Forbidden Love ~
Chapter XXXVI - End of Suffering
=======================================
9:23am - (Puro Puno sa Paligid)
~~ wwooooossshhh ~~
--- Umihip ang malakas na hangin ---
Habang umiiyak itong si Aya ay nakatingin lamang sa mukha ni Shinji at napapatanong sa isip, "Bakit nangyayari to?", hindi na muna ito pinansin ni Keiji dahil para sa kanya wala munang oras para sa pag-ibig. Malala ang lagay ni Shinji, Sobrang daming dugo na ang nawala sa kanya lalo't sa huling ginawa ni Ryu ay hinampas siya ng bato sa ulo.
Patuloy sa pagtatanong itong si Keiji kung anong nangyari at bakit ginawa ni Ryu ito kay Shinji, Pero nakalupasay lang ng upo itong si Ryu at hindi nagsasalita, Nakatulala at nakatingin sa iisang lugar.
"Aya: Shinji... gumising ka...
"Shinji: A...yy..aa..
"Aya: Shinji!
"Keiji: Aya ok lang ba si Shinji?
"Aya: Shinji? anong nangyari?
"Shinji: Urgghhh anong nangyari? bakit nandito tayo??
"Aya & Keiji: Huh???
Hindi maalala ni Shinji ang bawat pangyayari, Hindi kaya dahilan ito ng paghampas ni Ryu ng bato sa ulo niya? Agad na lumapit itong si Keiji para tanungin si Shinji kung hindi niya ba naaalala ang mga nangyari, Pero hindi makasagot itong si Shinji dahil hindi na maganda talaga ang lagay niya. Sobrang dami ng dugo ang nawala na sa kanya at bigla na lamang nawalan ito ng malay sa pagkakahiga.
Samantala.....
=======================================
9:23am - (Sa loob ng Ospital)
"Ken: Tara ate miku...hanapin na natin sila
"Miku: Huh? Ano ginawa mo Ken?
"Ken: Ngumiti.. basta,
"Ken: (Tinangal ang Tela sa mata) nasa may labas sila at likuran ng Ospital
"Ken: Magmadali na tayo, hindi maganda ang lagay ni Shinji.
"Miku: Huh? Paano mo nalaman?
"Ken: (Kinabit muli ang tela sa mata) Hehehe basta! Tara na.
Nagmadali na magtungo ang dalawa, pero dahil mabagal silang maglakad. Baka hindi na nila maabutan si Shinji ng buhay, Pero bakit kaya nakangiti lang itong si Ken? May ginawa kaya siya para hindi mag-alala sa mga nangyayari, tila kalmado na si Ken at malinis na muli ang pag-iisip.
9:31am - (Sa labas ng Ospital)
Nakita na nila Miku at Ken sila Shinji, Nagulat itong si Miku at napahawak na lamang sa bibig habang tumutulo ang luha. Iyakin talaga si Miku sa mga ganitong kaganapan, Napaupo na lamang ito. samantalang si Ken ay nagpatuloy maglakad para lumapit kina Aya,Shinji at Keiji.
--- Naglalakad ---
"Ryu:........
"Ryu: Urrrgggghhh!!!!!!
Alam na ni Ken kung ano ang mga bawat nangyari papalapit palang ito ay biglang tumayo na itong si Ryu. at sinabi niya na..
"Ryu: Dapat lang sayo yan Shinji! Hindi ka dapat pagkatiwalaan!
"Aya: Ryu!!!
"Keiji: Ano bang nangyayari sayo Ryu?
"Aya: (Sob..Sob..) Kahit ano man ang gawin ni Shinji hindi ka dapat manakit ng ganito!
"Miku: (Sob...sob..) Kuya Ryu....
"Ken: Aya... Keiji!
"Ken: Mahirap sabihin pero.....pagkatapos nito ay tigilan niyo na ang Club.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ken, at dahan dahan niyang tinangal ang tela sa mata at nagsalita ng mga kakaibang salita na hindi nila maintindihan.
--- Umihip ang malakas na hangin ---
Sobrang lakas ng hangin na umihip at biglang dumilim ang kalangitan tila ay uulan pa ata, Patuloy sa pag-sasalita itong si Ken sa kanyang ritual at unti unti itong lumapit kay Ryu para kausapin.
Nagulat sila Keiji at Aya sa naramdaman nila na nakakapanginig balahibo, pakiramdam nila ay hindi ata si Ken ang nakausap nila.
--- Magkaharap si Ryu at Ken ---
"Ken: Ikaw,
"Ryu: O Bakit?!
"Ken: (Idinilat ang Kanang Mata)
"Ryu: (Nagulat) aaaaah!!! Urrggghhh!!!
Idinilat ni Ken ang kanang mata niya at may sinabi, biglang sumakit ng matindi ang ulo ni Ryu. Nagwawala itong si Ryu dahil sa sakit ng ulo at napaupo na ito, at agad namang hinawakan ni Ken ang ulo ni Ryu.
Laking gulat ng magkakaibigan sa nakita nila, may lumabas na usok sa katawan ni Ryu, tila napakalaking itim na usok ang lumabas na nagkorte itong ahas. at pagkatapos ay biglang pumatak ang ulan, unti unti itong lumakas.
Muli ay isinuot ni Ken ang tela, Mukhang na vanish na ni Ken ang demonyo. Napakalakas ng ulan pero tulala ang magkakaibigan, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.
Nawalan ng malay itong si Ryu, at mas naintindihan na nila na kay Ryu pala lumipat ang demonyo. Nagpasya ang mga ito na dalhin itong si Shinji sa Ospital tutal ay mismong sa labas lang din sila ng ospital nakapwesto. hindi na talaga maganda ang kalagayan ni Shinji, Pero laking pasasalamat ng magkakaibigan at natapos din ang malaking kapahamakan sa grupo.
Itutuloy.............
Quotes for Chapter XXXVI
"Real people avoid drama. They know their time is too precious and choose not to waste it on unimportant people."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...
