Lisa's
Nakabalik na kami from Chaeyoung's birthday at hindi pa rin niya ako kinakausap. Ano bang problema nitong asawa ko?
"Baby," tinawag ko siya.
"What?!"
Ay wow! Palaban ang kuting.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya mula sa likuran.
"I'm sorry, okay? I'll never do that again. Ang cute mo kasi, can't help myself." I told her.
Humarap siya sa akin, "Okay, forgiven." And she kissed me.
Ang swerte ko. Mamatay kayo sa inggit. Lol.
"Baby,"
"Hmm,"
"Tara sa Thailand." Sabi ko.
"Bakit?" Heto na naman po ang pala-tanong na kuting.
"Vacation? Gusto kong sumagap ng sariwang hangin."
"Hindi pa ba sapat ang hangin dito?"
"Baby, please." Pagmamakaawa ko.
Alam ko effective 'to e.
"Okay, okay. Isasama ba natin ang manok at chipmunk?"
At ayan na nga.
"Wag na muna baby. You know, baby making 'yon e." Pagbibiro ko.
At hindi magandang biro. Hinampas niya ako.
"Lisaaaa!"
"Ayaw mo pa ba, Mahal?" I pouted.
Hindi siya agad nakapagsalita.
"Gusto mo na ba?" Tanong niya.
"Oo naman, gusto-gusto ko nang makakita ng mini Lisa at Jennie na nagtatakbuhan dito."
"Okay, if that's what you want."
This damn smile again. Hindi ako makapaniwalang paulit-ulit akong nahuhulog sa kaniya.
"Plano ko munang magpahinga sa trabaho. Si Jisoo at Rosé na muna ang bahala sa company habang wala tayo."
"And how about the café?" Tanong niya.
"Nariyan naman si Nayeon Unnie."
"Mahal na mahal kita, Lisa. 'Wag mong kalilimutan 'yon."
Sobrang random.
"Iiwan mo na naman ba ako?"
Ito na naman ang biglaang pagkirot. Baka tuluyan na talaga akong mamatay.
"Sira! Syempre hindi, bakit naman kita iiwan?" Nakakunot niyang tugon.
"Malay ko ba kung nakahanap ka na pala ng iba."
Sinalat niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako. Tumungo ako.
"Look at me, baby."
Umiling ako.
"Please." Dagdag niya.
Wala naman akong magagawa. Sino ba ako para tumanggi?
Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang nananatiling nakahawak sa magkabila kong pisngi.
"Pran, mahal na mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan, hindi na tayo maghihiwalay. Bubuo tayo ng malaking pamilya at magiging masaya tayo. Ikaw, ako at ang magiging mga anak natin. Wala kang dapat ipag-alala." Then she kissed me on my forehead. Ang rupok ko.
BINABASA MO ANG
Like We Used To [COMPLETED]
FanfictionGaano ka kasigurado sa mga bagay na hindi sigurado? Nakahanda ka ba sa posibleng pagkatalo? Sa muling pagkatalo? Hanggang saan ka dadalhin ng pag-ibig at pagkakamali?