Jisoo's
"Lisa! Enough of that. Let's go home."
Lasing na lasing siya. Poor Limario. Nakakatawa di ba? Tanghaling tapat kailangan naming buksan ang bar just for her? Brat! Dumating siya sa bahay ni Rosé, galet na galet ustong manaket. Kidding. Basta dumating siya sa bahay, at oo nandoon ako. Yah, girlfriend here. Gusto niya raw magpakalasing. Ang dahilan? Wala nang iba. Si Jennie. Last time we talk sobrang saya niya. Nag-uumpisa na raw ulit sila ni Jennie. Sinusubukan daw nilang ibalik 'yung dati. Alam naman naming lahat na mahal na mahal pa nila ang isa't isa. At nagulat kami nang bigla na lang niyang sabihing niloloko na naman siya ni Jen, with that asshole Kai. Hindi ako naniniwala. Misunderstanding lang 'yon, ngayon pa bang kasal na sila.
"Home, Unnie? I'm homeless, remember? Wala na akong uuwian."
Tuloy pa rin siya sa pag-inom.
"Yah! Limario! Pag-usapan niyo 'yan." Sabi ng maganda kong girlfriend. Whipped.
"Unnie, she cheated on me. For the fckng second time around."
Jisoo's ko po! She's crying.
Niyakap namin siya.
"Sshhh. Lisa, let her explain okay? Baka mali ang nakita mo, katulad dati."
Opx!
"Anong mali sa nakita ko dati, Unnie?"
I'm dead. Sorry Jendeuk!
"Wala ako sa posisyon para magsalita Lisa."
Tiningnan ko si Rosé. Help me Babe.
"Let's get out of here, I'll tell you the truth." Sabi ni Sana na ikinagulat naming lahat.
Yes! Sana's still here. Noong dumating siya kanina gusto ko siyang bugbugin gamit ang tatlong bucket ng chicken. But when I saw sadness in her eyes, I changed my chiken mind. Hahaha.
Sabi niya nandito lang daw siya para magpaalam nang maayos kay Lisa at para na rin humingi ng tawad sa aming lahat. Like wtf bukod sa pagiging linta niya sa tono ng pananalita niya parang may mabigat pa siyang kasalanan.
Hindi naman niya sinabi, basta lang siya nagpakalasing at nakipagsayaw kay Lisa. At 'yun ang inabutan ni Jennie kanina. But swear walang ginagawang masama si Lisa.
"Kay, let's go upstairs."
Me being the whipped one, I just followed my dreams. I mean Chaeyoung.
Inalalayan ko si Lisa para makatayo. Umakyat kami, remember may dalawang kwarto rito sa bar. Exclusive for us.
"Just want to clear things and to make it right before I leave. First, I'm sorry Lisa." Pain is visible in her eyes and voice.
Tiningnan ko si Lisa. Litong-lito siya, katulad namin.
"Jennie, didn't cheated on you."
How did she know that cheating incident?
"How did you know that, Sana? I don't remember telling you that."
"Lahat planado. Mula noong college tayo hanggang ngayon. I'm sorry."
Hindi pa rin namin siya maintindihan.
"Magalit ka na sa akin Lisa, because that is what I deserve. Niloko kita, sinira ko ang tiwala mo, ginago kita. Call it want you want, nagmahal lang ako. Minahal lang kita. At nilamon ako ng pagmamahal na iyon hanggang sa hindi ko namamalayang naging masamang tao na pala ako. Sinira ko ang kaligayahan mo, ang nag-iisang nagpapasaya sa 'yo. Hinayaan kitang masaktan, umasa akong maghihilom ka habang nasa mo ako, pero mali ako. Maling-mali ako. Mas lalo lang kitang sinira."
Tuloy-tuloy na siya sa pag-iyak habang pilit siyang nagsasalita.
"Hindi kita maintindihan." Sabi ni Lisa.
Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga maintindihan o ayaw niya lang intindihin.
