'TIL DEATH

3.2K 51 105
                                    

Jennie's

"Baby, are you alright?"

Hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya o ano.

Ngumiti ako, "You have nothing to worry about, Baby. I'm more than fine."

"I love you." Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan ito.

"Sleep lang ako ha at dapat paggising ko nandito ka pa rin, ikaw pa rin ang una kong makikita. Lalo na at may dumating nang magandang balita para sa atin." Dagdag niya bago tuluyang pumikit.

Pabalik na kami ng Korea at ayaw ko pa siyang pakawalan. Hindi ko pa kaya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang natutulog. Marahan kong dinampian ng halik ang labi niya. Wala na bang ibang paraan?

"Mahal na mahal kita, Lisa." Bulong ko.

Kinuha ko ang phone niya and I took a selfie. I uploaded it on her Instagram account.

"With my Pran. I'm gonna miss you BIG time. I love you 'til death, baby!"

Naghanap din ako ng iba pang retrato namin. Her bright smile, my moonlight.

I just uploaded another picture of us.

"Keep on smiling for me, Baby! I'm watching you, okay? ILY!"

Ibinalik ko sa bag niya ang kaniyang phone at umidlip na rin ako.

•••

Nagising akong umiiyak si Lisa. Yakap-yakap niya ako.

"Nini, I thought you-re gone."

Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Niyakap ko siya pabalik at sinubukang pakalmahin.

"Ssshhh, i'm not going anywhere, okay?"

Sorry, Lili.

"Ma-hal na ma-hal kita, ma-hal na mahal na ma-hal."

Nagsisinok na siya, kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap.

"Calm down, baby. Malapit na tayo sa bahay."

Pagkababa ng eroplano nagpunta na kami sa parking.

"Yah! Limario!" Sigaw ni Jisoo Unnie.

Nakiusap akong dalahin na lang nila ang sasakyan namin ni Lisa. Gusto ko siyang ma-solo ngayon. Amin lang ang gabing ito.

"Yah! Jendeuk! What happened to you? Mukha kang sabog." Sabi ng pulaerang manok.

"Shatap, Unnie!" Umirap ako.

"How's your vacation?" Sabi ni Pasta.

"Ngayon na lang ulit tayo nakompleto." Ngumiti ako.

"So saan tayo? Bar?" Kitang-kita ko ang pagkislap ng mata ni Lisa at Jisoo Unnie. As usual, ano pa bang aasahan ko sa mga lasenggera na 'to.

"Jisoo Turtle Rabbit Kim! Walang mag-iinom. Uuwi na tayo kasi pagod silang pareho. Kailangan nilang magpahinga."

'Yan, lagot kang manok ka. Makakatay ka ngayon.

"But ba-"

Sasagot pa sana si Unnie pero wala na. Whipped Chiken skin. Chour.

"No more buts or I kick you butt." Pagbabanta ni Chaeyoungie.

Gonna miss these dorks.

"Group hug naman tayo." Sabi ko at bigla ko silang niyakap nang sabay-sabay.

"Our soft mandu," Pasta again. Duh.

Pagkatapos niyon ibinigay na rin ni Unnie ay susi ng sasakyan namin.

"Magkita tayo bukas ha, kapag nakapahinga na kayo. Hihintayin ko kayo sa bahay. We love you both." Ngumiti silang dalawa bago tuluyang pumasok sa sasakyan at nagmaneho.

"So where are we going, My Nini?" That damn smile again.

Hindi ako puwedeng umiyak, hindi ngayon, hindi kahit kailan.

"Who's gonna drive?" I asked.

"ME ME ME!" Aisssh. Kiddo.

"Oka-" hinalikan niya ako sa labi nang mabilis.

Hindi man lang ako nakatugon.

"Seatbelt, Madame."

Napangiti ako. Wala talaga siyang palya sa pagpapangiti sa akin.

"Yes Boss!" Sagot ko.

"Kiss ko?"

Awao! Demanding. Pero syempre hahalik din.

I grabbed her nape and kissed her passionately. I'm gonna cherish this moment for us.

"I love you, I love you, I love you," paulit-ulit kong wika sa pagitan ng mga halik.

At hindi ko namamalayang umiiyak na naman ako. Akala ko ha handa na ako?

"Shh. Tahan na. Pagkatapos ng gabing 'to, tayo na ang magiging pinakamasaya." Umagwat siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Mahal na mahal na mahal kita, Jennie Rubyjane Kim-Manoban. Hinding-hindi 'yon magbabago hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko. I'll protect you what ever it takes. I'm willing to give my life for you, anything for you, Jen."

Niyakap ko siya.

"Let's go, it's getting late."

Buong biyahe lang akong nakatitig sa kaniya.

"Baby, stop staring," she smiled.

"Can't help it, Baby,"

"I'm melting,"

"Aish. Fine." I looked away.

"Aigoo." Kahit sa daan nakatingin ay nagawa niyang hawakan ang mga kamay ko. Dinala niya ito sa may labi niya at hinalikan, paulit-ulit.

"Lili,"

"Hmm?" Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.

"May naisip ka na bang pangalan para sa magiging mga anak natin?" Tanong ko na nagpangiti sa kaniya.

"It's up to you, Baby. What do you want?".

"Name her RJ Lilies for me please."

"Aye! Aye! Boss Mrs. Manoban."

Lahat na lang ay itinawag sa akin. Manobal talaga.

"I love you, Mrs. Ki-."

Niyakap niya ako nang sobrang higpit bago tumilapon ang kotseng sinasakyan namin.

"I love you Mrs. Manoban," ngumiti siya sa 'kin sa huling pagkakataon.

Gusto kong kumibo, gusto kong magwala, gusto kong umiyak, gusto kong yakapin siya pabalik ngunit unti-unting dumidilim at lumalabo ang paligid.

God, save her.

THE END.

Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon