Forbidden Love ~
Chapter XXXIII - Peripheral Ghost
~ Simula noon ay hindi na nawala sa isip ni Ken na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Father Nick, Buong buhay niyang dadalhin ang pangyayari na yon, at kahit kailan ay hinding hindi niya ito makakalimutan.
Nagsimulang magplano si Ken noon pagkaalis niya para hanapin ang demonyo na nakaharap niya. Simula ng umalis siya ay walang ibang bukam-bibig kundi ang matalo ang demonyo na yun. Napuno ng galit itong si Ken sa mga nangyari na hindi niya akalain na siya pala ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Father Nick.
--- Kasalukuyan ---
"Keiji: Whooaa... Teka teka...kakaiba pala ang batang ito.
"Ryu: wala akong kaalam alam Ken.
"Ken: Wag po kayong matakot.. please..
"Shinji: Mabuti at narinig ko ang storya mo ayos, may makakasama na tayo guys?
"Aya: Hala, Shinji.. hindi ka ba natatakot?
"Miku: Pero mukha namang mabait si Ken e.
"Shinji: Bakit ba kayo natatakot sa kanya?
"Keiji: E baka nasa kanya yung demonyo?
"Shinji: Sira ulo ka Keiji, Edi sana sinasapian na siya ngayon mag-isip ka nga.
"Ken: Pero Kuya Shinji, Pwede ko kayong tulungan..
"Ryu: Teka Ken, Hindi mo nasabi paano ka nabulag at naputol ang kaliwang paa mo?
"Keiji: Haha Ryu patawa ka!
"Ryu: Bakit?
"Keiji: Natural wala siyang malay nun paano niya malalaman?
"Ryu: Bwisit ka sapakin ko nguso mo e!
"Ryu: Edi dapat sinabi ng mga sumagip gunggong mo Keiji!
"Keiji: Easy ka lang!..
"Shinji: Tama na yan! May ideya na ako... isasama ko itong si Ken pag nagpunta doon kay Kaede.
Walang pakundangan na nagdesisyon itong si Shinji na isama si Ken, Pumayag naman si Ken sa gusto niya, Pero hindi lang yun ang gusto ni Shinji, dahil mismong hating gabi gusto niya na agad puntahan si Kaede. Agad na kumontra itong si Ryu dahil alam niyang delikado na at malalim na ang gabi.
Dahil sa wala silang pasok bukas, naisipan ni Shinji na ipabukas na lamang ang pagpunta kay kaede. Hindi pa rin makatulog ang mga ito. Napag desisyunan nila na sa sala nalang nila Ryu manatili. Samantalang itong si Shinji ay Nagpunta muna sa kusina para magtimpla ng kape.
--- Nag-init ng tubig ---
Habang naghahalo itong si Shinji sa baso ay naisip na rin niya ang mga balak niyang gawin para bukas, ng biglang may napansin siyang maliit na batang babae na nakaupo sa harapan niya sa may lamesa ng kusina. Tinanong niya ito,
"Shinji: Hello, Anong pangalan mo?
"Girl: .......
"Shinji: uhmm.. ano mo pala si Ryu?
"Girl: ......
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
ParanormalGenre: Paranormal, Mystery, Romance, Comedy,Horror,Fantasy Paalala:Ang storyang ito ay hindi ayon sa totoong buhay, at ang mga pangalan na ginamit ay hindi rin base sa totoong buhay. Gawa lamang ito ng malikhain kong pag iisip at ang mga photos ay g...
