Last Dance?

1.9K 50 28
                                    

Lisa's

Nitong mga nakaraang araw napapansin kong masyadong clingy si Jen. Parang halos ayaw na niyang humiwalay. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya pero parang may hindi siya sinasabi sa akin. Minsan natutulala rin siya, kapag kinakausap ko bigla na lang mawawala. At madalas ding may kausap sa cellphone. Siguro masyado lang akong nag-iisip. Alam kong hindi siya gagawa ng mga bagay na ikasasakit ko.

"Lisa!"

At ako pala ang lutang.

"Yes, Baby?" Ngumiti ako sa kaniya. Huling gabi na namin dito sa Thailand. Bukas ng uuwi na kami. Balak ko muna sana siyang i-date. Hihi.

"P'wede bang sumama ka muna kina Mama? Kailangan daw kasi nila ng katulong sa pagbibitbit ng mga groceries nila."

"Baby, mukha ba akong taga bitbit?" Ngumuso ako. Last night na namin tapos pasasamahin pa niya ako kina Mama?

"Lis, last night mo na rito. Ayaw mo ba silang makasama?" Baka alibi niya lang 'yan ha.

"Gusto, pero-" hinalikan niya ako.

Oh, syempre talo na kaagad ako no'n.

"I love you," ngumiti siya.

Oh, talong-talo na talaga ako. Syempre mapapasunod na niya ako.

"Aish! Okay. Pero 'wag kang aalis ha? Dito ka lang. Baka may tagpuin ka pang iba."

Naninigurado lang. Tumawa siya.

"At sino namang tatagpuin ko rito? Nagpapatawa ka ba?"

"Mahirap na, baka masalisihan ako. Ganda pa naman ng asawa ko." Kinindatan ko siya.

"Hala sige, lumayas ka na. Puro ka kalandian."

Hahahaha. Ang cute, susko. Sarap ibulsa.

"I love you too, Mahal. Mabilis lang kami."

Sumama na ako kina Dad para maging dakilang alalay.

Pagkarating sa mall halos wala naman kaming binili. Nagtingin-tingin lang kami at nagtitigan.

"Lis, wala ka bang balak pakasalan si Jen?" Tanong ni Mama.

"Pero kasal na kami, Ma." Sagot ko.

"Alam mo bang mahal na mahal ka niya?" Pati mama ko wirdo na rin.

"Oo naman po, alam na alam ko at ramdam na ramdam ko."

Ramdam ko naman talaga. At sobrang swerte ko sa kaniya.

"Wag mo siyang sasaktan ha? Palagi mo siyang pasasayahin."

Teka nga lang, sino bang anak nito? Ako o si Nini?

"Masaya akong bumalik ka na sa dating ikaw, Lisa." Wika ni Daddy.

Napadaan kami sa Jewelry Store. At nakuha ng isang kwintas ang atensyon ko. Parang bagay 'yon sa leeg ni Jennie. Isang kwintas na may pendant na buwan.

"Ma, teka. May titingnan lang ako."

"Go ahead, Lisa. Tapos bahala ka na ring umuwi ha? May pupuntahan lang kami." Hinalikan nila ako sa pisngi at nagpaalam na rin sila.

Weird.

Lumapit ako sa bilihan at hindi ako makapapayag na hindi ko 'to maibibigay kay Jennie. Bihira ang ganitong kwintas na buwan. Ang tagal ko nang naghahanap nito.

"Miss,"

Kaagad lumapit ang babae.

"Yes ma'am?" Ngiting-ngiti siya sa akin.

Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon