Chapter I - I'am Shinji

567 10 0
                                    

Forbidden Love ~

Chapter I - Ore wa Shinji (I am Shinji)

Shinji,3rd yr. High School Isang Normal na estudyante na nagtayo ng isang club sa kanilang school. Binuo niya ito sa pangalang Paranormal Mystery Club. Marami ang gustong sumali sa grupo nitong si shinji, pero hindi siya basta basta tumatangap ng kahit sino lang. Marami siya munang gustong alamin tungkol sa mga karanasan ng bawat gustong sumali. Pagkatapos niyang marinig ang bawat pahayag ng mga gustong sumali ay agad niya itong isinusulat sa kanyang document, Ngunit hindi yun ang gusto niyang mangyari na maraming makasali sa grupo niya dahil ang totoo ay wala pa siyang karanasan sa kahit anong misteryo o kababalaghan sa mundong ginagalawan niya. Ang katotohanan kaya niya binuo ito ay para makakita at makaranas ng aktwal na mga spirito.

7:29 am - Sa loob ng Classroom

"Keiji: Yo! Shinji.. Kamusta?

"Shinji: Oi, Ikaw pala yan...

"Keiji: Ano na nga pala ang balita sa mga research natin?

"Shinji: Hayyy sa tingin ko wala tayong mapapala..

"Keiji: Bakit naman?

"Shinji: Parang walang katotohanan ung mga nakalap kong impormasyon e.

"Keiji: Bakit pinuntahan mo na ba ung lugar?

"Shinji: Oo.. kaya eto puyat ako.. wala namang nagpakita dun at wala ring nagparamdam.

Sa sobrang pagkadesperado nitong si Shinji na makakita ng multo ay kumukuha siya ng bawat kwento at impormasyon sa buong skul at pagkatapos ay iimbistegahan niya ito at mismong siya lang mag isa ang pupunta para malaman kung mayroon ba talagang kakaiba sa lugar na yun. Sa ngayon 2 palang silang miyembro ng Paranormal Mystery.

"Miku: Hello..Shinji.

"Shinji:(Nagtaka) Ha? Sino ka?

"Miku: Ako po si Miku, Gusto ko po sanang sumali sa Club nyo.

"Shinji: Ahh ganun ba o sige magkita tayo mamayang 3pm

"Miku: Ok po salamat.

"Ryu: Oi Shinji ako din!! Sasali ako!

"Shinji: Ok Ok!

"Keiji: Hayyss Hindi ba nagsasawa ang mga estudyante dito mangulit sayo?

"Shinji: Hayaan mo na sila, panigurado babagsak nanaman yang mga yan sa exam ko.

"Keiji: Hayyss..

Sa 50 na estudyante na nag apply para sa Paranormal Mystery Club tanging isa lang ang nakapasa dito, at ito ay si Keiji lamang. Sa anong kadahilanan nga ba at bakit si Keiji lang ang nakapasa dito samantalang napakadami ang nag apply.

"Shinji: Oi..

"Keiji: O bakit?

"Shinji: Naaalala mo nung ikaw lang ang pumasa?

"Keiji: Oo naman, Pero last year pa yun.

"Keiji: (Napaisip) hmmmm.... bakit mo pala natanong?

"Shinji: ahhh wala.. nga pala.. ikaw na makipagkita dun sa dalawa tapos sabihin mo bagsak na sila

"Keiji: Ano?! ayan ka nanaman..

"Keiji: Teka may idea ako.. bakit hindi nalang ulit tayo magipon ng mga estudyante na gustong sumali tapos saka natin piliin

"Shinji: Sige ikaw ang bahala..

"Shinji: Medyo tinatamad na kasi ako wala namang nangyayari.

Halos isang taon na ang lumipas at wala pa rin talagang nangyayari sa mga pinag gagagawa nitong si Shinji.

--- Natapos na ang Klase ---

3:05 pm - (sa labas ng School)

"Keiji: (nakangiti)

"Keiji: Hello

"Miku: Hello, Nasaan po si Shinji?

"Ryu: Hoy! Sino ka ba?!

"Keiji: Hehehe Teka huwag mainit ang ulo

Ryu, 4th yr. High School Isang estudyante na palaging mainitin ang ulo at laging nakikipag away, Wala ng mga magulang itong si Ryu tanging lola na lamang niya ang nagaalaga sa kanya at sa gabi nagtatrabaho siya para may pang gastos siya sa araw araw na buhay niya.May kapatid na babae itong si Ryu ngunit namatay ito sa aksidente, 8yrs old pa lamang ng namatay ito. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit gusto niyang sumali sa Club ni Shinji?, Para makita o makausap ang kapatid?

Miku, 1st yr. Simple at Tahimik,Maikli ang buhok, Maputi at bilugan ang mata. Bagong Estudyante sa School at napaka wirdo ng batang ito. mahilig magbasa ng mga nakakatakot at manuod ng mga kakaibang palabas. Marunong itong tumugtog ng instrumento tulad ng piano at violin. Busy sa trabaho ang parehas na magulang nitong si Miku at ang kuya niya naman ay nag-aaral ng medisina sa ibang bansa, kaya siya lamang madalas ang maiwan sa bahay kasama ang katulong nila. Mayaman at malaki ang bahay nila Miku pero malungkot ito sa buhay dahil bihira nya makasama ang magulang niya dahil sobrang busy sa trabaho. May business sila, isang malaking kumpanya ng mga sigarilyo at alak.

Itutuloy.....

Quotes for Chapter I

"Good relationships don't just happen. They take time,patience, and two people who truly want to be together"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon