Chapter XXXXIV - Out of Body Experience

21 0 0
                                    

Forbidden Love ~

Chapter XXXXIV - Out of Body Experience

============================

10:45pm - (Sa loob ng Ospital)

Wala ng pakielam itong si Shinji saan man sila mapunta ni Naomi basta patuloy at wala siyang tigil sa pagtakbo na para bang hindi siya napapagod, Hindi kaya dala ito ng tinatawag na adrenaline rush? Nakarating ang dalawa sa 1st floor ng Ospital. Pero may mga tanong itong si Shinji kay Naomi.

"Shinji: Napansin mo ba yun lahat?

"Naomi: Ha? Ang alin?

"Shinji: yung mga nakaputi? ang dami nila, at nakatingin lang sila satin.

"Naomi: Ha? Parang? Kasi matagal na akong nakakulong dun e, madalas nakikita ko sila kapag pumapasok sa kwarto.

"Shinji: Ha?? Sino ba yung mga yun.

"Naomi: Hindi ko rin maintindihan e.

Tiningnan ni Shinji ang cellphone niya pero wala pa ring signal ito kahit na nakarating na sila sa may 1st floor, Tanging labasan nalang sa Ospital ang hahanapin nila at makakaalis na sila sa loob.

Samantala......

==============================

Malapit na sila Ryu sa may hagdanan...

"Keiji: Ayun! Sa wakas..

"Aya: Hayss salamat at makakalabas na tayo.

"Ryu:.....

==============================

Nakaramdam itong si Shinji na para bang may nang-gagaling sa may hagdanan, Nanlaki ang mulat ng mga mata niya ng may makita siyang mga itim.

"Shinji: Sh*t ano yun??!!

"Naomi: Huh? Alin?

"Shinji: Sa may Hagdanan..

Unti unti niyang nasisilayan ang bawat hakbang na para bang anino ng mga tao, Nagulat siya at nakita niya si Keiji na pababa.

"Shinji: Oww!! si Keiji,

"Shinji: Huh? Bakit andito silang lahat?

"Naomi: Sila ba ang mga kasama mo?

"Shinji: Oo teka papakilala kita.

Lumapit itong si Shinji at tinawag niya itong si Keiji, Pero hindi siya nito pinapansin. Nakita niya rin itong si Ryu, Tila nahihiya pa ata itong si Shinji kay Ryu dahil iniisip niya na galit pa ito o kaya ay nagtatampo. Pero natulala siya ng makita niya ang nasa likod nitong si Ryu.

"Shinji: Hindi ito totoo? Katawan ko yun ah..

"Shinji: Hoy mga kasama!!!!!

Sigaw ng sigaw itong si Shinji pero hindi siya pinapansin ng mga kaibigan niya, Naisip niya tuloy na baka patay na siya. Sobrang natakot siya at tinanong niya itong si Naomi kung may nalalaman ba sa mga nangyayari. Pero hindi ito sumasagot dahil mismong si Naomi ay hindi niya rin alam ang sagot sa katanungan ni Shinji, dahil mismong si Naomi ay hindi niya rin alam kung patay na ba siya o hindi pa, dahil parang pakiramdam niya ay panaginip lang lahat ng nararanasan niya.

=================================

Patuloy sa pag baba sila Keiji, nang makaramdam itong si Miku ng kakaiba.

"Miku: Kuya Ryu....Natatakot po ako.

"Ryu: Huh? Bakit? Ano nanaman nakita mo?

"Miku: May nararamdaman po ako na parang may nasa paligid e.

"Aya: Hay naku Miku!

"Keiji: Hayaan mo nalang malapit na tayo sa labas.

"Miku: Parang may tumatawag po sa akin, parang boses po ni Shinji.

"Aya: Ano?!!!! Ayan si Shinji oh!

"Keiji: Tara na bilisan na natin pwede?

"Ryu: Panay reklamo mo Keiji ah, Ikaw kaya ang magpasan dito.

Mukhang nagkagulo pa ang magkakasama sa sinabi ni miku, Pero mukhang totoo nga at tawag ng tawag itong si Shinji sa mga kasama niya pero hindi siya naririnig ng mga ito. Hinawakan niya muli sa kamay si Naomi at sinundan nila ang mga kaibigan niya. Sa wakas at nakalabas na ang mga ito.

Pagkalabas na pagkalabas nila ay agad na hiniga nila si Shinji, Kinapa muli ni Ryu ang pulso at tiningnan ang mga mata ni Shinji. Nagtataka siya at parang natutulog lang ito, Ok naman ang bawat paghinga ni Shinji pero bakit parang walang malay pa rin ito. Inilabas ni Aya ang dala niyang tubig sa Bag.

"Shinji: Ano bang ginagawa ng mga ito,

"Naomi: Katawan mo ba yan? Ano bang nangyayari?

"Shinji: Hindi ko din alam, Basta huwag kang bibitaw sa akin ok?

"Naomi: Bakit?

"Shinji: Basta...isasama kita san man tayo mapunta, Para hindi ka na matakot pa.

"Naomi: (Ngumiti).......

"Shinji: (Ang cute niya..) Ehem.. ehem... Humawak ka lang ha.

--- Ginigising si Shinji ---

"Ryu: Aya, subukan mo ngang kurutin si Shinji

"Aya: Ayan..

"Ryu: Sige pa..

"Keiji: Para saan naman yan?

"Aya: Wala e, No reaction pa din.

"Ryu: Akin na yung tubig..

"Keiji: Ui, Ano ba ginagawa nyo.

"Aya: Manahimik ka nga diyan..

"Ryu: Tingnan ko kung hindi ka pa magising dito!

Binuhusan ni Ryu itong si Shinji ng malamig na tubig, at sa wakas ay bigla na lamang itong nagising.

"Shinji: Whoa!!

"Aya: (Yumakap) Shinji!

"Keiji: Oi Oi Oi, Ano ba yan...

"Ryu: Hayss..

"Miku: Yehey....

"Shinji: Teka.. Naomi!!

--- Nagulat ang lahat ---

"Keiji & Aya: Naomi???

"Ryu: ......

"Miku: Huh?

Itutuloy.....

Quotes for Chapter XXXXIV

"Distance is a test of love. Many will fail for those who can't withstand it, but for those who can, there's only one answer. [True Love]."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon