Chapter 36

7.4K 323 37
                                    

Sophia

It's been years have past, but it's still fresh on us, lalong lalo na sakin....

Flashback......

Kung pwede lang paliparin ni Althea ang sasakyan niya ay ginawa na niya, nanginginig ang mga kamay nito habang mahigpit na hawak ang manibela, tulad ko ay namamaga rin ang mga mata nito dahil sa kakaiyak mula ng matanggap niya mula sa kasamahan niya ang balitang naaksidente umano ang kapatid nito.

Napatingin ako sa rear mirror kung nasan din naka upo ang nag aalalang mukha ni Athena, tulad namin ay namamaga din ang mata nito sa kaka iyak  ng malaman namin ang nangyari kina Valerie at Arabella.

Nang makarating kame ay halos mag kasabay kame ni Athena bumaba ng kotse.

Sumalubong samin ang mga bubog sa kapaligiran at iilang parte ng sasakyan na nag kanda lasog lasog at sira, sa di kalayuan ay maanigan mo na ang halos mayuping sasakyan lula nila Arabella.

"Tsong!"

May isang babae na lumapit samin at may kung anong bumulong kay Althea. Napalaki naman ang mata ni Althea at nag mamadaling itulak ang mga taong naka ushoso sa kapaligiran. Nag mamadali kameng sumunod dito, ngunit agad naman akong napa pako sa kinatatayuan ko ng bumungad sakin ang isang taong naka higa sa daan at naka takip ng puting kumot na puno ng mansta ng dugo.

Pansin ko na lang ang pag luhod ni Althea sa gilid nito at dahan-dahang binuksan ang kumot na nakatakip.

Napasinghap naman ako ng makilala namin kung sino ang nasa likod ng puting kumot na yun.

At walang iba kundi ang walang buhay na katawan ni Arabella. Puno ng pasa ang kanyang mukha at buong braso.

Marahil ay nakuha ito sa pag aksidente nila.

"A-ara-" diko mabuo ang pangalan nito dahil nag mumula ng manlabo ang mga mata ko dahil sa nag babadyang pag luha.

"Tsong, kasama ko pala si Detective Santos. Siya ang nag iimbistiga dito."

"Anong nangyari?" Taimbagang tanong ni Althea sa Imbestigador.

"Ayon sa nakalap naming impormasyon Ma'am,bandang ala una ng hapon nakunan sa CCTV ang pag liko ng sasakyan ng kapatid niyo patungo sa gawing ito, wala naman kahina hinala mga oras na yun, dahil nakunan pa ng camera ang masayang pag uusap ni Ms. Guevara sa kasama niya, siguro kaya lumiko sila sa shortcut na ito para maka iwas sa mataong lugar at para wala silang masaging sasakyan."

Napalingon naman bigla si Althea at kinuwelyuhan ang lalakeng kausap.

"Anong ibig mong sabihin? Magaling mag maneho ang kapatid ko--" napatigil agad si Althea at tumingin sa sasakyang ginamit nila Arabella. "Pwera na lang kung si Valerie ang nag maneho." Dinig kong huling bulong ni Althea.

"Nasan ang isang kasama niya?"

Napakamot naman ng ulo ang inspektor at alanganin itong sumagot saking lahat.

"Yun na nga po Ma'am eh, nawawala po ang isa niyang kasa--"

"Nasan si Valerie! Nasan siya!!!"

Napalingon kame ni Althea ng marinig namin ang galit na tinig ni Athena.

"Sorry Ma'am, pero wala pa kameng na riri-cover na ibang bangkay o biktima bukod po sa kapatid niyo."

Kung ganon nasan si Valerie?

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now