Chapter XXXXV - Rejection

26 0 0
                                        

Forbidden Love ~

Chapter XXXXV - Rejection

11:01pm - (Sa labas ng Ospital)

==================================

Gulat na gulat ang bawat isa sa sinambit nitong si Shinji, Sino si Naomi? yan ang tanong sa isip ng magkakaibigan. Patuloy sa paghahanap itong si Shinji, tinitingnan ang bawat paligid kung totoo ba talaga ang bawat pangyayaring naganap sa kanila ni Naomi. Pero dumating sa punto at napaisip siya kung may nakasama ba talaga siyang nag-ngangalang Naomi, Dahil sa ngayon ay baka panaginip lang ang bawat nakita niya.

Lumipas na ang ilang minuto at Nagtataka pa rin itong si Shinji kung panaginip ba talaga ang lahat, dahil bawat kilos at pangyayari sa panaginip na inaakala niya ay parang totoong totoo tulad na lamang ng pakikipaglaban niya sa isang entity.

Panay tanong ng mga kaibigan ni Shinji kung sino ang sinasabi niyang Naomi, Pero hindi siya nagsasalita at pilit hinahanapan ng sagot ang mga nangyari sa kanya.

"Aya: Uy,.. Shinji! Pansinin mo ako..

"Keiji: Oi Shin! Sino ba yon?

"Shinji: Hindi ko alam... gusto kong pumasok ulit sa loob.

"Miku: Hala...

"Keiji: Tumigil ka nga!

"Ryu: Hayss....

"Shinji: Naomi!!!

Sinigaw ni Shinji ang pangalan ni Naomi pero walang nag-ngangalang Naomi ang lumabas at nagpakita, Inaya na ni Keiji itong si Shinji para mag uwian na ang lahat, Ngunit ayaw pa din tumayo nitong si Shinji at nakatingin lamang sa bintana. Umaasa pa rin siya na may nageexist na babaeng tulad ni Naomi. Nakalimutan niya na kaya itong si Yui? o sadyang nagkakaparehas lamang sila?

==================================

7:30am - (Sa School)

~ Ding ~ Dong ~ (Tunog ng Bell)

"Keiji: Yo!

"Shinji: Ow?

"Keiji: Kamusta ka?

"Shinji: Ayos lang....

Nagkausap itong si Keiji at Shinji, Pero naninibago itong si Shinji parang may kakaiba sa mga nangyayari. dahil hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya pagkapasok nila ng classroom ni Keiji.

"Keiji: O Shinji bakit ganyan ang mukha mo?

"Shinji: (Gulat na Gulat) N.....a.....o...

Mahaba ang buhok,Pink ang kulay ng buhok ng babaeng nasa harap at nakaupo. Hindi makapaniwala itong si Shinji dahil si Naomi na nga ata ang nakikita niya, Agad na nagsalita ito kay Keiji.

"Shinji: Yo.. K..e...i...j...i.. (Nanginginig)

"Keiji: O? Anyare ba sayo? bakit ba?

"Shinji: Si Naomi....

Narinig ni Naomi ang pangalan niya at dahan dahan itong tumingin sa likod, Nakangiti ito at halos hindi na makita ang mga mata niya dahil sa pagkakangiti. 

"Naomi: Hello Shinji!

"Keiji: Huh?

"Shinji: ....... Naomi!

Nagmadali itong si Shinji at lumapit kay Naomi, Tinanong niya agad ito at kinausap.

--- Hinawakan ang Kamay ---

"Naomi: Huh?

"Shinji: Kamusta ka ba?

"Shinji: Natatakot ka pa ba?

"Shinji: Hindi ko alam ang gagawin ko..

"Shinji: Saan ka ba napunta?

"Naomi: Bakit ka ganyan?

Nagtataka itong si Naomi sa mga ginagawa nitong si Shinji at agad niyang inalis ang mga kamay niya. Sinabihan niya rin itong si Shinji na kung pwede ay huwag nang uuliting hawakan ang kamay niya dahil baka makita ito ng boyfriend niya at baka pagsimulan pa ito ng gulo.

"Keiji: Talaga nga naman itong si Shinji oh..

"Shinji: Ahhh eehh... May boyfriend ka pala..

"Naomi: Teka nga... bakit ba ganyan ang pakikitungo mo sa akin?

"Naomi: Wala naman tayong relasyon ah?

"Shinji: Ahh oo nga, sabi ko nga sorry.. ha.

"Shinji: Nag-aalala lang naman kasi ako sayo.

"Naomi: Salamat, Pero pwede lumayo-layo ka?

"Naomi: Kapag nakita ka ng boyfriend ko baka ano pang magawa sayo nun

"Shinji: Aaahhh ok pasensya.

Umupo at yumuko sa may upuan itong si Shinji, hanggang sa lumipas ang oras at nagkaroon ng lunch break. Nagtataka itong si Shinji kung bakit bigla na lamang nawala itong si Keiji at hindi niya rin mahagilap itong sila Aya at Miku.

Samantala...

--- Naglalakad sa Canteen ---

Habang siya ay naglalakad papuntang canteen ay nakita niya itong si Naomi kaya nilapitan niya ito para tanungin kung pwede ba silang magsabay kumain ng lunch, Hindi na talaga nakapag pigil itong si Naomi at sinabihan niya na itong si Shinji.

"Naomi: Alam mo? ang kulit mo..

"Shinji: Ahh ehh..Pasensya ka na..Kasi...

"Naomi: Ano?

"Naomi: (tinulak) Alis!

"Naomi: Hi, Jin...

"Shinji: Huh? Jin?

Tinulak nitong si Naomi itong si Shinji ng mapansin niya na nandoon pala itong si Jin, Napatingin na lamang itong si Shinji sa kanila. Naglakad ng nakayuko, Tila malungkot sa mga nangyayari sa kanya. Sino itong si Jin? at ano ang papel nito kay Naomi?

Itutuloy............

Quotes for Chapter XXXXV

"Rejection doesn't hurt, Expectation does. Lying doesn't kill, Denial does. Forgetting doesn't heal, Forgiveness does."

Forbidden LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon