Chapter 39

7.5K 329 58
                                    

Sophia

Walang imik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang daan pabalik ng bahay ng mga Guevara.

Galing kasi kame ulit sa funeral na umasikaso sa katawan ni Arabella, ngunit gaya kahapon ay wala parin ang mga ito, at maski sa detective na humawak sa kaso  ni Arabella ay di pinalampas ni Althea maski ang Doctor nito misteryosong nawawala din sakani-kanilang trabaho,

Para silang bula na nag laho lahat sa isang iglap. At di maaalis sakin ang pag dududa.

"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo, may problema ba?"

Mula sa labas ay napatingin ako kay Althea na nakatingin din pala sakin.

"W-wala." Sagot ko dito at muling tumingin sa labas ng bintana.

"Wag kang mag alala dahil kahit ako nag dududa na sa kaso ng kapatid ko, nag sisimula na akong maniwala na buhay nga talaga siya." Napahinto ang sasakyan dahil sa naka red light ito. Kaya lumingon muli ako sakanya at ngumiti ng tipid. "Di ako titigil Sophia, pinapangako ko sayo.... Hahanapin ko siya, at iuuwi sayo."

"Salamat Althea, di ko alam ano gagawin ko kapag wala ka."

"Tulad mo, umaasa akong buhay siya. Dahil kahit nakangiti lang kameng mag kakapatid, na parang walang nawala samin. Di mo lang alam kung gano ka sakit para sa sitwasyon namin mawalan ng kapatid." Malungkot na pahayag nito.

"Naka usap mo na ba ang iba mong kapatid?"

"No, hinde pa. Sinubukan kong kontakin si Ayesha kagabi pero puro busy tone ang sinasagot. Marami ata silang costumer sa flower shop kaya di napansin ang tawag ko. Pero nag iwan na ako ng e-mail sakanya, sigurado akong uuwi yun agad sa oras na mabasa niya ang sinabi ko."

"Si Athena?"

"Hindi din eh, hihintayin ko sana siya kagabi, Kaso nakatulog na ako, ayon din sa kasambahay di nila napansin ang pag uwi ni Athena, mukhang ginabi ata."

"Oo.. Mga 1 am na ata yun siya naka uwi,"

"Naabutan mo ba? Di ka ba nakatulog?"

"Oo, iniisip ko kasi ai Arabella, and speaking of Athena umuwing lasing kagabi."

Napalingon ng panandalian si Althea sakin bago bumalik sa daan habang naka kunot ang noo nito na parang nag tataka.

"Lasing?"

"Oo."

"Hinde umiinom ang kapatid ko. Bat siya nag pa lasing? Nag away ba sila ni Valerie?"

Sa sinabi nito bigla ko tuloy naalala ang pag uusap namin ni Athena kagabi,

"She's not my wife...."

"I'm home...."

"Sophia," pag tawag ng atensyon ni Althea.

"H-huh? I don't know." Kibit balikat kong sagot.

"Napapansin kong napapadalas na ang pag aaway ng mag asawa."

"Sa tingin mo bakit?"

"I don't know either, di kasi ako nakiki alam sa away nila. Kay Jade ko lang nga nalaman tungkol jan."

Dapat ko bang sabihin kay Althea ang sinabi sakin ni Athena? Lalong lalo na ang nakita ko kagabi kay Valerie.

"Shit!!"

Biglang prumeno si Althea para mapatingin din ako sa harapan namin ang sanhi nito.

May nakaharang palang tao sa harap ng gate ng bahay nila Althea, tila nagulat din ito at napalingon sa gawi namin, lalabas sana si Althea, ng bigla biglang tumakbo ito papalayo na parang takot na takot.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now