Chapter 18

8.3K 429 99
                                    

Sophia

"Your so beautiful anak." Pag pupuri ni Mama sakin.

"Thanks Mom." Nakangiti kong sagot rito.

"Anjan na mga bisita mo. At pinapatawag kana ng Lolo Alfonso mo, kaso wala pa si Justin."

Napairap naman ako, habang tinuloy ang pag lagay sa hikaw ko.

"Anong bago doon? Lagi naman siyang huli sa lahat ng bagay. Diko nga alam bakit botong boto kayo sa lalakeng minsan na akong pinahiya, at lagi akong sinasaktan mapa physical o emotional."

"Anak... Justin is a nice guy, just give him a chance. Ok?"

Tumango lang ako bilang sagot, dahil ayaw ko makipag diskusyon kay mommy pagdating sa ganitong bagay.

Dahil alam kong si Justin ang paboboran niya, kaya tumayo na ako sa kina uupuan ko para ready na akong lumabas pero bapatigil ako sa narinig ko kay Mommy.

"And besides, Justin has been waiting this for so long."

Napalingon naman ako sa sinabi ni Mama na may halong pag tataka.

"What do you mean?"

Pero sa halip ngumiti lang ito at lumapit sakin habang inaayos ang na gusot kong gown.

"Napag disisyonan ng Lolo mo na, after this birthday of yours. Mag papakasal na kayo ni Jus--"

"No!!" Agad kong kontra dito.

Para maging sanhi ng paglaho ng ngiti ni Mama.

"Anak ito ang gusto ng Lolo mo--"

"Si lolo? Oh ikaw?"

"Para sayo to, besides nasa maganda kang kamay anak--"

"Ang sabihin niyo, kina usap mo na naman si Lolo about this." Iiling iling ako bilang di pag sang ayon. "Diko papakasalan ang lalakeng yan. Ni diko nga siya nagawang sagutin nong liligawan niya ako, tapos ngayon mag didisisyon kayo na pakasalan ko ang lalakeng yan?"

"At sino ang gusto mo?" Seryosong tanong ni Mama.

"Si Arabella? Si Arabella parin ba?? Ha Sophia?!"

Napa iwas na lang ako ng tingin dahil diko siya masagot.

Napatawa lang ito ng pagak at hinawakan ang braso ko para bumaling ang paningin ko dit.

"Wag ka ng umasa sa rapist na yun. Tinakbuhan kana nga matapos ang ginawa niya sayo, tapos nalaman lang na mag papakasal siya sayo. Ayon!! Biglang nalaho na parang bula."

"Kilala ko si Arabella, Ma..... Di siya tatakbo na walang dahilan--"

"O come on Sophia!!! Wake up!!! Mula ng inanunsiyo ng Lolo mo ang pag urung ng kaso kapalit ng letcheng pagpapakasal mo sa babaeng yan, na labis kong tinutulan! Bakit ako papayag na mag pakasal ka sa taong gumahasa say--"

"Nag aaway ba kayo?"

Naputol lang ang sasabihin ni Mama ng biglang pumasok si Lolo,

Agad naman lumayo sakin si Mama at ngumiti kay Lolo, kaya inayos ko din sarili ko at pinahid ang nag babadyang luha sakin mga mata.

"No Dad, we're just talking."

"I thought nag tatalo kayo mag Ina," tumingin sakin si Lolo at ngumiti. "Oh wow.... You so beautiful apo, your so gorgeous..... Kamukhang kamukha mo ang Mommy mo nung kabataan niya," Sabay halik nito sakin.

"Thanks Lo," ginantihan ko din ito ng yakap.

"At buti na lang di mo kamukha ang wala mong kwentang Ama."

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now