Arabella
Agad akong bumaba ng sasakyan at napatingin sa orasan. It's already 8 am malamang gising na si Sophia, at sigurado akong bubunga-ngain na naman ako ng babaeng yun dahil iniwan ko siyang mag isa sa apartment.
Agad ko dn kinuha sa may compartment ang iilang groceries na pinamili ko. Madaling araw pa lang bumaba na ako para maka pamili, dahil nakalimutan kong nauubusan na pala kame ng stocks.
Pasyal kasi ng pasyal ang alam ng kasama ko at di man lang nag sabi na wala na pala kameng makain. Buti na lang at dalawang araw na lang ang natitira sa vacation na binigay ni Mommy.
I'm not stupid para paniwalaan ko ang sinabi ni Mommy na kapag pumayag ako sa trip na inaalok niya ay bibitawan na ng mga Mondragon ang anu mang ugnayan niya samin.
Knowing Sophia, alam kong di siya papayag.
Kalokohan........
Napabalik lang ako sa sarili ko ng tumunog ang elevator kung nasan ang floor namin ni Sophia. Agad akong tumungo sa pinto at ini-swipe ang key card at pumasok.
Ginala ko ang paningin ko sa loob ng wala akong makitang naka ngusong Sophia sa harapan ko,
Di kaya tulog pa siya?
Inilapag ko na lang ang susi ng kotse ko sa lamesa at tumungo sa kusina para maka pag luto. Wala naman akong maasahan sa babaeng un pagdating sa kusina laging order or drive tru lang ang alam kaya ang payat-payat.
Napa atras naman ako bigla ng biglang sumulpot si Sophia mula sa kusina.
"What the?!! Sophia!? Papatayin mo ba ako sa gulat!" Inis na sigaw ko dito at inilapag ang pinamili ko.
Papatayin niya ba ako sa gulat? Ginala ko ang mata ko sa kusina dahil ang kalat.
"Ano ginawa mo sa kusina?" Tanong ko dito.
"San ka galing?" Sa halip sagutun ako ay Tanong dn ang tinanong sa akin.
Habang tinulungan niya akong ilabas lahat ng pinamili ko.
"Sa grocery.... Di mo man lang sinabi sakin na wala na--" napatigil ako sa sasabihin ko ng napansin ko ang suot nitong loose white polo ko.
Mejo malaki kasi itong tingnan sakanya na aabot hanggang sa nag lalakihan niyang binti.
"Bat suot mo damit ko?" Taas kilay kong tanong.
"Marumi mga damit ko eh, di pa kasi kinukuha ang mga labada natin."
"Ang sabihin mo, lakas mong mag papalit palit ng damit kaya madali kang maubusan, tanggalin mo nga yan." Tatangkain ko sana siyang lapitan ngunit agad napatigil ng tumawa ito ng mahina.
"Sure ka?" May pag ka pilya nitong tanong.
"Haaiissshhh wag na nga, pa abot na nga lang ng asin."
Natatawang inabot lang din niya sakin ang hinihingi ko.
"Gutom ka na ba?"
"O-oo....... I think?" Wala sa sarili kong sagot.
"Gusto mong kumain?"
"Ang alin?" Naka salubong ang kilay kong tanong.
Napakagat labi naman ako ng tumungkod pa ito para mapa angat ang hem ng suot niya.
Dinig ko ang pag hagikhik ni Sophia para bumalik ako sa katinuan.
"Gutom ka na nga." Natatawa nitong sagot.
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...