Wake Up!

1.7K 51 11
                                    

Jennie's

"Hindi pa rin ba siya nagigising?" Malungkot na tanong ni Jisoo Unnie.

Narito pa rin kami sa hospital. Isang linggo na kami rito mula noong mag-collapse si Lisa. Hindi ko na dapat sinabi pa. Kasalanan ko 'to. Puro sakit na lang ang idinudulot ko sa kaniya.

"Hindi pa, ang sabi ng doctor masuwerte pa raw tayo at nadala siya nang mas maaga. Kung nagkataong natagalan baka raw— baka raw wala na si-ya."

Baka hindi ko kayanin, hindi ko kakayanin.

"Magtiwala lang tayo, Jennie. Fighter si Lisa. Kaya niya 'yan. Kakayanin natin 'to." Hinawakan niya ako sa balikat.

"Paano kung," napatigil ako.

"Paano kung hindi niya kayanin, Unnie?" pagpapatuloy ko.

"Kakayanin niya. Wala pa rin bang nahahanap na donor?"

"Wala pa rin daw."

Ginawa na namin ang lahat pero wala pa rin kaming mahanap na donor. Nauubusan na kami ng oras. Kung sana naniwala akong may sakit siya hindi sana nangyari 'to.

"Magpahinga ka muna, ako na muna ang bahalang magbantay sa kaniya. Tatawagan kita kaagad kapag nagising na siya."

Umiling ako, "Hindi puwede Unnie. Gusto ko kapag nagising siya nandito ako sa tabi niya. Gusto ko ako ang una niyang makikita."

"Pero wala ka pang maayos na tulog, wala ka pang pahinga." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Hindi naman ako napapagod, Unnie. Hindi ako mapapagod para sa kaniya." Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Lisa. Ang ganda-ganda pa rin niya.

"Wake up, My Lili."

"Lalabas lang ako ha, dadalhan kitang ice cream." Ngumiti siya.

"Thank you, Unnie."

Lumabas na siya at naiwan kaming dalawa ni Lisa. Hinalikan ko ang likod ng kamay niya.

"Gumising ka na Mahal, umuwi na tayo."

Walang sagot, palaging walang sagot.

Hanggang ngayon hindi pa alam ng parents ni Lisa na nandito siya sa hospital, nag-aagaw buhay. Gusto ko nang ipaalam sa kanila pero hindi pumayag si Rosé. Nagbilin daw si Lisa na kapag bigla siyang inatake 'wag na 'wag ipaaalam sa kanila. Na sa palagay ko'y hindi patas.

Panandalian akong umub-ob.

Narinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa makina.

Flat line? Fck!

Hindi 'to puwede!

"Lisaaaaa! Lisaaaaa!" Sumisigaw na ako, umiiyak. Nagsidatingan ang mga doctor.

"Sa labas po muna kayo, Miss Kim."

"Mrs. Manoban, Doc."

Hindi ko alam kung bakit sa puntong ganito ay nagawa ko pang itama ang doktor.

Kahit labag sa loob, lumabas ako. Dumating si Jisoo Unnie. At hindi ko na napigilan pa. Yumapos ako sa kaniya at tuluyan nang humagulhol. Paano kung—?

"Wag kang mag-isip nang kung ano-ano." Hinaplos niya ang likuran ko.

Sumilip kami sa bubog habang inilalaban ng doktor ang buhay ni Lisa. God, kayo na po ang bahala.

Palagay ko tumigil ang pagtakbo ng oras. Tumingin sa kaniyang orasan ang doktor at bigla itong nag-deklara, "Time of death: 10:00PM."

"Noooo. Lisaaaa! Lisaaaa!"

"Jennie, wake up!" Narinig ko ang boses ni Jisoo Unnie habang tinatapik niya ang balikat ko.

Naalimpungatan ako. Napaidlip na pala ako sa sobrang pagod. Kaagad kong tiningnan si Lisa, "Thanks God."

"Bakit ka umiiyak, Jendeuk?" Hinawakan ko ang mga mata ko, basa.

Bigla ko siyang niyakap.

"Masamang panaginip, Unnie."

"Ssshhh. She'll wake up soon. Don't worry."

(Short update guys. Sorry. Sobrang busy lang talaga. Isinisingit ko lang 'to. Subukan kong magsulat ulit bago matulog. ILY!)


Like We Used To [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon