Desperate Moves

1.7K 50 8
                                    

Jisoo's

Ngayon na ang flight nila papuntang Thailand at maiiwan ako rito. After that night hindi na matahimik si Rosé. Nakita niya raw talaga si Jen at alam kong nagsasabi ng totoo ang asawa ko. Lalo kaming nagduda noong nakita namin ang sandamakmak na hickeys sa leeg ni Lisa. Sigurado kaming wala siyang kasamang babae sa bar. At mas lalong wala sa café. Sobrang lasing si Lisa to the point na hindi na siya makakalakad pa para makapambabae, at hindi rin naman niya kayang mambabae. Minsan na rin niyang nai-kwento na every 23rd of the month palagi niyang napapanaginipan si Jen. Kasama niya, katabing matulog, kayakap. Pakiramdam niya raw totoong-totoo, hindi niya lang talaga makumpirma dahil lasing na lasing siya at baka dulot lang ng sobrang pangungulila niya kay Jen. Kaya nakaisip kami ng paraan para matapos na 'to, panandalian namin siyang inilayo rito para makakilos kami nang maayos.

Saan ba posibleng magpunta si Jen? After niyang mawala halos mabaliw si Lisa. Hindi ko siya masisi, ganoon din si Jen noon. Tinanong ko sina Tita kung nasaan si Jen at katulad namin hindi rin daw nila alam. Hanggang ngayon hindi pa rin nila alam. Nagtatampo ako sa ginawa niya, bestfriend niya ako e. Dapat kahit sa 'kin man lang nagsabi siya. But knowing Jen, alam kong may dahilan siya kung bakit basta na lang siya nawala. Three years. Three long years nang miserable si Lisa. Hindi alam kung may babalik o wala. Gusto naming malaman kung may hinihintay pa ba si Lisa o wala na. Gusto naming malaman kung ano ba talagang nangyari. Paano natiis ni Jen na hindi kami makita o makausap man lang, lalo na si Lisa. They were fckng married!

Medyo umaambon pero nandito ako sa loob ng sasakyan ko, sa may gilid ng café nila. Nag-aabang ng posibleng pagdating ni Jen.  Sa loob ng tatlong taon dito na umuuwi si Lisa. At sa hindi maipagkakailang rason, si Jennie ang dahilan ng pamamalagi niya rito. Alam namin na may secret room sila rito at wala kaming karapatan para lumagpas hanggang do'n. Minsan gustong-gusto ko nang pasukin ang kwarto na 'yon para malaman ko kung ano nga bang meron do'n kaso baka mapatay ako ni Lisa. HAHAHA. Kawawa naman ang mag-ina ko.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at buong pasensya akong naghintay. Kung hindi kami nagkakamali sa kalkulasyon dumaraan dito si Jen kapag sarado na ang café. Siguradong hindi siya papasok sa loob kasi makikilala agad siya ni Nayeon. Maliban na lang kung si JY ang nasa loob ngayon.

"Baby, nandito na ako." I texted my wifeu.

"Text you later, baby. Airport na kami. Ingat ka, please. I love you!" She replied.

Awe. My super sweet church girl. Haha.

"I love you more baby, ingat ka rin ha. 'Wag mong hahayaang mawala sa paningin mo si Lisa. Kisseu! Kisseu!"

Medyo nakakainip din palang maghintay. Almost two hours na ako rito at hindi pa rin nagsasara ang café.

Panandalian akong sumandal.

At hindi ko namalayang napa-idlip na pala ako. Halos nanlalabo pa ang mga mata ko. Marahan ko itong kinusot at—

Biglang may babaeng naka-hood na dumaan sa harapan ng sasakyan ko.

Jen?!

Fck!

Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at hinabol ko siya.

"Jendukeu!" Sigaw ko.

Biglang napatigil sa paglalakad ang babae.

Mga dalawang metro ang layo niya sa akin.

"Jen, alam kong ikaw 'yan, please kausapin mo kami. Kausapin mo ako, kahit ako lang."

Nanatili siyang nakatayo, hindi kumikibo.

Humakbang siya.

"Jen, please."

"Un-nie." Halos hindi ko na marinig sa hina ng boses niya.

Sigurado na ako, si Jen nga 'to.

