Isa isa kong kinuha at tinitingnan ang mga stocks ng alak dito sa Bara de Cabra kung saan naka imbakan ang mga samot saring alak ni Anne.
Iniisip ko kasi kung ano ang magandang ipapainom sa mga bisita ni Boss.
Habang tinitingnan ko ang bawat lebel ng alak ay narinig ko ang pag bukas ng pinto.
Pero di ko na ito pinansin at tinuloy ang pag pipili ng wine para sa bisita.
"Hoy babae! Oh... Pinaaabot ng masugid mong taga hanga." Sabay lahad sakin ang isang kumpol ng gumamela sa harap ko.
Pero hinawi ko ito at tinuloy ang pag pipili.
"Sungit ni Ate? Bat di mo kasi sagutin."
"Ako ba inaasar mo?" Tanong ko dito at nilingon siyang naka taas ang isa kong kilay.
"Aba naman Bella? Mag iisang taon na kayang nangliligaw sayo si Mang Tasyo, sagutin mo na."
"Pwede ba iwan mo nga ako," banta ko rito.
"Fine," sabay angat ng dalawang kamay na pag suko nito.
"Mayaman naman un Bella, at sigurado akong maganda ang magiging kinabukasan mo sakanya."
"Tsk... Diko kaylangan ng yaman niya.........mas mayaman pa ako sa matandang un."
"Ha? Ano yun?"
"Wala! Pwede ba umalis kana nga. Storbo ka alam mo ba yun?" Sarkastikong pahayag ko dito.
"At alam mo ang sungit mo."pag iirap nito.
"Kung ayaw mong masungitan, pwede ba tigilan mo na ang pag rereto mo sakin sa matandang yun? Dahil kahit kelan.......Diko papatulan yun."
"Ang harsh.... Baka tomboy ka?!"Exaggerated nitong pag singhap.
Dahil sa naka dama na ako ng inis sa babaeng ito. Ay naka isip ako ng kalokohan para bigyan ito ng leksyon.
Binaba ko ang hawak kong board at matamis na ngumiti rito.
"Eh pano kung sabihin ko sayong Oo."
Pilit kong pigilan na di mapatawa ng makita ko ang pag likot ng mata nito na parang nang iiwas.
Kaya dahan dahan akong lumapit at hinawakan ang pisngi nito. Tatakbo sana ito ng agad kong hinarangan ang katawan ko sa tatakbuhan niya.
"San ka pupunta?"
"Bella..di magandang biro yan ha."
Agad kong hinawak ang mag kabilang pulsuhan nito at nakangiting nakakaloko binigay ko sakanya.
"An-anong ginagawa mo? Hoy Bella di magandang biro yan."
Pero di ako nakinig at dahan-dahan akong lumapit dito para kunwaring hahalikan ko siya, pero napatigil ako sa narinig ko muli ang mga boses ng nakaraan.
"Ara stop it!!"
"Tama na!!"
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...