Chapter 16

8.4K 408 37
                                    

Arabella

"So, dito ka muna pansamantala, habang hinihintay natin si Mommy Sandra bumalik galing Belgium."

Ginala ko naman ang paningin ko sa kapaligiran napangiwi naman bibig ko dahil mejo maliit siya para sakin.

"Wag mo paandarin sakin yan ka artehan mo Arabella."

Napa ikot nman ako ng mata at tumungo sa may kusina,

"Wala nman akong sinasabi ah?" Pag kukunwari ko habang kumuha ng isang basong tubig sa ref.

"Wala nga, pero yan expression ng mukha mo, kilalang-kilala kita, Kaya wag ako Arabella."

Tinabig niya ako patabi para kumuha din ito ng maiinom at para mapawalan ako ng balanse at maging sanhi ng pagbuhos ng kaunting tubig ang dibdib ko,

Tsk.... May tinatagong kamalditahan din to eh.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ng masungit kong kakambal. She really knew my bad side attitude.

Well sorry diko mapigilan, ugali ko na kasi ang salitang 'Maarte' ayaw na ayaw ko ang mga bagay na sa tingin ko di ako nababagay.

Actually nasa dating apartment ako ni Althea, ambandonado na kasi ng ilang taon, mula kasi ng ikinasal sila ni Jade at nag kapamilya, nag patayo siya ng sarili niyang bahay para sa asawa at anak niya, malaki yung bahay nila Althea ngayon sa totoo lang. Akala mo malaking pamilya gagawin... Eh mas malakas pa nga si Ayesha gumawa ng bata kesa sakanya.

Sabagay meron pala si Ayesha na kayang mag parami ng bata kung di sila mag iingat ni Zoe.

Actually maliit sana ipagawa niya kaso ung asawa niyang si Jade ay masasabi kong ka ugali ko din, may pag ka Maarte sa lahat ng bagay.

Well diko masisi si Jade, I know that feeling gusto lang namin na neat and clean. Ito kasing si Althea ay napaka opposite ko, kung ako maarte, ito naman style nito kung ano makita un ang gagamitin, walang etche boreche sa gamit.

Kahit itapon mo siya sa ilalim ng tulay at don ipatira, talagang gagawin niya.

"Kelan ba siya uuwi?" Tanong ko rito habang nililinis ko ang basa sa damit ko.

"Next week pa ata."

"Naku Althea diko siya mahintay, kaylangan ko ng kumilos hanggat maaga. Lalo pa't may duda akong isa si Benjie sa posibleng sangkot ng gabing yun."

Huminga ito ng malalim at kinuha ang maliit niyang notebook kung saan sinusulat niya ang bawat impormasyon na nakakalap namin. Ini isa-isa niya bawat pahina.

"O sige ganito na lang, di ka muna mag papakita kina Mommy at Mama. Uunahin muna natin itong mga taong may posibilidad na sangkot sa kaso mo."

"Kung ganon uunahin natin si Benj-?"

"No." Mariing sagot nito.

"Eh kung ganon sino?" Nagtatakang tanong ko.

"Your friend, Fred."

"Si Fred? Bakit kasali si Fred dito?"

"He's a drug addict Arabella, and when it comes to the world of drugs iisa lang ang mundong ginagalawan nila."

"Pero Althea, ang akin lang... Nangyari ang lahat ng ito sa America, kaya papano natin ma po-point si Fred ang uunahin mo?"

"Alam mo diko alam kung iniinsulto mo na ba talaga ang kakayahan ko o ano?!"

"Di nman sa ganon Althea, ang akin lang... Papano?"

Dahil sa totoo lang parang napakalayo naman kasi ng sisimulan naming imbistigasyon.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now