Chapter 3

10.7K 436 37
                                    

Sophia

"Sophia!!"

Agad akong napahinto sa pag lalakad ng may tumawag sa pangalan ko.
Nag mamadaling lumapit sa akin si Sheena.

Sheena is my best friend...
Kinder pa lang kame ay mag kasanggang dikit na kameng dalawa until now we're both college, ay di parin kame magkahiwalay.

Well mag best friend din ang mga magulang namin kaya di na ako mag tataka kung hahawakan dn namin ang titulo ng mga Mommies namin.

"So-sophia... Sa-sanda-sandali.... Wooh!!" Habol hininga pa nito.

"Bakit ba parang hinahabol ka ng sampung toro kung maka takbo?"

Huminga muna ito ng malalim at tumayo na ng matuwid.

"My good news ako sayo."

"At ano?" Napa irap naman ako sa narinig ko.

Kasi kung di ito sa mga bagong transferee eg malamang naka kita na naman ng bagong gwapo na jojowain, at idadamay pa ako sa kalokohan niya.

May pag ka flavor of the week kasi ang bruhang to. Yan ang hobby niya!

"Sandali!! Huy san ka pupunta?"

Habol nito sakin ng sinimulan ko muli ang pag lalakad ko, 5 minutes na lang kasi mag wa-warning bell na.

"Sheena... Kung ano man yan, wag mo ng itul-"

"Talaga?? Kahit sabihin kong si Arabella ang pag uusapan natin?"

Napahinto naman ako sa pag lakad at agad agad napalingon kay Sheena ng marinig ko ang pangalan ni Arabella.

Ngumiti pa ng nakakaloko ang gaga.

"Sabi na eh..... Kapag si crush ang pinag uusapan ang lakas ng pandinig m--"

"Anong tungkol sakanya?!" Pag puputol ko dito.

"She's here...."

"How did you know?"

"Well I've seen them yesterday--"

"Them?"

"Yup!! Arabella, at ang karibal mo. I've seen them sa isang restaurant kahapon.... Dating?!"

Kung kanina gumanda ang mood ko ng marinig ko ang pangalan ni Arabella. Ngayon naman parang biglang uminit ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi niyang they are Dating?!!! Fuck!

"Someone's grumpy?? That fast?"

"Shut the fuck up!"

"Wooww Sophia your language watch out--"

"Kaya wag mo ng gatungan!"

"Alam mo best, bakit kasi di ka na lang mag hanap ng iba? At tanggapin na di ka niya talaga papatulan, Alam mo mag 17 years na tayong mag best friend at 17 years mo na din siguro pinag papantasyahan ang modelong yan. Best?! Babae si Arabella, at ganun ka din.... Nung una diko lang pina pansin yan mga kalokohan mo. Pero habang tumatagal lalo kang lumalala pag dating kay Arabell--"

"I don't care kung ano ang iisipin mo. All I want is Arabella! Siya lang! At kilala mo ako best, lahat ng gusto ko!! Makukuha ko."

"You really insane kapag si Arabella na ang pinag uusapan. Eh ang tanong? Nasabi mo na ba sakanya ang secret admiration mo towards her?"

"No."

"See? Tapos ang lakas ng loob mong maka sabi na all I want is Arabella?! Tapos di man lang pala alam ng tao yan kahibangan mo?!"

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now