Not My Café

1.9K 46 0
                                        

Jennie's

Ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Bahagya akong umagwat para mas makita ang mukha niya. Napangiti ako.

"Ito na ba 'yung second chance na hinihiling ko?" Bulong ko.

These past few days masyado siyang sweet sa 'kin, baka masanay ako. At heto na naman ang masidhing pagkirot. Parang may nagmamartilyo sa loob ng dibdib ko. Walang tigil sa pagpukpok.

Marahan kong hinawakan mukha niya. Alalay upang hindi siya magising.

"Mahal na mahal kita."

Hinalikan ko siya sa noon.

"Hmmm."

Mabilis niya akong kinabig.

"Baby, ang aga pa. Matulog muna tayo please. Dito ka muna."

Fudge! Her deep voice again. I can't.

Tinugon ko ang yakap.

"Okay, okay. Pero wala ka bang pasok?"

"Saturday. Lili and Nini time."

Hindi ako kinikilig. Walang bakas ng pagkakilig. Wala akong nararamdaman.

"Do you have any plans for today, baby?"

At tinawag ko na rin siyang baby. Why not?

"Sshh. Let's sleep."

Antok na antok talaga siya.

Teka!

"Ouch! What's that for, baby?!"

Napalakas yata ang hampas ko.

Napabitaw siya sa yakap.

"Nasaan ang ice cream ko?!"

Salubong ang kilay ko.

"God! Jen, seriously?! Para sa ice cream?"

Aba! Pumapalag na.

"Nagkantutulog na ako kahihintay sa 'yo, Manoban!"

Bigla sing ngumuso.

Hindi mo ako makukuha sa ganiyan.

"I'm sorry baby, si Dad kasi. Nilipat na talaga sa akin ang paghahandle ng company."

Ah. 'Yon naman pala. Kala ko'y nakipagkita na kay Sana.

"Tingin mo baby kaya ko na?"

At nagdududa pa siya sa lagay na 'yon?

Alam ko bata pa si Lisa para maghandle ng company pero sobrang talino niya at madiskarte. Wala naman siyang hindi kaya.

"Oo naman, baby! If you need help i'm just here."

"Thank you, wifeu!"

Shet! HIN-DI A-KO KI-NI-KI-LIG!

Hinalikan niya ako.

"Ahm. Pran,"

Natigilan siya. Alam niyang seryoso ako everytime na tawagin ko siyang Pran.

"Ano 'yon, Nini?"

"Remember my Café?"

"Yes?"

"Gusto ko sanang mag-full time."

"You mean ikaw ang gagawa ng kape?"

Nanunukat ang tingin niya.

Like We Used To [COMPLETED]Where stories live. Discover now