Arabella
"Tama ba itong ginagawa natin Althea?" Tanong ko kay Althea habang tinitingnan ko ang mga taong na labas pasok sa bahay ng mga Mondragon.
Plano kasi ni Althea na dito ako mag papakita sa mga Mondragon. Eto na daw ang tamang pagkakataon para lumabas.
"Don't ever underestimate me Arabella. Maniwala ka sakin, lalabas din ang taong sangkot sa skandalong ito."
"Pero hanggang kelan?"
"Alam mo ang sarap mong untugin, masyado kang nag mamadali. Akala ko ba gusto mo na tulungan kita?" Pag iirap ni Althea.
"Natatakot kasi ako Althea," nakayukong sagot ko.
Narinig ko ang paghinga ng malalim bi Althea, at hinawakan ang kamay ko na naka patong sa hita ko.
"Wag kang matakot... Andito naman ako eh, di kita pababayaan sa loob." Sabay pisil nito sa kamay ko.
Ngumiti lang ako ng tipid at muling tumingin sa mansion ng mga Mondragon.
This is it Arabella... Sa oras na lumabas ka sakanila, sigurado akong tulad dati.... Di na naman ako titigilan ni Sophia,
"Anjan na siya, prepare your self. Tara." Yaya sakin ni Althea, at una na itong lumabas.
Nag tatakang sumunod ako dito, dahil diko alam sino tinutukoy niya na andito na.
Dumaan kame sa kabilang gate kung saan naka abang ang isang lalake na sa tingin ko ay isa sa mga bodyguard ng mga Mondragon.
Di man lang niya kame nagawang harangan ni Althea, mukhang ine expect na niya ang dating namin.
Hanggang sa humantong kame sa isang maliit na pinto. Kumatok si Althea rito hanggang sa may bumukas.
"Kanina pa kayo hinihintay." Salubong ng lalakeng bumukas ng pinto.
"Asan siya?" Tanong ni Althea.
"Nasa opisina niya."
Sumenyas si Althea sakin para sumunod sakanya. Kaya sumunod din ako rito agad.
Muling kumatok ito pero agad naman binuksan ni Althea at di na hinintay ang pahintulot ng taong nasa loob.
Napagala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, at una kong napansin isang kahabaang sofa at isang lamesita kung saan may isang single couch na may naka upong matandang la-lake.
Napa atras ako bigla dahil nakilala ko kung sino ang matandang ito. At walang iba kundi ang matandang Mondragon.
Bakit diko siya napansin kanina.
"Buti naman lumabas kana sa lungga mo Guevara." Pormal na tanong nito.
Napatingin ako kay Althea na ngayon ay naka sandig lang ito sa isang sulok ng pader habang naka pamulsa sa jogger pants niya.
Napa itlag naman ako ng biglang binagsak ng matanda ang baston nito para kunin ang atensyon ko.
Bigla itong napatayo at lumapit sa akin kaya napalunok ako wala sa oras.
"Matagal ko ng gustong gawin ito sayo." At sa isang iglap bigla na lang akong natumba sa harapan niya.
Napahawak tuloy ako sa panga ko dahil ito ang unang beses na may sumapak sakin. Naramdaman ko ang mainit na likido tumutulo sa labi ko.
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...