Chapter XXXXVII - Just a Dream

62 1 0
                                    

Forbidden Love ~

Chapter XXXXVII - Just a Dream

===========================

Wala ng nagawa itong si Shinji kundi ang mapa-upo at mapaluha, Hindi niya maigalaw ang katawan niya tila ata ay may nagkokontrol sa kanya. Tanging sa harapan lang naman niya nakatingin ang bata at nagpupumilit makasurvive sa masasamang kriminal na ito. 

"Shinji: (Sob..Sob...) Tama na!

"Shinji: Itigil nyo na to!!

Sigaw ng sigaw si Shinji pero patuloy pa rin ang mga walang hiya at walang konsensyang kriminal, Patuloy sila sa "pagsipa,pukpok at paghataw sa musmos at murang edad na bata. Hindi na talaga kaya ni Shinji ang mga nakikita niya, Kahit ilang beses pa siya sumigaw at humingi ng tulong ay wala pa ring dumadating para tulungan ang bata. pinipilit niyang abutin ang bata pero hindi talaga siya makagalaw ng ayon sa katawan niya.

Hindi na tama ang mga susunod na makikita ni Shinji, dahil may mas masakit pa palang balak ang mga kriminal na ito. inilapag nila ang dalawang kamay ng bata sa isang lamesa, Napansin ni Shinji na kumukuha ng pako ang isa sa kriminal samantalang ang isa hawak na ang martilyo. Sinimulan na ng mga ito ang balak nila, Ang pukpukin ang pako sa mga kuko ng bata. Luha na lamang ang napapansin ni Shinji sa bata, walang bakas ng takot sa mga mukha. Hindi na rin ito makasigaw at makagalaw.

Yumuko na lamang si Shinji at ayaw masaksihan ng mga mata niya ang nakikita niya, Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Hanggang sa matapos ang pagtotorture, Lalo siyang naiyak ng makita niya sa harapan niya ang batang puro luha pero hanggang sa huli ay nakuha pa ding ngumiti. Bago malagutan ng hininga ang bata ay may naisambit ito habang nakatingin kay Shinji.

"Boy: Kuya!

"Boy: Gusto ko pang mabuhay ng matagal....

"Boy: .....

Sobrang bigat na ng pakiramdam ni Shinji at punong puno na ng sama ng loob sa mga nangyayari, Namatay ang bata sa harapan niya at nilagyan ng sako sa ulo habang nakapako ang mga kamay nito. Naglakad ang tatlo at patungo ito sa labas sinubukang pigilan ni Shinji at harangin ang isa sa mga kriminal pero nagtaka siya dahil hindi niya ito napigilan. Namalikmata lamang kaya siya?

"Shinji: Huh?!

"Shinji: Tumigil kayo!!!!

"Shinji: Bakit hindi nyo ko Pinapansin mga hayop kayo!!

Dumilim at mabilis na lumipas ang oras, pero hindi pa rin umaalis itong si Shinji sa pag-kakaupo sa harap ng bata. Pinagmamasdan niya pa rin ito, Nagbabaka sakali siya na baka buhay pa ito. Nag-antay pa siya ng mga ilang minuto pero wala pa ring dumadating na tulong galing sa labas. Naglakad siya papalabas na para bang lantang gulay, Hindi nakatingin sa dinadaanan at walang kabuhay buhay ang pakiramdam.

Sumapit na ang dapit hapon, Hindi niya alam kung saan siya tutungo, Hindi niya rin alam kung saan siya balak dalin ng kanyang dalawang paa. Hanggang sa Nakarating siya sa isang Ospital. Madilim sa paligid ng Ospital at Nakita nanaman niya itong si Jin.

"Shinji: Huh?

"Shinji: Ikaw nanaman?! Anong ginagawa mo dito?

"Jin: (Tumingin)

"Shinji: Huwag mo kong tingnan ng ganyan baka mapatay kita.

"Jin: (Kausap sa Phone) Oh ano na?

"Jin: (Kausap sa Phone) Mauuna na ako, kayo ng bahala sa deal ok?

"Shinji: Peste ka, Ang pangit ng Araw ko tumabi ka nga!

Biglang bumagsak itong si Shinji pakiramdam niya ay may nakadagan na mabigat sa kanya, Umalis na itong si Jin at sumakay sa sasakyan. Napansin niya na para bang may babaeng nakasilip sa bintana.

"Shinji: Huh?

"Shinji: Naomi???

Sumenyas itong si Naomi gamit ang mga kamay, Tila ay tinatawag niya itong si Shinji. Gustuhin man bumangon nitong si Shinji pero hindi siya makagalaw napakabigat ng pakiramdam niya. Napapapikit na siya, hanggang sa mawala ang paningin niya.

"Shinji: Bakit ang dilim?

"Shinji: Nasaan ako?

Hindi niya maintindihan kung nasaan siya, Hanggang sa may matagpuan siyang ilaw. Agad siyang tumakbo patungo sa ilaw na yon at ng makarating ay biglang may tumunog..

--- Ring ~ Ring ~ Ring ~ Ring ~ Ring --- (Alarm Clock)

=====================================

6:00am - (Sa loob ng kwarto ni Shinji)

"Shinji: Urrghh ang sakit ng katawan ko.

"Shinji: Anong nangyari?

"Shinji: Panaginip?

"Shinji: bakit may mga luha ako? (Pinunasan)

Nagising si Shinji at nasa loob lamang siya ng Kwarto niya, Isang masamang panaginip lang pala ang mga nangyari. Pero nagtataka siya at naaalala niya ang lahat ng detalye at pangyayari sa panaginip niya. Ano kaya ang ibig-sabihin ng mga panaginip ni Shinji? Sariwa pa din sa utak ni Shinji ang mga panaginip niya at sinubukan niyang isulat ang lahat ng mga nangyari sa panaginip niya.

Itutuloy.....

Quotes for Chapter XXXXVII

"Some people have vivid imagination. Some not so vivid. but everybody has vivid dreams." - Stephen Laberge

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon