Chapter 20

9K 435 69
                                    

Arabella

"What do you think your doing Arabella?!" Naiinis na tanong ni Althea habang kinakalampag niya ang pintuan ng banyo mula sa labas.

"Lalabas lang ako kapag dumating na sila Mama."

"Lumabas ka jan Arabella, sinasabi ko sayo nauubos na pasensiya ko sayo, Lumabas ka jan!"

I freely rolled my eyes, this is the first time na magagawa ko to without Althea in front on me. She's really like Dad, Napaka strikta niya talaga....

"Excuse me Ma'am Althea,"

Dinig ko sa labas kaya lumapit ako para ilagay ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ko ang pag uusap nila. "Pinatapatawag na po kayo ni Gov. Dumating na daw po ang mga magulang niyo."

"Ok, tell him papunta na kame."

Narinig ko na lang ang yabag ng kausap ni Althea na paalis na. Napangiwi naman ako ng biglang kinalampag muli ni Althea ang pintuan, sumakit tuloy tainga ko.

"Alam kong nakikinig ka, kaya lumabas kana jan."

"Lalabas lang ako kapag anjan na si Mama Ofelia--"

"Anjan si Mommy Sandra. Kaya kung ako sayo lumabas kana jan kung ayaw mo siya ang pupunta dito at kaladkarin ka palabas."

Andito na si Mommy Sandra???

Agad ko naman binuksan ang pinto dahil sa narinig ko. Sinalubong ako ni Althea ng isang masamang tingin habang naka sandig ito sa gilid ng pintuan.

"Happy?? Anjan na nanay mo kaya halika na."

"Hoy! Kung maka Nanay ka naman, Nanay mo parin naman un."

"Whatever."sabay talikod nito sakin.

"Whatever-rin mo mukha mo! Baka nakakalimutan mo Althea, panganay ako--"

"Then act one." Ganting sagot nito at una ng bumalik sa loob.

Tsk.... Ang sama talaga ng ugali nito kahit kelan... Napaka sungit!!

Bumalik ulit ako sa loob ng comfort room at inayos muli sarili ko at sumunod na din dito. Kung nag tataka kayo bakit ako binubulabog ng kakambal ko sa banyo, actually andito parin kame ngayon sa Mansion ng mga Mondragon.

After I revealed my self last night kay Sophia, ay gaya ng sinabi ko nung una pa lang. Sophia never let me go that night...agad niya akong hinawakan sa leeg ika nga. Kaya eto ako ngayon, nagkukulong sa banyo para magkaron naman ako ng peace of mind.... Kada kilos ko kasi naka mata sakin ang mga Mondragon, akala mo eh tatakas na naman ako sa apo niya.

Kaya dito na kame nag palipas ng gabi ni Althea.... Dahil napag desisyonan ng matandang Mondragon na gusto niya maka usap ang Mama ko. Pero mas titindi pa pala dahil dumating din pala si Mommy Sandra. Malamang nalaman na niya ang pag labas ko kaya napa uwi ito agad ng pilipinas at siguradong bukol ang abot ko.

Isa pa sa pino-problema ko si Eliz, diko pa siya nakaka usap. Mula kagabi di siya nag pakita sakin, bigla na lang nawala sa party ng anak niya.

Pag kalabas ko ay may isang bata bumangga sa harapan ko para mapasanhi ang pag upo nito sa sahig, tumatakbo kasi ito kaya di niya ako napansin agad. Mukhang nasaktan dahil bigla itong napalabi na nag babatiyang iiyak.

Patay...

At bago ko pa siya patahanin ay bigla na lang itong umiyak. Napalinga tuloy ako sa paligid ko baka kasi nasa tabi-tabi lang ang magulang ng batang ito mabugbog pa ako.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now