya: Ano yun?
"Keiji: Hindi sa nambobola ako, Pero hindi ko alam bakit sobrang nagagandahan ako sayo. Lalo na kapag nagagalit ka.
"Aya:(Biglang ng Blush) .....
"Aya: Isa pang salita mo sasapakin na kita!
"Keiji: Pero.. Mahal na talaga ki......Aray.
"Aya: (Sinapak) Huuu!!!
========================================================
9:40 am - (Sa Rooftop sa School)
Nakaupo sa pinakamataas na lugar ng School itong si Shinji. Dinadama ang malakas na hangin habang nag-iisip.
"Shinji:....
"Shinji: (sa isip) Ano ba talaga ang mga dahilan ng pagka wala mo at ang pag iwan mo sakin?
"Shinji: (sa isip) Sobrang namimiss na kita....
Sobrang gulong gulo na ang isip nitong si Shinji, wala siyang magawa kundi ang mag hintay na lamang ng tamang oras at pagkakataon na sana dumating ang time na makita niyang muli itong si Yui.
"Shinji: (sa isip) Sa kahit anong panahon, oras, Lugar, saan mang lupalop ng mundo hahanapin kita.
"Shinji: (Naluha) Mayakap lang talaga kita ulit..
"Shinji: (Sumigaw) Namimiss na talaga kita Yui!!!!!!
Itutuloy.....
Quotes for Chapter XIV
"Sometimes i get this urge to talk to you, and then i remember that you're a different person now, It's just sad because i miss you a lot."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...