1 week later.....
"Ako na po Ma'am,"
"Thanks kuya, paki una na lang ang mga gamit ni Yuri sa kwarto."
"Yes po Ma'am."
Tumango lang ako, at kinuha si Yuri sa baby seat na sa likod ng sasakyan. Nakatulog na ito dala ng ilang oras na byahe, andidito kasi kame ngayon sa Australia kung saan gaganapin ang engagement ng kapatid ni Damon.
Humingi muna ako ng permiso kay Althea, about dito. Di nman siya kumontra dahil kahit masama ang timpla niya sa kaibigan ko ay di niya o nila ako pinag babawalang sa mga bagay na gaya nito.
Gusto sana nilang iwan ko si Yuri sakanila, kaso natatakot akong mawalay sa anak ko kahit segundo lamang, nadala na ako non nung nawala ng ilang oras si Yuri doon sa lamay ni Lolo.
Buti na lang natagpuan siya ni Valerie, nasa garden daw itong kumain ng ice cream na mag isa.
Kaya mula non, lagi ko ng kasama si Yuri saan man ako mag punta ay dala-dala ko na ang anak ko.
"Nasa kwarto na po lahat Ma'am, kung may kaylangan daw po kayo sabi ni Sir Damon, wag daw po kayong mahiyang lumapit samin."
"Thank you kuya, pero mag papahinga muna kame.".
"Sige po," magalang muli itong nag paalam.
Dahan dahan kong binaba sa higaan si Yuri at tumungo sa maleta namin ni Yuri at kumuha ng iilang damit roon para mapalitan ng bago.
Habang tinatanggalan ko siya ng damit ay pansin ko ang bracelet na suot ng anak ko, suot na niya ito ng time nawawala siya.
Hinawakan ko ito at tinanggal sa wrist niya, pinagmasdan ko ito ng maiigi, isa pala siyang adjustable bracelet. Kung titingnan mo ay ma fi-fit ito sa malaking tao, at kapag inadjas mo naman ay kakasya din para sa mga bata,
Inikot ko ito at pinag masdan ang bawat detalye na naka loob sa silver bracelet, at masasabi kong di dn ito basta bastang fashionable bracelet dahil napapaligiran ito ng silver diamond.
Mukhang mamahalin ang bagay na ito, pano to napunta sa anak ko?
Napatigil ako sa pag mamasid ng mapansin ko ang maliit na letrang nakaukit dito.
"Ysabelle......" Mahinang bulong ko.
Napaitlag naman ako sa kinauupuan ko ng biglang tumunog ang telepono ko, napa irap naman akong kinuha ito at sinagot.
"Di ba ang usapan, tatawag ka kung dumating na kayo ng rest house ng Demon na yan?!" Unang bungad niti na bakas ang inis sa kanyang mukha.
"It's Damon." Pag tatama ko.
"Whatever!" Walang pake alam na sagot nito.
"Kakarating lang di namin Althea,"
"Kanina pang 7 minutes ago ang lapag ng eroplano niyo Sophia."
"Althea, uso din ang traffic dito." Pag mamaldita ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin bago huminga ng malalim.
"Nasan si Yuri?" Hanap nito sa pamangkin niya.
"Natutulog na,"
"Anong oras ba ang kasal? Gusto mo ipapunta ko jan si Jade or si Zoe?"
"Wag na, alam mo namang busy sila sa kani kanilang pamilya at anak, Kaya ko na ito,"
YOU ARE READING
#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)
RomanceArabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... but what happen when a biggest scandal will ruin her career. Only way to stop the gossip scandal is to Marry the one who spread the scandalous...