Diko alam kung ilang beses ko ng dina-dayal ang numero ni Zoe, para sana maki balita sa Pilipinas.
Dahil diko alam bakit parang bigla na lang akong kinabahan, at pamilya ko agad ang unang pumasok sa isip ko.
Mas lalo lang ako pinakaba ng di man lang ako sinasagot ni Zoe, maski si Althea ay ganoon din.
Ano ba ang nanyayari?! Come on guys! Answer my calls!
Napahawak na lang ako saking batok habang parito't para doon ang ginagawa.
Napatigil lang ako sa pag da-dial ng numero ng may nakarinig akong mga tao mula sa labas, kaya tinungo ko ang veranda upang silipin ito.
Una kong napansin ang mga bodyguards ni Eliz at ang isang matandang lalake na sa tingin ko ay nasa mids 60's na ang tanda.
Pumasok ito sa bahay, kaya dali-dali din akong lumabas ng kwarto at sinilip sila mula sa taas.
Dali-dali din akong nag tago sa likod ng kurtina ng mapansin kong dadaan sila sa gawi ko. Hanggang sa dumeretyo ang mga ito sa library ni Elizabeth.
Kumatok pa ang mga bodyguards niya bago ito pinahintulutang pumasok,
Wala pang ilang segundo ay lumabas agad ang mga tauhan niya ngunit wala na ang matandang lalake na kasa-kasama nila kanina.
"Sino ba ang matandang yun pare? Yun ba ang mag papakasal sa amo natin?"
"Hinde gago!! Ang alam ko lang pinapahanap siya ni Ma'am Eliz satin kasi may itatanong lang siya sa paring yun."
"Pambihira, pumunta pa tayo ng Roma para lang kunin ang matandang yan? Tapos kakausapin lang naman pala? Di ba uso kay Ma'am ang video call?"
"Alam mo ikaw... Puro ka reklamo! Bumalik kana nga sa pwesto mo, at paakyatin mo si Diego dito kasi babantayin namin si Ma'am Ysabelle. Utos kasi ni Ma'am na wag palabasin ng kwarto si Ma'am Ysabelle hanggat di pa nakaka alis ang bisita."
What? Bakit niya ako pina-pa bantay? At bakit ayaw niya ako ipalabas? Sino ba ang matandang yun?
"Santos!! Victor!! Mag miryenda muna kayo dito,"
Dinig kong tawag ng isa sa kasamahan nila na nasa baba ng hagdan.
"Mauna na kayo, may babantayan pa ak--"
"Ano ka ba nman Victor, di aalis si Ma'am Ysabelle jan. At isa pa... Siguradong tulog pa yan sa ganitong oras at mamaya pa yan magigising."
"Pero--"
"Halika na pare, wag ka masyadong loyal jan. Unahin mo tiyan mo. Aba't wala pa tayo kain at tulog kaya wag ka ng magreklamo." Sabay hila nito sa kasamahan niya.
Sige na, sumama kana... Paki usap,
Napakamot na lang ng ulo ang isa sa tauhan ni Eliz at nag patangay sa kasama. Nakahinga naman ako ng maluwag ng pumayag ito,
Hinintay ko muna ang mga tauhan ni Eliz na malampasan ako bago ako nag pasyang lumabas sa pinag tataguan ko.
Dahan-dahan akong humakbang at agad kong tinungo ang pintuan ng library at dahan dahang pinihit ito sedura nito, buti na lang at di niya ni lock. May ugali kasi si Eliz na isera ang libray niya kapag may ginagawa siya o di kaya may bisita.
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...