Truth

2K 48 1
                                    

Jennie's Mom

Gusto ko si Lisa para kay Jennie. Una pa lang naman alam kong may relasyon sila. Kung paano nila titigan ang isa't isa. Kung paano sila kumilos. Wala namang problema sa 'kin  not until malaman kong sinasaktan ni Lisa si Jennie. Yes. Sobrang possesive raw si Lisa. Sobrang magselos. One time nakita kong may pasa si Jen. I asked her, ang sabi niya nadulas lang daw siya.

~ Three years ago~

Nang minsang bibisita ako sa dorm nila nakita kong lumabas ng building si Sana. The daughter of my Business Rival. Ngumiti siya sa 'kin.

"Hi Tita."

I know her. Minsan na rin siyang nakasama sa isang business meeting namin. I don't like her.

"Hello, Hija. Naliligaw ka yata?"

"No Tita, dinalaw ko lang po si Lisa." Ngumiti siya.

"Ang alam ko wala siya riyan, magkasama sila ni Jen."

Jen texted me this morning. May lakad daw sila ni Lisa.

"Hindi po siguro natuloy."

"Ah, gano'n ba? Tamang-tama maiipagluto ko sila."

Once a month dumadalaw ako sa dorm just to check them both. Baka kasi gumagawana sila ng baby. Char.

(HAHAHAHA!)

Akmang aalis na ako nang bigla siyang magsalita.

"Tita, don't get me wrong. Alam ko kung gaano niyo kamahal si Jen. Pero.." Huminto siya.

"Pero ano?"

"Nevermind, Tita."

Damn this brat.

"You can tell me." Nginitian ko siya.

"Nakita ko si Lisa, sinasaktan niya si Jen."

Baliw ba 'to? Alam ko kung gaano kamahal ni Lisa ang anak ko. Tsaka si Lisa ang 'dinalaw' niya raw di ba? How come na sinisiraan niya ito?

"Mali ang nakita mo."

"Pwede ko kayong bigyan ng proof, if you want?"

Bruhang bata 'to.

"Sure, Hija."

"Another thing, Tita.. sobrang selosa ni Lisa. Bawat kibo ni Jen mino-monitor niya. Nakita niyo ba 'yung pasa niya sa braso? Dahil 'yon ni Lisa. Nakita niyang magkasama si Hyunbin at si Jen."

Napipikon na talaga ako sa batang 'to.

"Excuse me Darling, kausapin mo ako kapag may proof  ka na. See you later, maybe never." I gave her my fake smile.

"Don't worry tita, one of these days dadalawin ko kayo together with my fvcking evidence."

Witch! Just like her mom. In tagalog, mag-ina nga kayo.

(HAHAHAHA!)

I called Jennie.

"Baby, where are you?"

"Just here in our dorm mom. I'm with Lisa."

"Are you okay, baby?"

Nag-aalala ako. What if sinasaktan nga ni Lisa ang baby ko?

"More than okay mom." She smiled.

Yes, ngumiti siya kahit hindi ko nakikita.

Told you, mahal na mahal ni Lisa ang anak. They're so inlove. And i'm so happy for my baby. I'm just waiting for them to come out.

"Okay baby, I love you both."

"We love you too mom." Yah, that's Lisa's voice.

Akala siguro nila hindi ko alam na sila. Hays. Kids now a days.

Hindi na lang ako tumuloy. I know they need some personal space, with each other I mean.

After a week I saw this monster on my Company.

"I told you Tita." She smirked.

At oo walang ano-ano'y nasa loob na siya ng office ko. Kapal ng apog.

Forgive me Lord. I'm going to commit a sin.

"What brings you here Darling?"

"This." Ipinakita niya ang brown envelop.

"And what's that?"

"Proofs." Evil grin.

Kaagad kong kinuha ang envelop at isa-isang tiningnan ang mga retrato.

Hindi ako makahinga.

I trusted you, Manoban. How can you do this to my daughter? I thought you love her?

"Edited?"

"Of course not! Why would I do that?"

Ayaw tanggapin ng isip ko na sinasaktan ni Lisa ang baby ko. Tinrato ko siyang parang tunay ko na ring anak. Silang apat. Maybe I should ask Jisoo and Rosé? But how?

"Duda pa rin ba kayo tita?"

Nag-dial siya.

"Here, talk to my mom."

Iniabot niya ang cellphone niya na agad ko rin namang tinanggap.

Her monster mom told me that she also saw Lisa hurting my precious daughter. I mean why? Why Lisa?

"Habang maaga pa tita ilayo mo na si Jen kay Lisa."

"Don't tell me what to do."

I'm so mad..

And in pain.

Why, Lisa?

"Bye Tita."

Sumarado ang pinto.

Muli kong tiningnang isa-isa ang mga retrato.

Mariin ang pagkakahawak ni Lisa sa magkabilang braso ni Jennie habang nanlilisik ang mga mata nito. Umiiyak si Jennie. Hindi ko na kayang tingnan pa ang ibang retrato.

~ Present time ~

So this is my big revelation. After kong pagbawalan si Jennie na makipagkita kay Lisa at sabihing alam ko na ang totoo, hindi pa rin naman siya tumigil. Ipinagpatuloy pa rin nila hanggang sa nabalitaan kong nag-cheat ang anak ko? Why would she do that? Naguluhan ako. Nawala si Lisa. Kahit anong gawin kong paghahanap sa kanya hindi ko siya matagpuan. At doon na rin ako nawalan ng anak. Hindi na siya umuuwi sa bahay. Palagi lang siyang nasa dorm. Umiiyak. Umiinom. Nagwawala. Kung nagcheat talaga siya bakit siya umiiyak? Bakit parang siya ang niloko. Pinabantayan ko siya sa isa kong trusted na tauhan. She tried to kill herself daw. Mabuti na lang naroon si Jisoo at Rosé. Her life is a mess after what happened.

Ilang taon din siyang nanatiling wasak hanggang sa pinili niya ulit ayusin ang buhay niya. Ang dahilan? Si Lisa pa rin. So whipped. Doon na ako nagduda. Kung sinasaktan talaga ni Lisa si Jennie hinding-hindi siya mananatili rito. Nagpaimbestiga ako. It turns out na planado pala ng mag-inang monster ang lahat. Bata pa lang daw gusto na ni Sana si Lisa. Hiniling niya sa Mommy Monster niya na ibigay niya si Lisa sa kanya. The F! Hindi gamit ang mahal ng anak ko, I mean hindi gamit si Lisa.

And that damn pictures? Just a preparations for thier school foundation day. Gosh. Hindi ako makapaniwalang nauto ako ng babaeng 'yon. At ngayon, itinatama ko na ang pagkakamaling ginawa ko. Don't worry may basbas na 'to ng family ni Lisa.

Alam ko kung gaano pa rin kamahal ni Jennie si Lisa. Kailangan lang nila ng enough time para mag-heal lalo na si Lisa. At syempre palabas lang na para sa business 'to. Kaya natatawa na lang ako noong sinabi niyang after a year daw at kapag hindi nag-work hahayaan ko na siya sa gusto niya? If I know si Lisa ang tinutukoy niya. Hahaha. Happy birthday, Ruby Jane. Birthday s*x with Lisa. I mean birthday celebration, pls. HAHAHAHA!

(Lakas makabagets ni Mommy a. HAHAHAHA. Sorry. Ang lame. Hahahaha. Uy umabot na ako ng 1K words. HAHAHA!)





Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon