Forbidden Love ~
Chapter V - Keiji's Dream Girl (Aya)
Habang nag-aantay ang dalawa ng Lunch Break ay napagisipan nila na maglibrary nalang muna, Dito nagkaroon ng pagkakataon na matulog itong si Keiji. Samantala itong si Shinji ay nagbasa na lamang ng mga libro.Napansin ni Shinji na may dalawang babae ang nakatingin sa kanya at tila yata ay pinag-uusapan siya nito. Agad niyang kinalabit itong si Keiji para gisingin at sabihin ang tungkol sa dalawang babae.
"Shinji: (Pinitik sa Tenga) Oi!
"Keiji: Aray!!!
--- Nagtinginan ang lahat ---
"Shinji: Psshh kahit kailan ka talaga agaw atensyon kang mokong ka!
"Keiji: Teka bakit nakatingin lahat?
"Shinji: (Pabulong) Bobo! ang ingay mo sumigaw ka.
"Keiji: So Kasalanan ko ha?!
"Shinji:(Nahihiya) Pwede ba huwag kang maingay diyan.
"Keiji: Bakit ka ba namimitik?!
"Shinji: Nawala na tuloy ung dalawang babae, Ang ingay mo kasi e.
======================================
10:39 am - (sa labas ng classroom)
"Miku: Hello Kuya Ryu!
"Ryu: Ow, Ikaw pala.. Ano nakahanap ka rin ba ng mga pwede pang sumali?
"Miku: Yup.. Kaso kakaunti palang po e.
"Ryu: Ako kasi wala na akong pakielam, Bahala sila..
"Miku: Ay ganoon po ba? Sayang naman..
"Ryu: Pero sasali pa rin ako syempre... pag nakita ko talaga yang si Shinji sasapakin ko un e.
"Miku: Hala,.. Huwag po kuya Ryu.
"Ryu: Haysss...
"Miku: Kuya sabay na po tayong maglunch wala po kasi akong kasabay e.
"Miku: Ok lang po ba?
"Ryu: Uhhmm Pagisipan ko, O siya sige aalis na ko.. Kapag nagkita tayo sa canteen edi tumabi ka nalang sa akin. sige Bye.
"Miku: Hmp! Ang Sungit..
"Aya: Hep , Hep , Hep ... Ano yun ha?
"Miku: Ui Aya..
"Aya: Ligaw mo ba un? Ang tangkad ah..
"Miku: (Nagblush) Uy hindi ah..
"Aya: Sino ba un?
"Miku: Si Kuya Ryu yun..
"Aya: Ahhh yung basag ulo dito sa school, hmmmm
"Aya: Tara at sabay na tayo kumain mamaya.
"Miku: Ok sige.
==========================================
10:39 am - (sa loob ng library)
Habang nag babasa itong si Shinji ay biglang naalala ni Keiji ang naresearch niya at agad niyang tinalakay ang bawat detalye rito.
"Keiji: Ayon sa mga kalapit na bahay pagtung-tong daw ng 10:00 pm saka daw magpapakita ung bata.
"Shinji: Ppshh! parang walang kwenta naman, o sige ikwento mo ang history ng case na yan.
"Hachi: Bulaga!!!
- Hachi, Isa sa mga kaklase nila Keiji at Shinji. Isa sa mga miyembro ng Biology Club.
"Hachi: Aba teka, Naguusap nanaman ang dalawang baliw,
"Keiji: Bakit ka nakikinig? Edi baliw ka na din?
"Shinji: (Naiinis) Psshh..!
"Hachi: Aba teka, puro naman kayo kabaliwan e hanggang ngayon wala pa rin kayong nagagawa.
"Hachi: Kung sumali nalang kayong dalawa sa Biology Club namin mas marami pa kayo matututunan.
"Shinji: Wala akong interes diyan.
"Keiji: Oo nga,!
"Shinji: Keiji tara na, at masyadong mahangin dito.. humanap tayo ng ibang pwesto na kung saan walang mga amoy hayop.
"Hachi: (Hinawakan sa damit si Shinji) Aba teka, Ang yabang ng pananalita mo ah.
"Library Assistant: Oi Oi!! Kayo diyan kung mag-aaway kayo dun kayo sa labas huwag dito!
"Shinji: Psshh.. Nakakatamad talaga, Tara na Keiji.
"Hachi: Sus, Walang kwenta naman yang club mo! pero maraming sumasali. nagkakalat ka lang ng mga baliw!
- Umalis ang dalawa at sinabi ni Shinji kay Keiji na kumain na muna sila at saka niya ikwento kung ano ba talaga ang history ng pag mumulto ng bata.
11:01 am - (sa Canteen)
Habang bumibili ang dalawa ng Pagkain ay nakita nanaman ni Keiji itong si Aya at kasama nito si Miku, Nagmala puso nanaman ang mga mata nitong si Keiji at nagsalita nanaman ng "Oh yeah, Oh yeah" Napansin nanaman ito ni Shinji at Binatukan niya si Keiji. Napatingin naman ang dalawa na si Aya at Miku ng makita nilang nagkukulitan ang dalawa.
"Miku: Ay, si Kuya Shinji pala at si Kuya Keiji.
"Aya: Kilala mo yang dalawang yan?
"Miku: Yup, Bakit?
"Aya: Nakakairita kasi ung isa e, Makatingin kala mo kakainin ka.
"Aya: Kapag yan lumapit sakin uupakan ko yan.
"Miku: Bakit naman? Wala naman ginagawa sayo yung tao e.
"Aya: Wala lang nakakairita lang e.
"Keiji: Shinji, Oh yea tinitingnan niya ako..
"Keiji: Teka, May gusto na ata siya sakin? pero teka bakit naka kunot ang noo niya?
"Keiji: Hmmm siguro nagseselos siya sayo.
"Keiji: (Tinulak si Shinji) Lumayo ka nga sakin!
"Shinji: (Nagulat) Psshh ano?! ba!! Baliw ka ba?
"Keiji: Dito ako uupo
"Shinji: ikwento mo na nga bwisit ka!
"Keiji: Ok sige eto na ikwekwento na.
"Miku: Kuya Shinji!! pwede po kami makiupo?
"Aya: Hay nako Miku Bakit ba tayo makikiupo sa mga yan?
--- Tsug , Tsug Tsug ~ , Tsug ---
(Tibok ng Puso ni Keiji)
Itutuloy.....
Quotes for Chapter V
"You'll never get over with a CRUSH until you find a new one"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...