"Noong nahuli mo si Jennie with Hyunbin planado 'yon. To cut this short, inagaw kita kay Jennie. I told to her mom that you're living together. Akala ko magagalit siya, itatakwil niya si Jennie at paghihiwalayin kayo. But i'm wrong. At mali rin kayo na hindi niya alam, dahil alam na alam niya. Siniraan kita sa mommy ni Jen but that's not enough. Hindi siya maniwala, tinulungan na rin ako ng mom ko pero wala pa rin hanggang sa nagpadala ako ng mga pictures na sinasaktan mo si Jennie. I told her that I'll give her proofs, and that's it. Remember our foundation day? May practice kayo no'n for our theater class. I took some pictures and send it to her mom."
"Damn you, Sana!" I can't control myself. Hindi niya alam ang pinagdaanan ng dalawang 'to dahil sa kagagahan niya.
"I know Jisoo, i'm sorry."
Nakatitig lang si Lisa. Hindi siya nagsasalita.
"I'm sorry Lisa. Jennie was the victim. Nagalit ang mom niya. Tinakot siya na may mangyayaring masama sa 'yo kapag hindi ka niya hiniwalayan, at knowing you? Hindi ka basta papayag na basta na lang kayo maghihiwalay. Kaya kinausap niya si Hyunbin para magpanggap. Syempre nagalit si Hyunbin, boyfriend siya ng pinsan mo kaya hindi niya magagawang pagtaksilan ka. But he's also's Jennie's childhood friend. Naawa siya kay Jennie at the same time gusto ka niyang protektahan sa mommy ni Jen. At noong bigla ka na lang nawala? Sinundan kita. Kaya tayo nagkakilala. Hindi coincidence lang ang mga nangyari. Bata pa lang ako gusto na kita, at ipinangako kong makukuha kita. Hanggang sa naging schoolmate tayo pero hindi mo ako napapansin dahil focus ka lang kay Jennie. At doon ko nakilala si Kai. Napansin niyang gusto kita at gusto niya si Jen, mula noon plinano na namin kung paano kayo mapaghihiwalay. Pero na-kick out si Kai because of Jen's mom. Obssessed siya kay Jen. At bago pa kung anong gawing masama ni Kai, ipinadala na siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Ako ang nagtuloy ng plano namin. Hanggang sa isang araw na-realize kong sinasaktan ko lang kayong pareho and worst mahal ko na si Kai."
"Paano mo nagawa sa 'kin 'to? Alam mo kung gaano ako ka-miserable pero pinanuod mo lang akong masaktan? Hinayaan mo lang akong umiyak? Ilang beses akong nagtangkang magpakamatay dahil do'n pero wala kang ginawa? You're not a human, Sana. You ruined my life, my happy life with her."
Hindi kami makapagsalita ni Rosé. Punong-puno ng galit at sakit ang mga salitang binitiwan ni Lisa. Hindi ko siya masisisi. Na-witness namin kung gaano naging miserable ang buhay ni Jen dahil sa nangyari then it turns out na kagagawan ng mga gagong 'to? Sino sila para paglaruan ang buhay nina Lisa?!
"I'm sorry Lisa."
"Fuck your sorry Sana! Get out of here!"
"I'm so sorry, don't worry Lis. Karma is a BLINK. And this is my karma. Ang magmahal at ang hindi mahalin. Please, itama mo lahat ng pagkakamaling ginawa ko, at ilayo mo si Jennie kay Kai. He's crazy. Goodbye, Lisa. I'm sorry."
Tuluyan nang umalis si Sana.
"Un-nie."
Wala kaming ibang nagawa kundi ang yakapin na lang siya.
"Sinaktan ko siya, Unnie. Not knowing that she's already in pain."
"Ssssshhh. Hindi mo alam. Just take a rest. Mag-usap kayo bukas kapag okay ka na ha."
At nakatulog na siya habang umiiyak.
Inihiga namin siya at kinumutan.
"Baby, what will we do?"
Niyakap ko si Rosé. Ako ang nanghihina dahil sa nangyari.
"Everything will be alright. We just need to trust thier love for each other." Sagot niya.
"Pero paano kung huli na?"

BINABASA MO ANG
Like We Used To [COMPLETED]
FanfictionGaano ka kasigurado sa mga bagay na hindi sigurado? Nakahanda ka ba sa posibleng pagkatalo? Sa muling pagkatalo? Hanggang saan ka dadalhin ng pag-ibig at pagkakamali?