Caught?

1.7K 50 3
                                    

Jennie's

"She's dying."

Hindi ako makakilos. Dying? Alam ba ni Jisoo Unnie ang ibig sabihin ng dying? Hindi siya manok na basta na lang mamamatay.

"What happened to you, Jendeuk?!"

Pinilit kong ayusin, maniwala kayo. Lumaban ako.

"Unnie, please."

Gusto ko nang makalayo rito.

"Jennie, please. Magpakita ka lang sa kaniya. Explain your side. Misunderstanding lang ang nangyari. 'Yung nakita mo noong gabing 'yon, wala lang 'yon. Trust me. Nagpapaalam lang si Sana kasi aalis na siya. Alam mo kung gaano ko kaayaw sa linta na 'yon. Pero nakita ko kung gaano siya ka-sincere. At umamin na rin siya sa mga kasalnan niya. Alam na rin ni Lisa ang tungkol sa nangyari dati. Alam na niya lahat. Wala ka nang dapat pang ipangamba. Hinihintay na lang niya ang pagbabalik mo."

Hindi pa niya alam ang lahat, Unnie. Wala siyang alam.

"Don't tell her that you saw me, Unnie."

Matagal kong isinisi sa iba ang nangyari sa 'kin, kasalanan ko naman pala. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos, kung hinayaan ko sanang magpaliwanag muna si Lisa, hindi sana nangyari sa 'min 'to. Serves you right, Jennie. Masyado ka kasing matigas. Puro ka selos. Puro ka pagdududa.

"Jennie..."

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa. Marupok ako, at baka sa susunod niyang sasabihin ay sumama na talaga akong pabalik.

Mabilis akong nakalayo sa kaniya habang umiiyak. Pinalis ko ang mga luhang ako rin ang may kagagawan.

Ginusto mo 'to, Jennie.

Mabuti at hindi niya na rin ako sinundan. Hindi rin naman kalayuan sa café ang tinitirahan ko. Nagi-guilty na ako. Gustong-gusto ko nang magpakita sa kaniya. Pati sa family ko. Three years Jen, paano mo nakaya 'yon? Manhid na yata talaga ako.

Pagkarating sa dorm, doon pa lang ako nakaiyak. Three years ago, at nandito pa rin ang sakit.

After that night wala na akong maaalala maliban sa pinagsamantalahan ako ni Kai. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot akong magsumbong. Natatakot akong malamam ni Lisa. Natatakot akong baka walang maniwala, na baka husgahan nila ako. Napuno ako ng takot at pag-aalala. Gustuhin ko mang bumalik, hindi na maaari. Wala na akong mukhang maihaharap kay Lisa. Iningatan ko ang sarili ko para sa kaniya pero sa isang iglap, puwersahan itong kinuha sa akin. Hayop ka talaga Kai.

Makalipas ang isang buwan wala akong ibang ginawa kundi ang bantayan si Lisa. Masaya na akong nakikita siya mula sa malayo. Naghanap ako ng matutuluyan na hindi kalayuan sa café. Para kahit papaano hindi ako mahihirapang makita siya kaagad. Nakita ko kung paano siya nawasak, kung paano ko sinira ang buhay niya, kung gaano siya ka-miserable at wala akong ginawa. Pinanuod ko lang ang pagkawasak niya. Mas lalo lang akong nawalan ng dahilan para bumalik.

Every 23rd of the month magdamag lang siya sa bar. Uuwi kahit lasing na lasing na. Mabuti at hindi siya naaaksidente. Palagi lang akong nakaabang dito sa may gilid. Hinihintay kong makauwi siya at makapagpahinga nang maayos. At wala pa naman araw na nakita ko siyang nagsama ng ibang babae.

Tiningnan ko ang retratong nakapatong sa ibabaw ng table ko. Umiiyak na naman ako. Hanggang kailan ko ba 'to gagawin? Bakit ba ako humantong sa ganito.

Flashback

December 23rd, 11:30 PM, sarado na ang café at hinihintay ko na lang na dumating siya. Naka-hood ako at naka-mask. Malimit ganito ang suot ko. Hindi puwedeng may makakakilala sa akin, lalo na si Lisa. Naupo ako sa madilim na bahagi ng mga upuan sa labas ng café. Hindi ko namalayang napaidlip na rin ako.

Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon