Chapter 31

8.6K 349 34
                                    

Sophia

"Malapit na ba tayo?"

"Oo." Simpleng sagot nito habang ang mga mata nito  nakatingin sa daan.

Napa irap naman ako dahil naririndi na ako sa sinasabi niyang malapit na.

Mag iisang oras na akong naka upo dito sa loob ng sasakyan niya at siguro it's my fifth time asking her the same question!

Hanggang ngayon di pa kame nakakarating.

"Kanina mo pa sinasabing malapit na, pero until now andito parin ako sa pwesto ng malaking billboard ng pag mumukha ni Daniel Padilla. Di parin ba tayo umuusad?! Nakaka umay na siya."

"Could you please, calm down... don't shout. Ang lapit lapit ko lang--"

"Gusto ko ng umuwi." Pag mamaktol ko.

"Eto na naman tayo Sophia! Di ka uuwi...kaylangan mo mag prenatal check up."

"Pupunta lang ako kapag si Arabella ang sasama sakin."

Kita ko ang pag pikit ng mata ni Althea habang kinakamot ang kanyang noo, marahil ay nag titimpi siya pag tatantrums ko.

"Alam mo naman di pwede diba?"

"Bakit kasi ayaw mo pang ipasabi kay Arabella ang totoo? Na dinadala ko ang anak niya."

"Yan ang wag na wag mong gagawin,"

"Bakit ba Althea? Kelan ba natin sasabihin sakanya?"

"Sa takdang panahon Sophia. At sa tanong mo kung bakit? Kahit ako diko alam, mas gusto kong walang nakaka alam tungkol sa bata."

Dun lang siya lumingon at pinag titigan ako.

"Anak niya to Althea--"

"Ok fine... Ako na ang mag sasabi sa kapatid ko."

Mag iisang linggo na ang nag daan mula ng naging tahimik ang pamumuhay naming lahat.

Arabella change a lot. Kung dati ay lagi kameng di nag kakasundo, ngayon ay lagi siyang anjan sa tabi ko, ramdam ko na she really care me so much, kung dati nag dadalawang isip at nag dududa ako sa naging pasya ni Arabella, ngunit napatunayan ko na mahal niya talaga ako,

Sa totoo lang ngayon lang talaga kame nag hiwalay ni Arabella, may sinundo kasi ito sa airport, and I think it's Athena's fiancée. Uuwi na kasi ito ng pilipinas galing sa Korea kasama ang anak ni Ayesha.

"We're here."

Nanumbalik lang ako sa kasalukuyan ng pinark ni Althea ang sasakyan niya. Nasa harap na pala kame ng isang O.B gyne. Pinag buksan naman ako ni Althea kaya agad akong bumaba. Tinulungan ako nitong akayin para maka pasok sana sa loob ng clinic.

Pero agad akong tumigil dahil daig ko pa ang disabled na tao.

"What?" Nag tatakang tanong nito.

"Althea, kaya ko sarili ko, di ako lumpo." Sagot ko habang inilalayo ang braso ko sakanya.

Napakamot naman ng ulo si Althea marahil nahiya siya sa ginawa niya.

"Pasensiya na, nasanay lang kasi ako kay Jade noon. Sensetibo kasi si Jade nung pinag bubuntis niya si Abby."

Napangiti na lang akong umiiling iling habang nag lalakad kame sa hallway.

She's really responsible... Halos lahat silang mag kakapatid ay family oriented talaga.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now