Lisa's
"Pero hindi ko kayang manatili."
Sa ikat'long pagkakataon, muling gumuho ang mundo ko.
"Jen, please."
"Wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin." Ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko.
"Sshh. Hindi ako hihingi ng sobra-sobra sa kaya mong ibigay, pero pakiusap manatili ka. Kahit tatlong buwan lang, Jen. Pagkatapos no'n malaya ka na. Wala ka nang maririnig sa 'kin na kahit ano. Tatlong buwan lang, Jen."
Bumitaw siya sa pagkakayakap.
"I need to go, Lisa."
"Please, Jen. Don't leave me."
Handa na akong lumuhod, magmakaawa 'wag niya lang akong iwan.
"Don't!" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Jen, hindi ko kaya."
Umiiyak na ako. At kumikirot na rin ang dibdib ko.
"Wag na wag kang magpapakababa nang ganiyan para lang sa akin Lisa. Hindi ako karapat-dapat sa 'yo."
"Ano bang problema, Jen?! Hindi mo na ba ako mahal, ha?!" Napataas na ang boses ko.
"Mahal na mahal kita, Lisa."
"Mahal?! Tanginang pagmamahal 'yan, Jennie! Mahal pero hindi mo kayang manatili? Hindi mo ako kayang piliin? Anong klaseng pagmamahal 'yan, Jennie!"
Aktong hahawakan niya ang kamay ko pero iniiwas ko ito.
"Wag na 'wag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa 'yo, Lisa!" Gumanti siya ng sigaw.
Anong karapatan niyang sabihing 'wag na 'wag kong pagduduhan ang pagmamahal niya?
"Hindi na kita kilala, malayong-malayo ka na sa Jennie na minahal ko. Anong nangyari sa 'yo?"
Punong-puno ng sakit ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko na siya kilala.
"Sobrang tigas mo, Jennie. Sobrang tigas mo."
Hanggang dito na lang ang kaya ko, sinusukuan na kita. Sumusuko na ako.
"Gusto mo nang kalayaan? Sige. Dalahin mo na lang dito ang divorce paper natin at pipirmahan ko kaagad."
Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko.
"Li-sa..."
Katal ang boses niya.
"This is not what I want." Dagdag niya.
"E ano?! Pupuntahan mo ako rito kapag lasing na lasing ako?! Para wala akong maalala pagkagising ko? O magse-sex tayo habang natutulog ako?! O mas tamang sabihing pinagsasamantalahan mo ako habang natutulog ako?!"
Hindi ko inasahan ang biglaang pagdapo ng palad niya sa mukha ko. Nagkamali ako. Sumobra ako.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, Lisa! Hindi mo alam!" Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha niya at walang akong magawa.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit na araw-araw kailangan kong magtago, kailangang sa malayo lang kita tanawin. Hindi mo alam kung gaano kahirap na gustong-gusto kitang yakapin, halikan, pero hindi ko magawa. Gustong-gusto kong ikaw ang una at huling makikita ko sa pagmulat at pagpikit ng mga maya ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa 'kin na makita kang nadudurog. Hindi mo alam kung gaano ko pinaglalabanan ang araw-araw na pangungulila sa 'yo. Hindi mo alam kung ilang beses kong pinagtangkaang bumalik. Hindi mo alam na kailangan kitang abangan gabi-gabi dahil mababaliw ako kapag hindi kita nakita kahit saglit. Mababaliw ako, Lisa. Baliw na ako. Gusto kitang angkinin pero hindi ko magawa. At sa tuwing malalasing ka doon lang ako may pagkakataong yakapin ka, halikan, ibulong sa mga tainga mong mahal na mahal kita. Kapag tulog ka doon lang ako may pagkakataong makasama ka. At kada gigising ako para muli kang iwan, sobrang sakit. Ang sakit-sakit, Lisa. Isang beses lang sa isang buwan kita p'wedeng makasama, at kapag tulog ka pa. Pagod na pagod na rin ako. Pagod na pagod na akong makita kang nasasaktan. Pagod na pagod na akong mahalin ka mula sa malayo. Pero hindi naman napapagod ang mga nagmamahal, di ba? Hindi sila sumusuko. At araw-araw akong lumalaban para sa 'yo, Lisa. Hanggang dito lang ang kaya ko, ang mahalin ka nang patago at mula sa malayo. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Wala kang alam, Lisa. Wala lang alam."
Hindi ako makapagsalita. Hinayaan niya lang ang paglaglag ng kanyang mga luha. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing bumalik na kami sa dati, pero paano? Wasak na wasak na kaming pareho. Lunod na lunod na kami at hindi na namin kayang isalba ang isa't isa. Hindi ko kayang mawala siya katulad ng hindi ko na kayang angkinin pa siya. Pareho na kaming duguan at sugatan. Hindi na namin magagamot ang sugat na dulot ng digmaan. Wala na sigurong ibang sagot kundi ang tuluyang paglimot.
Masakit. Tatlong taon akong lumaban, tatlong taon akong nakipagdigma at sa dulo pareho lang pala kaming matatalo.
Rinig na rinig ko ang mga paghikbi niya na mas lalong nagdudulot ng masidhing kirot sa dibdib ko. Mamatay na rin naman ako, iisipin kong ayos lang 'to.
"Mahal na mahal kita, Lisa. Hindi ako mapapagod na mahalin ka mula sa malayo at kahit hindi mo ako nakikita. Ito na ang huling beses na makikita mo ako lasing ka man o hindi."
Sana hinayaan ko na lang siya. Sana ipinagpatuloy ko na lang ang pagkukunwaring hindi ko pa alam ang totoo. Umasa kasi akong babalik siya. Pero wala, mas pinalala ko lang ang sitwasyon. Umaga na, kaunting minuto na lang ang magigising na ang buong siyudad. Mawawala na rin siya. Muli na naman niya akong iiwan at isa lang ang sigurado, hindi ko na siya makikita. Hindi ko na siya mahahawakan, hindi ko na siya mayayakap. Huling pagkakataon ko na 'to.
"Mamamatay na ako, Jennie."
"Lisa, please. Ginamit na rin 'yan ni Jisoo Unnie."
At hindi pa rin siya naniniwala.
"Hindi mo ba ako kayang pagbigyan ng tatlong buwan?"
"Lisa, 'wag mong gawing biro ang buhay ng tao." Bakas ang galit sa mukha niya. Galit ba o sakit?
"Iiyak ka ba kapag namatay ako? Dadalawin mo ba ako? 'Yung mga lumang retrato ko sana, gusto kong nando'n, 'yung retrato ko noong kasal natin. 'Yun kasi ang araw na pinakamasaya ako. Itong singsing ko 'wag na 'wag mo 'tong huhubarin sa 'kin kahit wala na ako ha. Gusto ko pag-akyat ko sa langit suot-suot ko pa rin 'to. Ikaw ito e, tayo 'to. Hihintayin kita ro'n kahit gaano katagal. Malay mo, doon puwede na tayo."
Ngumiti ako nang mapakla.
"Wag kang iiyak sa harap ng kabaong ko ha? Hindi ko na mapapahiran pa ang mga luha mo."
"ENOUGH, Lisa!" Humahagulhol na siya.
"I can't be with you..." Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Yayakapin ko sana siya ...
"I was raped."
Sumikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. Unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa dumilim na ito nang dumilim.
"Lisaaaaa! Lisaaaaaa!"
THE END
(At katulad ng tadhana, mapagbiro lang din ako. Hahahaha!)
BINABASA MO ANG
Like We Used To [COMPLETED]
FanfictionGaano ka kasigurado sa mga bagay na hindi sigurado? Nakahanda ka ba sa posibleng pagkatalo? Sa muling pagkatalo? Hanggang saan ka dadalhin ng pag-ibig at pagkakamali?