Arabella
"Pasensiya na Ara, na delayed kasi ang flight nila Valerie at Ash. Kaya imbes na 11am ay naging 12:30 na ng hapon ang alis nila sa Busan. Maybe mga around 1pm andidito na sila sa pilipinas." Hinging paumanhin ni Athena sa kabilang linya.
Pasimple akong tumingin sa relo ko habang nakikinig sa sinasabi ni Athena.
"It's ok, total wala naman akong gagawin eh," sagot ko at dumangaw sa bintana.
Nakatingin kasi ako sa mga eroplano na nag sisi alisan at nag sisidatingan.
"I'm really sorry Arabella. Kung pwede lang na ako sumundo kay Va-"
"Di ba sabi ko.... It's ok, besides. Bakante naman ako."
"One Black Coffee for Ms. Arabella."
Tumayo na ako sa kina uupuan ko para kunin ang inorder ko sa counter.
"Basta ha, ung mga bilin ko sayo."
Diko mapigilan mapa ikot ng mata habang pabalik ng upuan.
"Yes Boss."
"Seryoso ako Arabella, may pag ka makulit pa naman si Valerie, Kaya wag kang mag papadala sa pag papa cute niyan."
"Oo na nga Athena. Kulit." Natatawa ko pang sabi.
"Pinapa alahanan lang nman kita, kasi baka pilitin ka niya na siya ang mag maneho, Ara di pa yan marunong kaya wag mong hayaang ipa drive o mahawakan niya ang manibela ok?"
"Oo na, sige na.. Ibaba ko na to."
"Ok, are you sure na hihintayin mo siya? 11 am pa lang kasi. Napa ka aga pa--"
"Athena." Pag babanta ko.
Kakasabi ko lang na bakante ako eh.
"Ok-ok fine, thanks twinny, I love you."
"Yeah--yeah whatever."
"Wala man lang I love you too?" Nakanguso nitong tanong.
Daig niya pa ang bata... Inaasar ko lang naman siya.
"Oo na, I love you too twinny."
"Yun ohh... Woooww..." Dinig kong bulong nito sa huling sinabi mula sa kabilang linya.
Napa ikot muli ako ng mata dahil alam ko ang ganung expression ni Athena.
May sinilipan na naman to.
Alam ko ang takbo ng utak ng kakambal kong ito, kambal ko eh.
"Athena, sino na naman sinisilipan mo?!" Natatawa ko pang tanong.
"Hey Sophia,"
Bigla naman nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang pangalan ni Sophia.
Don't tell me, si Sophia ang sinisilipan niya?!
"I'm warning you Athe--hello?"
Napatingin ako sa telepono ko ng binabaan na pala ako ng gaga.
Tsk..
Sinubukan ko ulit itong tawagan pero mukhang inof nito ang telepono.
Aaaiiisshhh malalaman ko lang talaga na si Sophia binosohan mo makakatikim ka talaga sakin babae ka.
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...