"Unnie, 'wag kang lalapit. Diyan ka lang, pakiusap."

Katal ang boses niya at nauutal.

"Jen, kung ano mang pinagdaraanan mo pag-usapan natin 'to."

Hindi ko na hahayaang makawala pa siya sa paningin ko. Dahan-dahan akong lumapit.

"Unnie!" Sigaw niya.

"Wag kang lalapit!" Dagdag niya.

Ramdam ko ang takot sa pagsasalita niya. Mas lalo lang akong naguluhan. Umiiyak na siya.

"Hayaan mo na ako, Unnie. Please tell her that i'm not coming back. Hindi ko na siya mahal at hindi ko na siya kayang mahalin pa. Masaya na akong wala siya. Matagal ko na siyang pinalaya."

Hindi ka magaling sa pagsisinungaling Jendukeu. Hindi mo ako maloloko. Hindi mo maloloko ang sarili mo.

"How about those hugs and kisses that you gave to her every 23rd?"

Nagulat siya. Checkmate!

"Hin-di ko alam ang sinasabi mo, Unnie."

Paninindigan mo pa rin na hindi mo alam? Jen, paano ka dumating sa puntong ganiyan? Ano bang nangyari?

"Stop lying, Jennie Ruby Jane Kim Manoban!"

Taas-baba ang balikat niya, senyales na umiiyak nga siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging maayos din ang lahat basta bumalik lang siya.

Muli akong nagtangka nang paglapit pero nabigo ako. Habang humakbang akong papalapit, humahakbang siyang papalayo.

"I'm sorry, Unnie. I'm sorry for everything. Sinubukan kong ayusin ang lahat pero wala na akong nagawa. Sinubukan kong lumaban, maniwala ka." Tuloy-tuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Come back home, Jen. Lisa's waiting." Nginitian ko siya kahit hindi niya nakikita.

"I don't deserve her, Unnie. Masyado na akong marumi para bumalik pa sa kaniya. Masyado ko na siyang nasaktan. Durog na durog na siya."

Damn you, Jennie!

"Fck your reasons, Jennie! At palagay mo ba hindi siya nasasaktan sa ginagawa mo? Naiisip na niyang baka baliw na siya kasi parang totoo na nakikita ka nga niya. Halos gusto niya na lang matulog palagi para makasama ka niya, para mayakap, para mahalikan. Itigil mo na ang pananakit sa kaniya. Pagod na pagod na siya. Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Ganiyan ka na ba katigas? Ha, Jen?" Sumisigaw na ako. Hindi ko na rin napigilan ang nararamdaman ko. Umiiyak na rin ako. Hindi ko na alam kung paano siya mapapabalik.

"I'm sorry." Tugon niya.

"Yan lang ba ang kaya mong sabihin pagkatapos ng tatlong taon?! Bumalik ka na! Kahit kausapin mo lang si Lisa. Kahit bigyan mo lang siya ng closure kung wala na talaga. Bigyan mo siya ng katahimikan, Jen. Kung alam mo lang kung gaano siya nadudurog sa tuwing mababanggit ang pangalan mo, sa tuwing makikita niya ang retrato mo, sa tuwing maaalala ka niya! For God sake, Jennie. Have mercy on her. She's in pain. Matagal na siyang namamalagi sa kadiliman, naghihintay na sagipin mo."

Nanatili pa rin siyang nakatayo.

"I'm so sorry, Unnie. Please don't tell her that you saw me."

Sobrang tigas mo, Jen. Malayong-malayo ka na sa Jendukeu na kilala ko.

Nagsimula na siyang humakbang, nangangahulugan nang muli niyang pagtalikod sa amin, pagtalikod kay Lisa. Sa taong pinangakuan niya nang walang hanggan. Sa taong naghihintay sa pagbabalik niya. Sa taong dinurog niya.

Alam mo na ang pakiramdam nang maiwan pero bakit hinayaan mong maranasan niya rin iyon? Manhid ka na ba talaga?

"Goodbye, Unnie. Take care. I'm really sorry."

Desperada na ako at hindi ko hahayaang umalis pa siya.

"She's dying."

Napatigil siya sa paghakbang.

(Just that. Haha. Palagay niyo anong mangyayari? HAHA. Salamat sa pananatili. ILY.)




Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon